Skip to content

Bulalakaw

February 3, 2011


Bulalakaw, Taeng-Bituin, Bituing-alpas, Batong pangkalawakan, sa English Meteor, Shooting Star or Falling Star.

Isa kaba sa maraming tao na madalas makakita nito? At ano naman ang una mong nasaisip pag halos bumulusok ito sa iyong dinaraanan habang ika’y naglalakad?
Naranasan mo nabang makasaksi ng meteor shower? Or mapanuod ang full episode ng Meteor Garden ng F4 (isa ako sa naging adik nuon hahahaha) :D

Nakapulot kana rin ba ng batong pangkalawakan at naisipan mo bang lunukin at sumigaw ng Darna? (sorry guys para sknila lang yun, kaya pag nakapulot kayo ipalunok nio sa GF or Asawa nio, may instant hero ka! Pero kung nakapulot kayo ng barbel or dambel wag niong lulunukin Sumigaw ka lang ng Capt. Dambel hahahaha)

Karamihan satin pag nakakakita nito ay biglang napapahinto, pumipikit at nagwiwish, isa Karin ba sa kanila? Ako isang malaking OO ang sagot ko ahihihihihi… :D

Ang iba nagugulat at nasasambit na “AY BULALAKAW” at nakakalimutang magwish, maiinis at magsasabing “SHIT Nakalimutan ko magwish f**k) at maganda rin daw na ang magkasintahan ay sabay na makasaksi nito mula sa kalawakan (ang sweetness naman diba)

Sino nga ba ang nagpauso nito at may naidokumento or nagpatotoo naba sa ganitong gawi??

Basta ako simula pa ng pagkabata, lagi na ako nakakasaksi nito at hindi ko nakakalimutang magwish… kahit saang bansa ako mapunta lagi rin ako nakakakita nito, ang sarap pagmasdan, kahit hindi mo inaasahan kusa itong magpapakita, sa katunayan hanggang ngayon paulit ulit lang ang aking wish, na nararamdaman kong unti unti na itong nagkakatotoo at naisasakatuparan.
Isang matandang kasabihan na hanggang ngayon ay dala dala parin natin sa bagong henerasyon.

Maniwala ka man o hindi, ang mahalaga ay masaksihan mo ang dalang liwanag na gumuguhit sa madilim na kalangitan mula sa malayong kalawakan.

Ikaw nakakita kanaba ng Bulalakaw?

About these ads
36 Comments
  1. base! oo nakakita na ako nang bulalakaw….mga apat na beses na…at sa apat na beses na iyon natutulala lang ako…nakakalimutang mag wish..ang bilis bilis kasi nang mga pangyayari eh hehehe

    • Hi Jobo, oo kadalasan nga hindi kaagad makapagwish pero ako laging alisto hahahaha… thank you for 2 consecutive na base ka ahihihi :D

  2. Hindi pa. Pero gusto ko. Pero gusto ko sa panahong makakakita ako nyan eh may ka hug akong lalake tas sweet na sweet kame yung tipong masusuka yung mga makakakita samen sa diri. Tapos i wiwish ko na sana magunaw na ang earth para masaya ang ending.

    Teka, ang totoo puyat ako kaya nagtatae ako. Haha.

    Hello Davmel! Haha. Natutuwa paren ako sa pangalan mo. Hahahahaha.

    • hahaha Sir Vajee puro kataehan talaga mula sa post mo hanggang dito ahihihi hindi mo ba alam na pag nakapanaginip ka ng tae pera yan!!!! kaya ok lang yan puro tae pagusapan hehehe

      Ayan imbes na Capt Barbel Capt. Dambel na, yan na ang binigay na palayaw sakin ni Ms, Anne at isa ka sa tumawa ng halakhak hahahah ang saya nga eh.. unique diba?
      Talagang lalake dapat ang kasma mong makakita nito ha, kakaiba ka talaga gusto mo maaksyong ending pati paggunaw ng earth… sobrang dami kong tawa kada mababasa ko ang mga comment mo kila Duks at Jkul :D

      Wish ko makakita ka na ng lalake este bulalakaw kahit magisa ka XD

      • Ehhh ayoko nga mag isa. Gusto ko may moment! Bwahahahaha. Maeksena ako eh. Hihi.

        Teka, wag ka magpapaniwala sa mga nababasa mo kina Jakul at Duks. Mga babuy yung mga yon. Panira ng pagkatao. Mga aswang. Lalo na si Duks. May lahing kapre yan eh. Kapre na mas malake pa sa paa ng kabayo ang lips.

      • Panira ako ng moment mo ahihihi sige na pagbigyan kita :D

        Hahaha siraan ba kayo? hindi ko mawari ung description mo kay Duks, kapre na mas malake pa sa paa ng kabayo hanep sa description waaaaaa, ano kaya ang response ni Duks dito ahihihihi

        Pero sir Vajee, ganda ng bloghay mo, englisan kung englisan talaga nakakanosebleed… buti nalang nakapat aral ako sa mababang paaralan ng Muntinlupa ahihihihi meydo nakakarelate baga XD

  3. Sobra akong naaliw dito sa poste mo na ito Davmel, naalala ko kasi ung sinabi sa akin ng isang blogger na may babagsak daw na napakalaking bagay sa earth tapos yun na! ayoko ng i-elaborate kasi nakakatakot :(

    Heniway, madalas akong makakakita ng shooting star sa disyerto pero tulad ng iba nakakalimutan kong mag wish, ang hirap kasing mag isip ng wish habang abala kang nagpapagulong-gulong sa buhanginan bwahahaha. Pero kung sakaling makapulot ako ng batong kalawakan, ibibigay ko ito sa kapitbahay kong panadol para mapalitan na ang costume niyang kukur. Mas ok naman yata ang pulang lampin sa harap tas may bonus pang pakpak sa ulo, mas modern ahihihi. Oo na nang aasar lang ako :)

    • Sir Roland mukha ngang nakakatakot ung sinabi ng isa mong blogger wag na nga lang :)

      At bakit ka naman pagulong gulong sa buhanginan kasama mo ba mga bado at camel? at anong ginagawa mo sa disoras sa gitna ng disyerto isa karin bang nuctornal species ahihihih dyok! natawa naman ako kay panadol mo ahihihi :D

      • @sir roland
        sinong blogger yun? anong babagsak? bwahahaha
        wait lang bakit sa central region walang mga bitwin as in wala kung meron man is alang, bakit diyan sa inyo madaming stars? wahhhhhhhh

        @sir davmel
        nakakaaliw nga ang mga shooting stars na yan
        naalala ko yung a walk to remember (comet pala yun bwahaha)
        isa sa mga rason ko bakit nung nasa Pinas ako palagi kong pinagmamasdan ang mga stars dahil isa sila sa mga nagpoproclaim ng greatness ni God, ng kanyang majesty.

        search mo sa youtube yung indescribable ni Louie Giglio at yung how great is our God tour niya, mas mamamangha ka sir.

        ok yan na po ang mga link.
        panoorin mo sir
        makikita mo how small we are pero mahal na mahal tayo ng Diyos
        sorry naman dito ako nagkalat. =)

      • Sir Pong@ ok salamat sa pagshare nito at panuorin ko nga, alam ko pag sayo galing talagang mamamangha ako…

        Tama ka masarap talagang pagmasdan ang mga stars sa kalangitan isa rin pantanggal stress… para bang si sharon cuneta na may dialogue “bukas luluhod ang mga tala” ahihihihi

    • Ahhh errr masaya kasi ang magpagulong-gulong sa buhangin tapos nag i-stargazing ka. Try mo ang saya nun ahihihi

  4. Bulalakaw, baka meron akong nakikita hindi ko lamang pinapansin.

    Dito kasi sa Maynila, madilim na ang mga ulap lalo na kapag brown-out.

    Nakakatuwa naman na dahil sa Bulalakaw, unti-unti mo nang natutupad ang iyong mga minimithi sa buhay.

    Baka anak ka ng bulalakaw. Capt Dambel. Mas bagay sayo ‘yan.

    • Jkul hindi naman dahil sa bulalakaw naging inspirasyon ko lang ang kasabihan or paniniwalang yan tayo parin ang gagawa ng ating kapalaran ahihihihihi :D

      Oo nga naman sa maynila hindi mo na mapapansin ang dalang liwanag ng bulalakaw dahil sa kapal ng polusyong ulap madedeadma mo na nga…

      Hahhaa kung anak ako ng bulalakaw dapat si darna ako hindi ata pwede ahihihihi :D

  5. wahhhh naspam yung comment ko sir
    pakiapprove na lang po! may dalawa kasing link akong inaattacghed =)

    • Na approved ko na… gulat din ako napunta sa spam hehehhee

      • @Davmel
        Bakit mo ina-approve ang mga spammer? echos bwahahahaha

    • Sir Pong@ napanuod ko na sa youtube kamangha mangha talaga ang gawa ng diyos, lahat patungkol sa paglikha ng kalawakan grabe… :D

      Sir Roland@ check mo yung link panuorin mo rin hehehehe

      • salamat naman po napanood mo sir Davmel,, ang ganda po di ba lalo na yung Laminin.
        kamusta ka po?

  6. di pa ko nakakakita… ang nakikita ko lang yung buntot ng mga spaceship na naiiwan sa ere.

    isa yan sa mga gusto kong makita.. pati yung aurora

    gusto kung pumunta sa kalawakan.

  7. Marami rin pala ang hindi nakakasaksi ng bulalakaw, wish ko matupad na makakita ka na nito hehehe

    Salamat sa pagdalaw Jason :D

  8. DAVMEL!

    Teka hindi natatapos ang ligalig ko sa pangalan mo. Haha. DAVMEEEEEEL! :D

    • Hahaha Vajee talagang tuwang tuwa ka sa codename ko, siguro may naaalala ka maganda or panget ahihihihi :D

      Sige lang kung dian ka masaya ahahahha, gusto mo bang palitan ko huhuhu…. ang ligalig mo talaga, sobrang dami kong tawa sayo!

  9. Dambel!!! ako nakakita na elementary ako noon nag wish ako ng pangipit sa buhok ska payong ska sna mawala na kuto ko ahahahaha ang dami ko kasing kuto nong bata pako sabi kc ni Nanay di daw ako magiging valedictorian kc daw kakainin na ng kuto ko ang talino ko nakapikit ako tapos pagdilat ko wala na ung bulalakaw ang bilis lng bakit ba kc pinikit ko pa mga mata ko nong nagwish ako…:-)

    • Ganyan talaga pag bata maraming kuto at amoy araw pa hehehe panay laro, kayong dalwa ni vajee love na love yang dambel na yan hehehe :D

      Paano ka nga makakapagwish eh ang dami pala ng nasaisip mo isa isa lang at pwede namang hindi pumikit eh para saksi mo ung bulalakaw hehehe

      • ahahahhaah oo nga pla nabasa ko din ung kay Vaj kakaiba kc pangalan mo parang DAMBEL ahahahahaha DAVMEL :-)

      • Naku Ms. Anne may mas nauna sainyong mabati ang aking pangalan, si Sir Roland or WP, may isa sia sa mga comment na pag tinawag ng ngongo ang name na DAVMEL parang DAMBEL nga daw

        Kaya tatlo na kayong pumuna hehehe :D

  10. Hmn, dahil sa post mong ito ay na-realize kong di pa nga pala ako nakakakita ng bulalakaw, sa totoo lang. Sana makakita ako soon. Ngayon pa lang ay pag-iisipan ko na kung ano ang iwi-wish ko hehehehe

    • Tama paghandaan ang iwiwish kung sakaling makakita nito, wish ko po na makakita narin kayo, ang gandang pagmasdan ang mga liwanag na taglay nito… Salmat po sa pagdalaw Ms. Nortehanon :D

  11. wish kong makakita ng bulalakaw na kasing laki ng kotseng kuba tapos bumagsak sa mukha ni vajarl. what a sight, di ba?

    teka mali. sa bulalakaw ako mag wi wish na sana may kotseng kuba na bumagsak mula sa kalawakan at tamaan si vajarl sa mukha.

    yan mas tama na.

    • Pakyu ka. Kung matamaan ako ng bulalakaw sa mukha, edi magiging kamukha kita? Potashet wala namang ganyanan! Kinilabutan ako all over! Eeeeehhh. *with matching diring diri facial expression*

      • Duking@ Hahaha talagang isama sa wish mo si vajarl masyadong karumaldumal naman ang iyong hiling sa bulalakaw :D

        Vajarl@ mandiri ba hehehe, sino ang dehado at liyamado, tawang tawa ako sa mga expression mo :D

      • Pag nakita mo si Duks maiintindihan mo na may taong pinaglihi sa bangungot. Jusmiyo!

  12. michael esmero permalink

    meron na akong nkkitang bulalakaw pero d ko pinapansn iyon dahl sabi nang mga kaibigan ko ito daw ay isang aswang

    • natawa naman ako sayo Michael Esmero tungkol sa aswang na yan hahaha… wag ka matakot masarap pagmasdan ang mga falling star at may hatid itong kasiyahan pag nakakita ka na malimit lamang magpakita :) have faith

  13. cheska claire serrano permalink

    ako hndi pa nakita ng bulalakaw …… :( buti kyo nkakita na sayang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: