Skip to content

Ang Tagal na…

Ang PAGBABALIK ni DAVMEL~~~!!!

Mag iisang taon na ang huling post sa aking Blog… mag iisang taon narin na siguro nakalimutan na ng mga naging kaibigan dito… at hindi na ata ako welcome sa kanila L dahil magiisang taon nang nawalan ng gana dahil sa naging busy ako sa mga bagay bagay.

Busy sa:

Paghahanap ng bagong trabaho mulat ng kami’y napauwi galing Libya…

Paghilom ng pusong sugatan (bwhahahha)

Pagaasikaso ng mga dokumento nung nasa Pilipinas, nilubos ko ang panahon na ito para magupdate dahil ang iba’y malapit ng mapaso.

Nagpakasaya ng kunti at naglibang ng marami habang nasa Pinas at nakalimutang meron pala akong BLOG.

At lalong naging busy ng pagaayos ng mga requirements dahil paalis ulit ako ng bansa…

Maraming nangyari at naging Masaya ang ilang buwan kong paglagi sa Pinas, hindi ko na Malayan ang mga oras at medyo lumayo sa nakasanayan…

Ngayon gusto ko kayo ulit makasama… pwede paba? 🙂

Farmville ni Tatay

 

 

 

 

“Anak hindi na tayo magugutom” ~

Yan ang mga katagang namutawi sa bibig ng aking tatay~

Matagal naring nag retiro ang aking ama bilang hardinero sa mayayamang pamilya sa Ayala Alabang,

Sari sari ang mga tanim ni tatay na nagsimula bilang kanyang libangan hanggang sineryoso nia ito, dahil hindi rin sanay na nakatambay at walang ginagawa, bagkus naging kapakipakinabang pa ito…

May Upo, Talong, Patola, Kamatis, Alukbati (para mas mabilis kumanta nalang tayo ng Bahay Kubo lol…) ang kanyang mga tanim.

Dati mistulang Tanim ng Bayan ang mga bunga na tanim ni Mang Vic, dahil kahit sino na magustuhan manalbos ng kanyang tanim OK lang sknya, pero dumating ang oras na~

Mang Vic: Aba nakakapagod namang magtanim, nagkakanda kuba na ako sa kakabungkal at paglalagay ng abono at wala naman akong nahihita saknila hmmm

Davmel: Tay, masyado kasi kayong nagpapauto sa mga yan eh, simula ngaun bakuran nio ang tanim nio at ibenta ang mga gulay na ito, walang libre sa panahong ito…

Mang Vic: Baka magtampo ang mga kapitbahay natin?

Davmel: Hayaan mo sila, aba binibili nio ang abono, ang pagod nio at ang tubig na pinandidilig dian, aba itay lumaki na ang bill ng tubig natin noh… at MAHIYA naman sila hmmmmm

Simula nuon binakuran na nia ang kanyang Taniman, at pinagbebenta narin nia sa murang halaga ang mga bunga nito, at siguradong naintindihan naman ng mga dating nanghihingi ng bunga ang sitwasyon…

May mga nagpapapicture pa sa harap ng Garden ni Tatay dahil sa kakaibang hugis ng UPO na mistulang pakwan na pabilog…

Magtanim ay di biro!!!

Nakakapagod na… Tama na!!!

Nakakapagod pala ang maghintay sa wala….

Simula ng tayo’y naghiwalay mula sa bansang ating pinagtatrabahuan, araw araw akong naghihintay sa tawag o text mula sayo. OO nangulila ako sa mga unang gabi na tayo’y hindi na magkasama…OO naging bitter ako sa mga panahong wala ka sa tabi ko, at sa mga panahong nakakakita ako ng mag-asawang Masaya at naglalambingan L at Oo nakatanggap ako ng mahigit sa isang text mula sayo… at isa pang OO nagkita tayo sa isang okasyon sa Rizal na kasama ang asawa mo!…

Alam kong hindi ka magiging akin dahil may nagmamay ari na sa buhay mo, may sarili kang pamilya alam ko yun simula pa lang ng pasukin natin ang relasyong bawal….

Pero bakit mo nakalimutan, bakit mo ako pinahirapan??? Hindi naman ako manggugulo, hangad ko lang ang makausap ka at Makita kahit isang minuto, isang oras sa isang araw… kalabisan naba iyon???

Ang masakit ay ang paglimot mo sa aking kaarawan… (ikaw nalang ang hinihintay ko tumawag or magtext pero bigo ako) dumalo ang halos lahat ng tropa at dating katrabaho mula sa Libya pero asan ka? Nasan ang pangako mong pupunta ka kahit kasama mo ang iyong asawa???

Sana maisip mo ang pinagsamahan natin, kahit yung pagiging magkaibigan natin… ganon ganon nalamang ba iyon? Hindi ko na hangad ang dati nating ugnayan, ang tangi kong hangad ay maging magkaibigan muli tayo… masama ba iyon??? Kung sa tingin mo ay hindi nararapat, nirerespeto ko ang iyong desisyon…

Minsan nagiisip ako, naiisip mo rin kaya ako kahit konti lang, may puwang paba ako sa puso mo na dati rati’y yan ang namumutawi sa bibig mo… oh puro’s kasinungalingan lamang ito??? Kung ito’y paglalaro lamang pwes nanalo ka! Tandaan mo hindi ako marunong makipaglaro at hindi na ako bata para sa ganyang level…

Sa ngayon gusto ko, makalimutan ang lahat lahat sayo… napakasakit na ganon lang pala kadali ang lahat lahat para sayo, hindi mo man lang ako inunti unti… ang sama mo! Kung gaano kabilis ang pagputok ng giyera ganon din kabilis ang limutin ako…

Buburahin ko na rin ang mga pangakong binitawan mo… nagkamali ako patawad!

Note: with background music:  “I’ll Never Love this Way Again”

(senti mode)

Magna Cumlaude!

Kaninang umaga nagdecide akong magwidraw para masimulang mamili para sa preparasyon  sa aking nalalapit na kaarawan… may mga nakasabayan kami sa jeep na mga Graduates ng Elementary, kitang kita mo ang saya ng mga Magulang lalo na kung ang anak nila ay may suot suot na Medalya 😀

Maaga pa nun kaya naisipan kong magpa renew ng NBI na matatagpuan sa Alabang Market, habang binabaybay namin ang papuntang Alabang, napagkwentuhan namin ng aking Nanay na malaki nga ang pagbabago ng Muntinlupa, Dito kasi ako lumaki kaya alam ko ang malaking pagbabago mula nuon hanggang ngaun… puro puri ang maririnig mo sakin tungkol sa aking lugar na sinilangan.

Matapos ko makuha ang NBI treat ko si mother para kumain, ayaw naman nia maglakad ng malayo papunta sa Festival Mall, kaya doon nalang kami sa South Station, dahil sawa na ako sa Manok napili kong kumain sa isang Restaurant sa basement ng nasabing mall…

Super order naman ako ng mga namiss kong pagkaing pinoy… at ito ang nakakagulat na eksena, hindi pa namin masyadong nauubos ang aming inorder na pagkain, heto sa gilid ko may umupo at kinakalkal ang aking bag… nagulat ako at napasigaw ng MAGNANAKAW!!!! (napaka bilis ng pangyayari) kitang kita ko na hawak hawak na nia ang aking Wallet, lakas loob kong hinablot ito at sa sigaw na namutawi sa lugar na iyon, medyo nataranta si Magnacumlaude! kayat bigla itong tumakbo palayo… medyo nashock ako at napatigil at lalo pa akong nanlumo dahil sa itsura ng aking nanay na namutla sa pangyayari…

Hinanap ko ang Manager ng nasabing kainan at dahil meron namang CCTV medyo nakaisip akong magreport sa naturang insidente, nagpatawag din ako ng Security Guard, wala naman sila magawa dahil marami nga raw naglipanang magnanakaw sa lugar na iyon, hindi ko rin nakita ang mga babalang naka post sa Kainang iyun na “Mag-ingat sa Magnanakaw”

Ito ang kauna unahang experience ko pagdating sa mga Magnanakaw or Snatcher, Sana magawan ng aksyon ang mga ganitong pangyayari lalo na sa pamunuan ng South Station, palakasin nawa nila ang Security Force.

Nakakalungkot na mahirap puksain ang ganitong Krimen, kahit gaano kaganda at kalinis ang isang pamayanan, pero kung ang bawat lugar naman nito ay mayroong naglipanang masasamang elemento mababaliwala ang lahat…

Nakaklungkot kung saan pa ako Lumaki doon ako nabiktima!

Lubos naman akong nagpapasalamat na hindi hinadya ni Lord na Magwagi si Magna Cumlaude, at buti wala naman siang dalang pwedeng makapanakit sa kapwa… sa ngaun ibayong pagiingat at maging alisto sa lahat ng bagay.

Nice to be Back!

Sa wakas kami’y nakarating ng maayos at ligtas sa Pilipinas,

Salamat sa mga prayers at message ng aking kapamilya, kapuso at malalapit na kaibigan lalo na dito sa Blogosphere, thru FB, YM at Email (isama narin ang Friendster)

Sa ngaun ako’y masaya at kapiling ko na ang aking Pamilya, may halong lungkot dahil may mga kaibigan pa akong naiwan doon kung saan iniwan sila ng employer nila, wala silang kakayahang lumikas dahil delikado ang daan patungo sa Tripoli para humingi ng tulong sa Embahada.

Napakabilis ng pangyayari hindi namin inaasahang sa simpleng araw ay lalaki ang gulo at maraming nasasawi at maraming maapektuhang OFW, Nawa matapos na ang gulo sa Libya.

Susunod ko nalang ikukwento ang aming paglalakbay patungong Crete Island at sa Athens Greece, medyo my shiplog pa ako at jetlog hehehe…

Sa ngaun ang kailangan ko ay full body massage (dala ng stress physically at emotionally) mag pa footspa (dahil kumakapal na ang aking kalyo XD) mag pa DERMA (feeling ko ang dumi ng mukha ko ahihihihi) basta magrerelax muna ako…

kagagaling ko lang din pala sa OWWA at pumila para sa Financial Assistance (sa tagal kong nagaabroad at pagiging OFW ngaun ko lang na-avail ang kanilang serbisyo)

 

Gulo sa Libya (Katir Mushkella)

Nagsimula sa Tunisia ang kaguluhan na patalsikin ang namumuno sa kanilang bansa, sumunod ang Egypt at naisakatuparan ang kanilang pinaglalabang pagbabago.      

     Ngayon ang iba’y naglakas loob para magkaroon ng pagbabago sa kanilang bayan, tulad ng Bahrain na maraming nasawi at nasugatan. Dinagdagan pa ng LIBYA na kung saan ako’y nagkakanda-kuba para magtrabaho. Tumataas na ang tensyon sa mga balitang nakakalap namin mula sa labas.

Malaking epekto ang nagaganap lalo na sa mga OFW na tulad namin na hangad lang ang magtrabaho para sa magandang buhay. Maraming mga pinoy na-delay ang kanilang paguwi sa pinas, ang kanilang trabaho na maaring mawala at mapauwi ng hindi handa.

Nagchat sakin ang asawa ng katrabaho ko sa kompanya:
OFW Wife: Sir kamusta naman po ang kalagayan nio dian at ang asawa ko, nagaalala talaga ako at hindi makatulog ng maayos pag naiisip ko ang kalagayan dian.

Davmel: Wag kayo mag alala safe kami dito sa kampo.

OFW Wife: Nagaalala ako baka mapauwi sia marami kaming utang, nagloan pa kami para pambayad sa tuition fee ng panganay namin 
(isa lang ito sa mga kwento ng buhay OFW)

Kaninang madaling araw nagising ako bandang alas tres ng umaga, private number ang nagregistered sa phone ko, kaya dalidali kong sinagot, Admin Manager ng Agency namin sa pinas, tinatanong ang kalagayan ng bawat pinoy dito sa aming kompanya, pinaliwanag ko na wala namang dapat ipagalala dahil safe ang lugar at ang kampo, mayroong deployed Police sa Main Gate, may backup din sa Military.

Halos Madaling Araw na kami natapos kagabi sa opisina, para paghahanda sa hindi inaasahang pangyayari. Pinaayos ng Managemet ang lahat ng mahahalagang files at ipinatago sa Container Van for safety purposes, dahil nakatanggap din kami ng balita sa ibang lugar kung saan nilooban ang isang Foreign Company, sinira at sinunog ang opisina at ang mahahalagang kagamitan. May sapat na Supplies narin ang aming kampo kung sakaling tumagal ang sigalot at problema dito sa aming lugar.

Nawa matapos na itong kaguluhan at mamutawi ang kapayapaan hindi lang dito sa Libya kundi sa buong mundo.

Mula sa Misurata Libya, nagpapatrol DAVMEL 😀

Pahabol: Salamat kay Pong at WP sa mga mensahe at pagalala saming kaligtasan dito 😀

HULA


Naranasan nio na bang magpahula or manghula sa kapwa?
Basta ako nung nagaaral ako, mahilig ako manghula…. Manghula ng sagot sa Test Paper, kesa lumaki ang leeg ko at magkaduling duling sa pangongopya sa katabi aba! aba! aba!, napakadali kayang manghula wala ka pang sisihin sa resulta kundi sarili mo lang nyahahahaha…

Sa totoo lang dati natatakot akong magpahula at baka kung ano ang mahulaan nila sakin, pero alam ko may mga tao sa ating paligid at kahit kaibigan o katrabaho may mga nagmamarunong na manghula… Turo daw ng kanilang Lola, or Napagaralan daw nila ang Palm Reading…(mala Budol Budol Gang ata yung iba beware!!!)

Dahil na curious ako ng bonggang bongga, sinubukan ko ito, ano naman ang mawawala sayo kung hindi mo susubukan diba? Pero dapat doon mo subukan sa Totoong Manghuhula; Sinetup ko na sa utak ko na pag hindi maganda ang hula sakin sasabihin kong hindi totoo ito mga sinungaling sila!!!, pero pag maganda aba! aba! aba!…totoo ang HULA at magbibigay pa ako ng malaking TIP at pwede kong gawing inspirasyon sa buhay. Naniniwala ako na gabay lang ang mga ito at sarili natin ang gumagawa ng kapalaran wag tayong adik para duon dumepende 😀

Buwan ng Hunyo Taong 2010 nuong ako’y huling nagbakasyon sa pinas, hindi ko nakakalimutang dumaan at magsimba sa Quiapo para sa Mahal na Nazareno, kasama ko ang aking matalik na kaibigan ng mga oras na iyon… bigla kong naalala na dito pala naglipana ang maraming manghuhula sa labas ng simbahan;

Davmel: Maeng magpahula tayo try natin!
Maeng: Ay naku hindi ako naniniwala dian kung gusto mo ikaw nalang hmmmpppp
Davmel: KJ mo naman, ako na nga magbabayad ang arte mo pa!
Maeng: Sige na ikaw nalang at hintayin nalang kita, take your time!
Davmel: Ok fine whatever!

Sinimulan ko nang kilatisin ang mga naguumpukang manghuhula sa gilid malapit sa Mercury Drugs Store. Patingin tingin ako pero sa totoo lang first time ko at natatakot ako ahihihi… para rin palang ika’y namimili sa palengke, na animoy mga tindera na sasalubong sayo at magsasabing “hoy suki dito ka na magpahula” pero hindi ako nagpapahalatang magpapahula nagtanong tanong muna ako kung mgkno mura lang pala may 50, 80, at 100 pesos etc… mga kinse minuto akong paikot ikot at naghahanap ng mapipiling manghuhula sakin… Lucky day ni Lola sia ang napili ko, pasalamat sia sa suot niang malaking sombrerong kulay pink na parang sasayaw sa Obando. kaya dali dali akong umupo sa harap nia…

Davmel: Lola magpapahula po ako
Lola: ok iho (sabay sabi ng presyo) tignan ko ang mga palad mo…
Sinimulan kong ipakita at ipatong sakanyang lamesa ang aking palad na parang hinulma…
Matapos magbalasa ng baraha… pumili ako ng mga anim nito at isa isa nia itong pinapaliwanag
Davmel: (maraming ritwal nakalimutan ko yung iba) ano po ang nakikita nio?
Lola: Naku iho magmadali ka at makakapag-abroad ka, magasikaso ka ng mga papeles mo, magkakaroon ka ng maraming kaibigang foreigner… marami kang ____ at mag aasawa ka? (Sunod sunod ang mga salitang namutawi sknya sa pagbasa ng aking mala hugis kandilang kamay ahihihi..)
Yung iba po personal na ahihihihi…

Sa totoo lang na impress ako sa unang bati nia sakin kaya, sunod sunod rin ang aking mga tanong at maganda naman ang mga sagot nia! Yun lang kailangan kong ilapit ang tenga ko sknya dahil medyo mahina ang boses ni Lola, siguro dahil sa ingay ng mga taong nagdadaan sa kalsada at huni ng mga pampublikong sasakyan. Over all maganda ang naging HULA sakin kaya antimano may TIP si Lola. Bumulong pa ito pahabol daw, baka daw may gusto akong gayumahin or mapalapit sakin. Ang sagot ko? Wala po Lola confident ako sa sarili ko… sabay apir! 😀

Naniniwala ako na bawat palad natin nakasulat ang ating kapalaran kung paano natin ito maisasakatuparan nasa ating piniling buhay ang kasagutan; ibayong pagsisikap lamang at pagpupursige sa buhay, kung sa tingin mo’y hindi maganda ang guhit ng kapalaran sayo aba! aba! aba! titigil ka nalang ba? Hindi kaba gagawa ng aksyon, simulan mo na ang pagbabagong iyon bago mahuli ang lahat, hindi ko sinabing burahin mo ang palad mo at magpa-Tattoo ka ng panibago, Kumilos ka sa gusto mong buhay, mamili ka lang….

Totoo man o Hindi nasa atin parin ang lahat ng kasagutan.
Ikaw natry mo nabang magpahula?