Skip to content

Ang pagsisimula sa hamon ng buhay….

November 2, 2010

Bata pa lamang ako nang mangarap makarating sa ibang bansa. Siguro ‘nong mga panahong iyon sikat ang may magulang o kapatid na nasa ibayong dagat nagtatrabaho…actually hanggang ngaun din naman yan ang stereotype diba?

Tandang tanda ko pa ang mga panahon na kami’y pupunta sa aming Tiyo na galing abroad , ang aking tiyo nuon ay cook sa isang Luxury ship na umiikot sa part ng Europa…ang sarap ng pakiramdam na bigyan ka ng tobleron , m&m , snickers etc.Tuwang tuwa rin ako nang ipakita niya ang mga litrato sa iba’t ibang lugar na napuntahan nila lulan ng kanilang malaking barko.Tumatak sa aking isipin ang lahat ng mga iyon , mga litrato na may snow, malalaking building at magagandang parke…WOW…ang nasambit ko ng mga panahong iyon, kaya naging interesado ako sa ibang bansa, na nuong panahon ay aking tinuturing na isang paraiso!

Dahil sa mataas na pangarap na gusto kong marating.kaya ako’y nagpursige sa pag aaral. Ako’y nagpapasalamat sa aking magulang na handang sumuporta sa ‘kin..Katatapos ko lang ng highskul nang mag-entrance exam na ako sa mga university sa Manila at kahit sa Taguig , ngunit sawing palad akong hindi nakapasa. Inisip ko tuloy na BOBO ako , kasi naman hindi ako nag aral ng mabuti eh…nanlumo ako sa mga panahong iyon nawalan ako ng tiwala at pag-asa sa sarili , pero inisip ko kailangan kong makatapos dahil yon ang aking pasaporte para makapunta sa aking pangarap na magtagumpay.Habang akoy malungkot na bumaba sa tren galing sa unibersidad sa maynila , naglakad lakad ako sa Alabang Market , at doon may nakita akong bagong pag asa. Isang computer school na pwede kong pasukan , na hindi na required ang entrance exam , na pwedeng mag-aral kahit sino kahit hindi ka matalino basta may pera ka! Nag inquire ako at sinabi ko sa aking sarili “ok….ayaw ko mabakante at ayaw kong sayangin ang panahon at araw , kailangan ko magaral at makatapos” , ayun na nga…….hindi ako nakadagdag sa mga out of school youth.

Kung paano ako nakatapos ng pag-aaral , iyan naman ang ikukuwento ko sa susunod.

Advertisements
7 Comments
  1. Dati ang tingin ko din sa sarili ko, matalino, subalit kung totoo ang pagyayabang ko sa sarili ko, disin sana naipasa ko ang iskolarsyip sa UP, pero kagaya mo, sa tecnical school din ako nagtapos. Hindi ko gusto ang aking kurso pero wala naman akong pagpipilian, dahil kagaya mo, working student din ako.

    Isa lamang ang napatunayan ko sa buhay, kapag may tiyaga, masigasig, nagsisikap, walang binatbat ang matalino na walang diskarte sa buhay. Matalino lamang siya.

    • Tama ka J. Kulisap, kung susumahin mo, pagdating sa mundo ng pagtatrabaho kahit saan pa sila nagaral o kilalang unibersidad sa pinas, pantay pantay nalang lahat, lalo na dito sa ibayong dagat…wala sila pakialam at wala silang alam kung saan ka man nagaral, kaya pantay ang pagtingin nila sa lahat.

      Iba parin ang Matalino sa Madiskarte at maparaan, siguro doon ako sa pangalawa nabibilang,

      • Nais pa kitang makilala nang lubusan. May pagkakahawig ang ating buhay. Hindi kaya magkakilala talaga tayo?

        hehehe

      • Halos magkaparehas ang ating landas na tinahak para lang maabot ang ating minimithi, oo siguro nagkrus na ang ating landas…

        hindi kaya naging customer kita sa jollibee? hahahaha

      • Malamang, pero nagtrabaho din ako sa jollibee.

        Baka naging ka-crew pa kita ha? Pero lolo na kasi ako eh. Malamang bata ka pa.

  2. ah serye pala ito… pero maigi na rin na hindi ka nawalan ng pag-asa sa buhay kahit na hindi natupad yung nasa ideya mo. in fairness naman talaga may worth ang salitang alternative atplan B sa buhay. at baka mas maigi pa sila kaysa default setting.

    mabuhay!

    • hitokirihoshi@ Tama ka dapat parating may alternative at plan, buti nakadalaw ka, sa susunod may ipopost pa akong bago, salamat sa dalaw…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: