Skip to content

Pagsubok

November 3, 2010

Dumadating talaga ang panahon na susubukin ang iyong kakayanan para lagpasan ang mga problemang dumarating. Private Computer School ang napasukan ko, so ano pa eexpect natin kundi malaki ang tuition fee, at per units ang bayaran weewww….ang aking ama ay isang hardenero, sia lang ang nagtatrabaho ng mga panahong iyon, lagi akong nadedelay magbayad sa mga exams, kaya kadalasan ang aking classcards ay may remarks na: NP (no permit) puro kasi delay ako kung magbayad dahil nga minsan kailangan naming umutang or kulang ang sinahod ng aking tatay, pero napagkayanan namin iyon, kahit puno ng hindi kanais nais na remarks sa aking classcards wala akong pakialam, basta maganda naman ang aking grade hehehe…

Pero talagang tumitindi ang problemang pinansyal, mahirap talaga magaral sa isang Computer School, kasi naman hindi pa ako tinanggap ng mga unibersidad sa maynila or taguig na halos libre na ang kanilang tuition fee sa mura, tsk tsk tsk.

Naka survive ako hanggang pangalwang taon sa aking kinuhang kursong BS Computer Science, ngunit ito na si problema kumakatok, humina ang kita ng aking tatay nabawasan ang kanyang mga kliyente sa Ayala Alabang, kaya nagisip isip ako na ayaw kong humina rin ang pagtahak ko sa rurok ng tagumpay.

Uso ang mga working students sa McDonalds, Jollibee, Wendys etc. (mga fastfoods)…so naglakas loob akong mag apply at luckily natanggap ako, buti nalang tumatanggap sila at priority rin nila ang mga working students, malaking tulong ito, hindi rin pala ganon kadali ang magtrabaho sa Jollibee lalo na’t ang iyong store na pinagtatrabahuan ay matao lalo na pag may mga BIG BIG SALE, gosh pag nakakakita na ako ng SALES upto 70% hindi ako natutuwa bagkus ako’y nangangamba dahil kayod marino ang aming dadanasin lol, may pagkakataon na ako’y nakatulog sa klase dahil sa pagal kong katawan lalo pa’t ilang araw ang sales. Ang una kong trabaho at hindi ko malilimutan ay ang Jollibee Uniwide Sucat, pero ngaun wala na ito, wala narin ang Uniwide Warehouse Sales sa Sucat, kada uwi ko sa bansang pinas, at dito kami nadadaan galing airport, lagi ko tinatanaw ito at naalala ang mga lumipas na panahon at naalala na ito ang unang humubog sakin sa murang edad na 17(disesyete), natutunan ang pagtatrabaho na bawat minuto at oras ay sulit na sulit (punas sipon) huhuhu lol…

Halos lahat na siguro ng hirap sa trabaho at pagaaral sa gabi nagawa ko na, pumasok kaba sa school na amoy, hamburger ka, may spagetti sauce pala ang iyong buhok, oh dili kaya natapunan ng used oil ang sapatos mo, diyahe hehehe. hinding hindi ko pa malilimutan ang aking karanasan sa Jollibee Alabang, isang impyerno ang maging crew doon lalo na sa mga Manager na parang dragon kung magalit at gawin kang alilang parang si Sarah at sila naman ang tumatayong Ms. Minchin ng buhay mo hmp!…

Hinding hindi ko makakalimutan ang isang eksena sa aking buhay sa pagtatrabaho sa jollibee:

Manager: hoy davmel bakit itong rice cooker (malaking rice cooker) hindi mo napaputi, gusto ko bago ka umalis ay mapaputi mo ito ok, at may nakita pa akong mga kanin sa ilalim, kung hindi mo kayang pulutin, maglagay ka ng manok para tukain ang bawat isa naiintindihan mo ba?”

davmel: napalunok at napatigil at nakapag isip isip… mam, hindi na po puputi yan ganyan na talaga yan sa sobrang tagal na po nian, kung gusto nio pinturahan ko nalang ng puti hmmm: nagtaray din ang inyong lingkod,

Kasi ba naman, final exam namin sa isang major subject, at napirmahan na ang aking timecard para good to go na, ibig sabihin approved na ng isang manager na tapos na ang aking duty… tapos haharangin ka lang ng ganon!… Ngunit ako’y nagpapasalamat sa lahat ng mga karanasan ko, dahil dito naging mabuting tao ako, naging mabuting anak, kapatid at kaibigan, naging malawak ang pananaw sa buhay at natupad ko ang aking pinapangarap na makatapos sa pag aaral, ng dahil sa sikap at tiyaga…siguro ako’y handa na sumabak sa mas malawak na mundo…

Sa susunod na aking ikukwento ang pakikipagsapalaran ko makahanap ng trabaho sa ating inang bansa,

Advertisements
30 Comments
  1. Ngunit ako’y nagpapasalamat sa lahat ng mga karanasan ko, dahil dito naging mabuting tao ako, naging mabuting anak, kapatid at kaibigan, naging malawak ang pananaw sa buhay at natupad ko ang aking pinapangarap na makatapos sa pag aaral, ng dahil sa sikap at tiyaga…siguro ako’y handa na sumabak sa mas malawak na mundo

    Ito ang gusto ko sa isinulat mo. May mga panahong parang nanliliit tayo sa ating sarili at minsa’y napapatanong na, “hanggang doon na lamang ba?”.

    Nadarama ko na isa kang masigasig at may direksiyon sa buhay. Nakasisiguro akong ikinararangal ka ng iyong pamilya.

    Hi Davmel. Sana ikaw ay nasa mabuting kalagayan kung nasaan ka man.

  2. Hi po sir davmel, ang pagpupursige mong makapagtapos ay isang inspirasyon. Noong bata ako pangarap kong magwork sa Jollibee. Aabangan ko po ang karugtong. God bless po!

    • Hi Pong, buti nakabisita ka sa aking blogsite hehehe…hayaan mo bibisitahin din kita mga nakaw na sandali lang ito habang akoy nasa office ingatz

      • may nagrekomendang basahin ko ito at hayun nagawi ako dito add po kita sa link ko sir ha,

      • sige add mo ako, kasi baguhan ako wala akong friendship dito sa mundo ng pag bablog hehehe, add din kita sa blogroll…salamat

      • salamat sir, ako si kuya kulisap, si sir wp mga kaibigan kami, wag kang maniwala sa sabi-sabi na kami ay mga halimaw at damuho hihihih
        welcome sa blog world sir, dadami din yan ang mga susubaybay sa kwentong abroad mo sir!

      • talaga pong hehehe nice meeting you all…
        ang hangarin ko lang dati is maisulat ung mga experiences ko hindi ko akalain na may susubaybay din kahit paano hehehe

      • walang anuman sir mag-ingat ka lang kina kuya kulisap at sir wp kasi nangangagat ang mga iyan ako behave lang ako

      • hehehe kilala ko na si J. Kulisap at ngaun nagdagdagan pa ni Pongkie at Mr. WP saya noh hehehe ingat ka rin, at salamat sa pagdalaw

  3. Salamat at nagustuhan mo kahit paano J. Kulisap, isang karangalan para sakin sa tulad kong baguhan sa pagsusulat,

    Hayaan nio itong blog ko ay puro kwento ng pagpupunyagi at pagsasakripisyo para lang sa pamilya…

  4. Hi Davmel, bakit nga pala Davmel? iyan ba ang gamit ni ngongo sa tuwing nagpapalaki siya ng braso? Dyok! Alam mo bang pinangarap ko rin mag trabaho sa Jollibee? oo kwentong barbero lang iyon dahil mas gusto kong kumain dun. Seryusli, I wish na maging happy ka sa pakikipagsapalaran sa abroad at matupad mo ang mga pangarap mo sa buhay para sa iyong sarili at para sa pamilya mo. Gudlak po!

    • sekretong malupit muna kung bakit Davmel, gusto ko ngang palitan eh sa susunod iibahin ko na,

      Hindi mo na siguro kailangan magtrabaho sa jollibee, maging customer pwede pa, saan ka palang bansa ngaun? goodluck din sayo

      • Nandito ako ngayon bossing sa Kaharian ng Malilibog in short sa Saudi ahihihi. Kaw ba saan?

      • malilibog?

      • hahaha nakakarelate ako dian, galing na ako sa DUBAI, IRAQ at ngaun nasa LIBYA ako, tama ka malilibog na mga taong arabo hahaha nakakatuwa, masarap maging totoo sa sarili diba hehehe

    • Uyy bakit may affected. O siya lumipat naman tayo dito ng kwentuhan sa bahay ni Davmel. Pongkie, tandaan masama ang mangapit-bahay lalo pa’t ang dala ay tsismis ahihihi. Sori bossing kung ginugulo namin itong bahay mo, sinusundan kasi ako niyang si Pong eh. Istalker?

      • nakakatuwa nga eh, ito ngaun tinatamad na akong magtrabaho, gusto ko nalang makipagusap sa blog hahahaha

      • nasa ibang blog po kayo wag kayong maingay natutulog ang kasama ni sir davmel hihihi

        pasensya na po sir davmel istalker ko kasi yan si sir wp kahit sa blog comments niya pinag-uusapan nila ako bisitahin mo man site niya, hihihihi

        welcome ka po sir sa mundo ng blog
        share lang ng share ng nasa puso
        ibahagi lamang niyo po ang mga ito!

      • wag ka ng magtrabaho sir nakakasira yan ng pagbablog hahaaha

      • Pong parang tama ka, nakaksira nga sa pagboblog hehehe, mga OFW rin pala kayo, saan kaba pong?

      • opo mga OFWs din po kami
        si sir WP sa Eastern Region, Saudi
        ako naman po sa Central Region.

        opo wag ka na work blog ka nalang para kapag ipinagpatuloy mo yan wala ka ng work sigurado at tuloy tuloy na din ang blog mo kasi matatanggal ka na sa work hihihihi

        musta po ang Libya?

      • Libya? Diba taga diyan ung kaaway na mortal ni Uncle Sam? Maganda raw diyan sa Tripoli.

      • masarap ang ice cream na Tivoli
        ayyy mali pala Tripoli pala.

      • Pong@ wag naman kailangan kumita hehehe past time nalang natin itong pag blog, ok naman ang libya tahimik hehehe
        WP@ oo tama ka kaaway ito ni uncle sam dati, pero ngaun ok na siguro sila hehehe, pero hindi ako sa tripoli, sa misurata kami naka base, medyo probinsia pero ok na, minsan gala kami tripoli, mas maganda parin dian sa saudi un lang dito OPEN hindi tulad dian

    • @Davmel
      Mabuti naman pala at bati na sila ngayon. Mukhang maganda diyan sa Libya kasi tahimik kamo hindi katulad dito sa Saudi maraming maingay tapos sobrang higpit pa ahihi

      • WP oo nga eh, dinalaw ko ang bahay mo hindi ako makapagcomment bakit kaya?

      • O my gulay! Bakit kaya? Wala naman sa spam, pati sa likod ng pinto tiningnan ko na rin pero walang pending comment akong mahagilap Davmel 😦 Baka sa bahay ni Aling Ising na nagpunta, ung sa akin kulay brown ang pader ahihihi

  5. Nakita ko na ang blogroll mo Sir Davmel.

    Ayos na ‘yan.

    🙂 Magandang araw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: