Skip to content

Unang Hakbang ~

November 6, 2010

Taong 2002 ng ako’y magtapos sa Kolehiyo…at sa wakas goodbye sa mga hindi kanais nais at mapang lait na mga Manager at mga Titser na nagpahirap sakin lalo na sa MATH! Hahaha.  Ito ako ngayon handang sumabak sa panibagong hamon ng buhay. Handa na ba talaga ako??? Yan ang mga tanong na namutawi sa aking isipan. 

Tanging bitbit ang resume , credentials at certificate of employment galing sa mga Jollibee na napasukan ko. Sa ngaun hindi na ito simpleng test at simpleng interview hindi na ako nag aaply bilang crew. At hindi ko alam kung ang mga COE ay uubra!. Iba pala talaga ang pressure sa paghahanap ng trabaho lalo na sating bansa , nakailang kilong Manila Bulletin din ako , masipag din ako magpunta sa mga Job Fair na kadalasan naman ang available job is magtinda ka ng AVON , Water Purifier or mga Insurance ,

Grabe nakakaiyak pala talaga ang kompetisyon sa paghahanap ng trabaho, may opening job nga sa isang posisyon ngunit ilan naman kaming nakapila at umaasa na masungkit ang korona, swertehan nalang talaga,  halos skyflakes at tubig ang lagi kong baon  makapag ikot ikot lang sa Ayala Makati para magbigay ng CV. Sa mga panahong iyon nagbaka sakali rin ako sa mga Manpower Agency , nakakita ako ng Job Opening papuntang Bahrain, wow nabuo nanaman ang aking pangarap simula ng ako’y bata pa , ang magpunta at magtrabaho abroad , punta kaagad ako sa OMANFIL (agency), nagfillup ng forms at nakiupo narin sa ibang aplikante, kapansin pansin na halos lahat ng kasabayan ko ay may mga experience na abroad, isa isa silang nakikipagkilala at nagtanungan kung saan silang  bansa galing, may mga datihan na sa  saudi, oman, qatar etc… (halos middle east) at ng tinanong ako kung saan ako galing sabi ko wala pa nagbabakasakali lang….Tinawag na ang aking pangalangan para isalang , Typing Speed ang isa sa kailangang maipasa mo, dahil Computer Operator ang opening at ito ang aking inaaplayan (salamat sa computer typing subject at napakinabangan ko…) , sa sobrang bilis ko siguro may napindot ako na kung ano na biglang nagblocked out ang Computer , DOS Based Program kasi ang gamit nila , at bigla akong kinabahan tinawag ko yung nag assist sakin at ng nakita niya na pati sia hindi nia maayos ung program , pinagalitan nia ako at halos ipagtabuyan , at sinabi pang tatawagan ka nalang namin….huhuhu nakakaiyak at nakakahiyang experience waaaaaaaaaa…

Hindi parin ako pinanghinaan ng loob , bagkus nagapply din ako sa Magsaysay sa UN Ave. kahit crew nalang sa isang Luxury Ship , naalala ko kasi ang aking Tiyo na isang Cook nuon , at lalong nagpatingkad at bumuhay saking alaala ang mga lugar na napuntahan nia , double purpose para sakin may trabaho kana , turista kapa!..

Ito na po si Mr. Interviewer , after reviewing my resume along with my credentials and COE , here we go: Mr. Davmel , after reviewing your documents , we found out that you are under age for the position , and also under height (ouch!) but we’re giving other choices if you want to take one of the position in the kitchen staff , but first you must undergo training at 5 star hotel , so i suggest to gain more experiences here in the Philippines… don’t worry we are always open for qualified persons.

Matapos kong marinig kay Mr. Interviewer ang mga sinabi nia , lumabas akong malungkot at nanghihina , (oo malungkot kasi sa tagal ko kayang pumila doon mula umaga hanggang hapon, at sinong hindi manghihina kung ikaw ba naman ay hindi pa kumain ng Tanghalian tanging skyflakes at tubig lang ang laman ng tiyan mo.)

Sa aking paglalakad lakad naisip ko na tama nga , kailangan ko munang magtrabaho dito sa bayan ni Juan , pagsilbihan ko muna ang aking inang bayan at sa tamang panahon makakaipon din ako ng experiences na sinasabi ni Mr. Interviewer. Sa dami ng aking pinasang papel , interview na dinaluhan at sa wakas , nakahanap ako ng masassabing full time job , nagtrabaho ako sa isang Company sa Ortigas , naging Masaya ang mga taon ng aking pamamalagi doon , na promote din ako after few months , naging Lead Operator at nag oorient narin sa mga new Project galing sa Amerika , nakapag training din sa Main Office sa Alabang.

Pangalawang Taon ko sa aming kompanya; nagtatanong parin sa sarili sapat na kaya ang experiences ko? Tama naba ito or kulang pa? (siguro akala nio nakalimutan ko na ang pangarap kong makapagtrabaho sa abroad) mga tanong na gusto kong malaman ang mga kasagutan , dahil hindi ko parin maalis sa isip at puso ko ang magtrabaho sa abroad…

Siguro nga pag talagang ninanais mo matutupad , be positive!

Sa susunod na kwento ko , ang aking unang Abroad papuntang DUBAI ~~~

Advertisements
10 Comments
  1. Salamat sa SkyFlakes, parang si Jovit Baldivino lang Sir ah.

    Uso pa ba ngayon ang encoding companies? From service crew, naging encoder, naging trainer, at ngayon ay namamayagpag sa ibang bansa.

    Achieve na achieve po Sir.

    Isa kang inspirasyon sa mga kabataang Pilipino. 🙂

    • Hello J.Kulisap, hindi ko ata kilala si Jovit Baldivino? hindi ako makarelate hehehe

      Alam ko hindi na masyadong uso ngaun ang encoding companies mga call center na…nakaktuwang isipin ang evolution ng trabaho ano po sir.

      Salamat at kahit paano at nawa’y maging inspirasyon nga sa mga kabataan 😀

      • Yong SkyFlakes kasi nabanggit mo Sir Davmel. May patalastas si jovit baldivino about that. Hihihi.

        Nanalo siya sa Pilipinas Got Talent.

        Skyflakes din ang katuwang niya..ganun 🙂

      • Ah ganon ba, hindi ko na kasi alam ang mga palabas satin eh, kahit may TFC dito hehehe

  2. Nakakainspire ang kwento mo Davmel at marami akong napulot na aral sa buhay. Nakakatuwang balikan ang panahon na nag uumpisa ka pa lang hanggang sa marating mo ang kinalalagyan mo ngayon. Aabangan ko ang dubai stint mo 🙂

    • Hi kaibigang WP, salamat at nagustuhan mo at may napulot ka kahit paano, nakakatuwa talagangbalikan ang mga pinagdaanan ko hehehe,magsisimula palang ang buhay abroad… 😀

  3. ang laki din pala ng sakripisyo mo sir maging ng pinagdaanan mo
    abangan ko pa ang series at alam ko dahil sa mga pinagdaanan mo ay mas naging matatag ka!
    mabuhay!

    • Musta Sir Pong, nung sinisimulan kong isulat ito, naiiyak at natatawa ako sa mga nangyari sakin nuon, pero diredertso ang pagsulat ko nian, wala ng isip isip kung ano lang ang natatandaan ko, basta talaga pursigido ka sa isang bagay gagawin mo ang lahat.

      At anduon kasi ung pressure sa pamilya na ngaun kailangan mo ng maghanap ng trabaho,,, sisimulan ko na ung karugtong nian hehehe ingat and Godbless Pong…

  4. BASA MUNA AKO HA PARA NA DIN MALINK AKO SA BLOG MO. KAYA PALA WALANG UPDATE TUNGKOL SA BLOG MO DI PA NAKALINK

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: