Skip to content

Dubai

November 9, 2010

 Hindi ko inaakalang magiging ganon kadali ang pagpunta ko sa ibang bansa, matapos ng aking paghihirap at kung ano anong experiences sa pag aaply locally and abroad. Siguro nakita ni Lord ang mga sakripisyo ko kaya’t hindi nia ako binigo, inisip ko na inihanda lang ako sa mas malawak na pakikipagsapalaran, Thanks God!

Taong 2004 ng sinuwerteng makapag trabaho ang aming panganay na Ate sa bansang Dubai, dahil narin sa hirap ng buhay at problema sa pamilya kaya’t naisipan ni Ate na mangibang bansa, para sa kanyang dalawang anak at pangarap sa pamilya…

Malungkot kami ng sia’y lumisan dala ang kanyang pangarap sa aming pamilya at doon magtrabaho sa ibang bansa, ang aking Ate ang siang naging leader ng aming pamilya; nagtatrabaho na ako nuon sa Ortigas, minsan nagiisip; sino na ang aawat pag nalasing si Tatay, sino ang magpapangaral sa isa naming kapatid na lalaking pasaway, sino na ang aming hihingan ng tulong at sandalan sa oras ng problema…malayo man si ate hindi nia kami pinabayaan,

Ilang buwan palang sia nun, ng magpasya na kunin ako as Visit Visa sa Dubai, tanging internet email ang aming usapan at kwentuhan nung siya’y nanduon, salamat narin sa webcam at madalas ko rin sia nakikita… pinakumpleto nia ang mga papeles at dokumento, excited ako ng mga panahong iyon, kumuha narin ako ng passport at dahil tatanga tanga pa walang experience, naloko ako ng mga fixer, kainis hindi parin natatanggal ang mga fixer dian sa kanto ng DFA… after completing my documents and requirements…this is it… Excited na nga ako, pinaayos na ni ate ang visa at ticket ko sa isang agent. Dumating ang araw na kailangan ko ng magresign sa aming kumpanya, isa sa pinakamalungkot kong araw ang ako’y magpaalam sa mga kasamahan ko pati narin sa Management, at hinding hindi ko malilimutan ang regalong ginawa nila para sakin…isang picture frame na naglalaman ng mga litrato namin na ibat ibang hugis at pinagdikitdikit, at isang Card na naglalaman ng mga message nila sakin…nakakaiyak ang araw na iyon…huhuhu

Nagkaroon na ako ng confirmed booking at nareceived ko na ang original copy ng Visit Visa ko na pinadala thru DHL,…

October 05, 2004 ang aking schedule, ito na ako hindi na makatulog ng ilang araw sa kakaisip at kung ano ang naghihintay sa pupuntahan ko, nakaimpake na ako at mga padala na inutos sakin ng ate ko, hawak hawak ko na ang passport, visa at ticket ko…, Umaga kami ng umalis sa bahay lulan ng taxi patungong NAIA, sa loob ng sasakyan nagusap kami ng aking Tatay at Nanay na alagaan ang bawat isa at ang kanilang kalusugan, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para guminhawa ang pamumuhay at matupad ang pangarap ko para sa sarili at sa pamilya… habang papalapit ng papalapit kami sa Airport, halos ayaw ko na magsalita, nakadungaw nalang ako sa bintana, at ng pagbaling ng aking mata, si Nanay umiiyak at pinupunasan ang luha, OMG! Nasambit ko sa sknya: Nay ano ba yan, wag mo naman akong paiyakin, ngunit nagsimula na ang pagtulo ng luha ko, at tanging hikbi nalang ang naisagot ko… 😦

Papasok na ako sa main entrance ng Airport, nagpaalam na kami sa isat isa, at doon ko palang nasambit sa aking magulang ang mga salitang “I Love You”, dala ang maleta at handcary bag, naglakad ako patungo sa entrance, nilakasan ko ang loob ko, (sabi ng iba, wag naraw ako lumingon pag papasok na, pero hindi ko maiwasang lumingon at tignan ang kanilang kalagayan, matatanda na sila nanay at tatay, gusto ko naman bigyan sila ng ginhawa at sarap sa buhay na hindi nila naranasan noon, para sa kanila ito…) Pinunasan ko ang aking munting luha, dahil pinipilit ko itong pigilan, at huminga ng malalim, DUBAI here i come…

Matapos magbayad ng Travel Tax, nakapag Check-In narin ako sa Airline Counter, nakabayad narin ng Terminal Fee, at ang huling proseso ang makaligtas at makalusot sa Immigration, nung panahong iyon ang daming paalis, iba ibang lugar ang pupuntahan, at halos lahat nakapila sa napakalawak na Immigration, na deny ako ng isang beses, ang daming tanong alam naman nila ang sagot siempre maghahanap ng trabaho doon…pumila ulit ako sa ibang Counter doon sa malayo sa unang counter na napuntahan ko at sa wakas kahit masungit si ate, tinatakan na nia ang passport ko, at ang sabi nia….Ok maghanap ka ng magandang trabaho doon ha, hehehehe (alam naman nila talaga ang dahilan kaya madaming nag pupunta doon eh, gusto lang talagang pahirapan lalo na sa mga first timer na tulad ko..)

Tapos na ang mga proseso at ito na, ilang hakbang nalang ay papasok na ako sa malaking Tube patungo sa Eroplano, call at text kami ni ate, minomonitor nia ako kung nakasakay na ako ng eroplano, dahil marami rin ang hindi sinuswerteng makasakay dahil sa immigration officer na idedeny ka at pakakabahin ka talaga…

Nakakatakot pala ang sumakay sa eroplano lalo nat kung ito’y Take-Off mode, ang sakit sa tenga at yung kaba at excited napalitan ng takot hehehe, buti nalang mabait ang katabi ko, makwento rin sia at tulad ko visit visa rin sia sa dubai, pero pagmamalaki niang sinabi na hindi ito ang unang sakay nia sa eroplano, tinuruan nia ako ng tips, lunok lunok daw at inom ng tubig, hehehe ginawa ko naman un at nakatulong naman sia infairness, bumaba kami sa Bangkok para sa aming Connecting Flight papuntang Dubai, Eksaktong madaling araw ang lapag namin, iba na ang lugar, iba na ang mundo oo nasa ibang bansa na nga ako, at nasa DUBAI na! 😀

Kitang kita ko ang makukulay na ilaw, naglalakihang gusali sa bintana ng Eroplano, at paglabas namin sa eroplano…namangha ako sa nakita ang ganda ng kanilang Airport bagong bago malinis, mabango maliwanag (na ignorante na naman ako lol..) matapos matatakan ang aking pasaporte, at makuha ang aking bagahe sa conveyor, nakisabay lang ako sa mga pinoy palabas, ito na naghahanap na ako ng sundo ko, at nakita ko na si Ate at akoy tuwang tuwa, sinundo na nia ako kasama ng isa niang ka officemate, nagtawag narin kami ng Taxi na ang Driver ay Pakistano, pauwi na kami at doon daw muna ako tutuloy sa kanilang Flat pansamantala….

Itutuloy……..

Advertisements
50 Comments
  1. Ang ganda ng sinulat mo. Detalyado para sa pangarap na makatuntong sa ibang bansa.

    Gusto ko yong details regarding sa airport. There is always a first time ika nga. Hehehe, ganun din ako, ang seatbelt hindi ko makonek the first time na sumakay ako ng eroplano, baligtad pala. ‘Tantadong buhay yan.

    Sa mga pinagdaanan mo at mararanasan pa, mayaman ka na sa karanasan, na tanging maikakahon sa alaala ng iyong memorya.

    Hi Davmel.

    Good read ko ito today 🙂

    • Salamat at nagustuhan mo, ilang minuto ko lang ginawa, tama ka J.Kul pag nasa mood ka bigla nalang ito lalabas at isusulat spontaneously…

      Buti hindi ka naguluhan at naging malinaw ang buong detalye, salamat at sumusubaybay ka sa kwento ko

      Ingatz 😀

      • Bihira lamang ang nakakapagmarka ng mga nangyayari kaya isa ka sa mapalad na naibabahagi mo ito sa iyong mga mambabasa.

        Magiging pulido din ito sa darating pang mga araw.

        Nagsusulat ka na nanggaling sa puso. 🙂 Isang mahusay na instrumento yon.

  2. …na deny ako ng isang beses, ang daming tanong alam naman nila ang sagot siempre maghahanap ng trabaho doon…pumila ulit ako sa ibang Counter doon sa malayo sa unang counter na napuntahan ko at sa wakas kahit masungit si ate, tinatakan na nia ang passport ko…

    Hindi ko alam na pwede ka palang ma-deny sa atin pa lang kahit may visit visa ka sa Dubai. Sori naman ignorate ako Davmel. Musta ka na?

    • Ok lang ako ikaw musta naman Sir WP,

      Opo may mga immigration officer na magpapahirap sayo, lalo na ang final destination mo is dubai, pag ayaw nila tatakan dededmahin ka nila at magtatawag ng susunod sayo, so akala ko hindi na pwedeng lumipat, pero sinabihan ako ng iba na pila ulit sa iba, naging malaking patintero ang araw na iyon sakin hehehe

      Sa ngaun mas pinahigpit ang pagpunta sa Dubai, iba ang pila ng mga visit visa, hindi na doon sa malawak na immigration, kundi ihihiwalay kayo at doon sa immigration office ang punta nio, pahirapan ngayun, na kadalasan maraming hindi nakaksakay, so ipaparebook nalang ulit ang ticket…

      Sigurado Sir, puro working or block visa gamit nio papunta dian sa saudi…

      • Mabuti naman at maayos ka diyan bossing, ok lang din naman ako dito.

        Hindi ko lang naman kasi maintindihan kung ano ang paki ng ating mga immigration officer sa mga pasahero na may mga visit visa naman papuntang Dubai. I mean dumaan ka sa proseso at nabigyan naman ng visa papunta sa destinasyon mo so gobyerno na ng UAE ang may problema duon diba? May trick ako parati para mabilis akong makadaan sa immigration sa NAIA, madalas akong pumapasok duon ng boarding time na kaya sinasamahan ko na ng konting iskandalo kaya pag may nakasabay kang nagiisandalo duon malamang ako yun ahihihi. Sige na ako na ang ulanghiya wahahaha. BTW oo working visa ang hawak namin dito sa Saudi.

      • Oo nga yan ang nakakainis satin eh, lahat naman ng legal na dokumento meron ka, ano naman pakialam nila kung ano gawin mo doon maghanap ng trabaho or magtour diba, pero naisip ko narin na try nilang limitahin ang pagpunta doon dami rin kasing hindi magandang nangyayari sa mga kababayan natin at napapariwara, lalo na mga visit visa na pupunta sa Kish Island, Iran (siguro naririnig mo na ito) para mag change ng visa

        Pero ngaun working visa at resident visa na ang hawak ko, kaya hindi na ako nangangamba na madeny hehehe, ganon ba ang tip mo gawa ng eskandalo hehehe! siguro nga nakasabay na kita kasi marmaing nagiiskandlo?sa airport pag last minute at tinatawag na ang name nila for boarding isa ka siguro doon or tinuruan mo rin ng tip mo hhehehe 😀

      • Makasingit lang.

        Naaasar ako sa mga paimportante, aalis na lamang ang eroplano, gusto pa nagpapabroadkast ng pangalan nila.

        Tae lang 🙂

      • Kuli ganun talaga kailangan iyon dyok!

        Twice pa lang naman nangyari pagbigyan na. Ang may kasalanan kasi ung mga nag vi-visa check pa eh halos pabalik balik na nga ako tapos check pa ng check ahihihi.

  3. J.Kul@ hahahaha tinitira mo ngaun si mr. WP 😀

    • BTW gusto ko ang bagong name ng kuta mo Davmel. Desert Diamond na may dollar signs all over, susyal na susyal ang arrive, pang mayaman talaga ahihihi

      • Hahaha ikaw talaga, its a collaboration of my birthstone which is diamond (one of the precious stone) at desert yung lugar nating pinagtatrabahuan hehehe

        and the dollar sign represents my MANTRA, para lumapit ang maraming dollars hehehe, FYI mahilig din ako magcollect ng mga chinese goodluck charms hehehe

        at ang ibig sabihin narin is, nag eevolve na ako, lumelevel up na ako hahahaha 😀

      • Wow talaga ako rin mahilig sa chinese baozi at kung ano-ano pang chinese charms na ibigay sa akin ng aking mahal na ina. Naku gagawin ko rin ang Mantra ko na dollar kasi Riyals pa sa ngayon mas mababa ang palitan, kailangan lumevel up din ako ahihihi.

        Asan si Pongkie? ba’t wala yata dito sa tambayan.

    • Hindi ah, Bossing ko kaya ‘yan. Wala akong karapatang tirahin yan, kasi anak ni Budha yan. 🙂

      • wow nagtitirahan pala dito
        hihihihi
        nung ako ang nag-check in kabado din ako at nung makuha ko na boarding pass ay panatag na ako
        habang naghihintay sa pagbubukas ng counter ay kinakabahan ako at ng magbukas na ay pinauna muna ang mga girls, may mga anak at yung sa business class.
        huli ang mag economy class
        parang class lang sa paaralan hahaha hindi nga lang by height hihihi

        nakakatakot dun sa immigration line, binubusisi lahat, pero naging maayos naman siguro dahil may job order at kumpleto naman dokumento, siguro dahil visit visa lang ang ginamit mo nun sir davmel kaya ganun pero at least nice experience di ba!

        abangan ko susunod

      • Hi Pong, oo nga kabado talaga pag anymoment pwede kang madeny, dahil nga visit visa lang ako that time, pero ngayun hindi na, wala ng kaba kaba hehehe may resident visa na kasi ako…musta kana 🙂

      • tama ngayon di ka na kakabahan, yehey!
        di ako masyadong mabuti pero ok pa naman.

        musta ang buhay-bihay diyan sa Libya sir davmel?

      • Sige kuli hamakin mo na naman ang pangangatawan ko ahuhu. Anong magagawa ko like na like ko ang kumain bakit ba.

      • Sir WP, chubby karin ba tulad ko ahihihihi, sarap kasi kumain sigurado nagkita na kayo ni kuli? 😀

      • Masakit mang aminin Davmel pero mahahalata mo sa pangangatawan ko na like-na-like ko ang kumain ahihihi. Asus di ko pa nakikita iyang si Kuli ng personal dahil pihadong aalaskahin lang ako niyan, siya lang naman ang may pangangatawan na parang nililok sa putik (palayok?). Gusto mong makita ang pruweba mag back read ka sa kuta niya gowww ahihihi.

      • hahaha ganon ba WP, ako rin like ko rin kumain ahihihi…oo nakita ko na si Kuli na puro putik sa knyang katawan, at nakita ko narin sia hahahaha sa panaginip weeee 🙂

  4. WP@ bumababa nga rin ang dollar kainis, liit tuloy ng remittance sa pinas hehehe, talaga mahilig karin sa mga chinese lucky charms hehehe magkakasundo tayo, next time i post ko yung mga collection ko, nagsimula lang ang collection ko nung binigyan ako ng golden budha from HK…

    Absent ata si Pongkie hehehe, lumelevel up narin ang Blogsite ko kaya iniba ko narin ang name, at tatlo kayo nila Kuya J.Kul, Pong at ikaw ang masugid kong tagasubaybay ng buhay abroad series…

    WP mukhang restricted ung site mo sakin, hindi ko maintindihan hindi ko ma access yung mga post mo, kainis lagi ko visit doon, hindi pa ata ako welcome doon hehehe joke

    • Ayy oo Davmel pero tataas iyan bago mag pasko ahihihi. Oo kasi nga naniniwala kasi ang ermat ko sa fengsui na iyan kaya ganun. Pumasok si Pong sa work kausap ko kanina baka tinatamad lang yun gumala. Naku madadagdagan pa iyang mga friends mo si kuli kasi sikat iyan ang dami niyang followers ahihi. Di naman restricted ang blogsite ko bakit kaya 😦 samantalang pareho naman tayong wordpress ang gamit. Ni-click ko naman ang link sa blogroll mo gumagana naman haist.

      • Magandang umaga sa inyong dalawa. Sinong sikat? Hatawin ng tubo sa ulo..isa..dalawa.

        Ang collection ko ano, bukod sa balakubak, kuto.

        🙂

      • Oo talagang sikat itong si Kuli, maraming followers isa sa mga magagaling na bloggers… mabuhay 🙂

      • pasensya naman late ako dito! wow na wow sinong hahatawin sa tubo?

      • Pong saan ka gumala at ngaun ka lang hehehe…malapit na ang eid holiday for sure ilang araw kayo dian na walang pasok kami dito 2days lang haizt…. 😀

      • last day of duty ko ngayon sir tapos balik na lang po ako 20 nov nun
        si sir wp ang madaming gala, siya ang Hari at panuntunan ng galaan dito sa disyerto! hihihihi

        oo nga po nalate ako dito

      • Pong @ panalo! ramdam na ramdam nio ang holiday dian sarap naman hihihihi

      • Ang taong late kahit anong paliwanag ang gawin late pa rin PAK!

        Iyon lang powh ahihihi.

      • WP@ Tama! late ay late hehehe, nagvisit ako sa site mo, punta ka pala ng Petra sosyal naman…isa sa mga tourist destination tlaga panalo…dito rin sa libya may mga remain ng roman empire, ganda hihihi…

        oo nga pala, nagtry ako magvisit sa kuta mo, nababasa ko mga comment nila, mga comment lang ang visible pero mga text pero ang Leave a comment, invisible sia hihihi kainis gusto ko pa naman magbasa ng mga post mo, dahil isa ka sa mga alamat din 😀

  5. Alvaro permalink

    Ang ganda po ng storya nio, salamat sa pag share ng story :=)

  6. gusto ko ito, blow by blow ag kwento heheh. gusto ko malaman talaga kung ano ang feeling ng first time mangibang bansa. ,my 2 akong ate sa dubai so siguro may chance din ako na makapunta dyan kung pag nagkataon.

    mabuhay ka!

    nakakaiyak nga ano, nai-internalize ko yung eksena mo nung nag-bye-bye ka sa mga parents mo.

    • Musta Hitokirihoshi@ weew ang haba at ang hirap bigkasin hehehe..Talaga may kapatid ka sa dubai, pakuha ka as visit visa, akala ko nuon nasa japan ka base sa blogsite mo hehehe…

      Actually wala na ako sa dubai, marami akong napuntahang bansa kaya hidi ko muna sasabihin kasi nagsisimula palang ang kwentong abroad ko hehehe…

      Oo nakakaiyak talaga ang mga oras na magpaalam ka at talikuran sila para harapin ang bagong pag asa…

  7. gandang kwento, kapatid. huling-huli yung mga emotions na nararamdaman ko kapag pinapalad na maka-biyahe abroad 🙂

  8. naalala ko din nung una akong nagtrabaho abroad. super excited ako. hindi ko naman first time sa eroplano pero andun yung kaba, lungkot, saya, excitement. sabi ko sa sarili ko 2 yrs lang ako dito tapos babalik na ko. pero ayun andito pa din ako ewan ko kung kelan ako babalik for good. siguro mararamdaman ko na lng yun isang araw.

    good luck sa kwentong abroad mo. susubaybayan namin to…

    • Hi Ms. Bell, salamat sa pagdalaw saang bansa ka ngaun nagwowork? nawa nabasa mo ang sunod2 na kwento ko…

      Medyo dumadami narin ang nakakabasa ahihihi at ito ung nagiging inspirasyon ko, nung una basta maisulat ko lang hindi ko akalain na marami rin susubaybay thanks po… medyo bago pa ako sa wordpress so hindi ko pa gamay kung paano ko maipaganda ung site ko ahihihi 😀

      • andito po ako sa SG, davmel. nabasa ko isang usapan nyo ni Pong nasa Libya ka ngayon? tama po ba?

        hindi naman po sa pagandahan ng site yan. nasa thoughts at sa pagtanggap mo din sa mga readers. i’m sure madami pang susubaybay sa blog mo. basta sulat ka lang ng sulat. masarap magkwento ng buhay buhay at mas masarap pag nakita mong madaming nakakaappreciate ng mga sinishare mo..

        God bless po..

      • Opo nasa Libya ako, musta ka naman dian sa Singapore may mga frend ako dian magastos nga daw dian hihihi

        Gusto ko lang din maglagay ng mga picture para hindi boring sa mamababasa hehehe 😀

      • Uu share ka din mga pictures para parang nkarating n din kmi jan sa libya:)

        Ok lng po ako dito sa sg sanay na din. Mejo mgastos minsan madami din kc mabibili kung ano ano.

        Share ka ng pics. Now na!! Haha. Demanding ba. Biro lng po…

      • Ms. Bell ang problema hindi ko pa alam kung pano maglagay ng pic hahahaha… halos 1month palang ako dito hihihihi, darating din tayo dian 😀

  9. Mental Climax permalink

    naaalaala ko tuloy bigla ang tatay ko. nakakapangulila.

    • Hi Mr. MC ganon ba nasa ibang bansa rin ba ang tatay mo?

      Welcome to my blogsite sir 😀

  10. hi! kelan mo itutuloy itong sa Dubai? Saka mukhang ala ka na dito sa Dubai 😀

    Salamat sa pagdaan sa makalat kong bahay.

    God Bless

    • hi ms. etchosera, medyo busy pa kaya hindi ko pa nagagawa ang part2,

      Opo wala na nga me dian sa dubai… Salamat po sa pagbisita 😀

  11. ismael arenas permalink

    napaka ganda ng iyong ginawa detalyado walang kasamang pagpapanggap,base sa karanasan napag daanan mo ang pintuan tungo sa kayamanan – ang mangibang bansa…alam ko na marami kapang mapupuntahang bansa at huwag na huwag kang hihinto na abutin ang tagumpay ..gaya mo naranasan ko rin .hanggang ngayon kayat sa mga immigration officer mga peste sila .

    • Salamat sa pagdalaw Kaibigang Ismael…

      Natawa naman ako sayo sa comment mo alam ko may galit karin sa mga immigration officer hehehe, hayaan mo na atleast hindi naman sila ang makakahadlang sa ating tagumpay, isipin nalang natin na isang obstacle na kailangang lampasan!

      Ingat ka dian at goodluck sa bagong buhay at work mo dian sa SG. 😀

  12. Ron Cadiz permalink

    hello mr. Davnel….nabasa ko ung isinulat mong karanasan pagpunta ng dubai,,inspiring namn xa,,,,hingi lng din sana ako ng TIPS pagpunta sa dubai lalo na sa Lintek nating mga kababayan dito sa Imigration…first time ko din kasi umalis ng bansa at sa dubai.. scheduled flight ko eh sa MArch 12, 2013 na….lapit na din…Tourist visa lng din hawak ko,kasama ng letter of inivtation galing sa sponsor ko,leave of absence na pirmado ng boss ko na kuwari naka leave lng ako..ano po magandang gawin ko para hindi mahirapan sa imigration ang 1st time na tulad ko.? maraming slamat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: