Skip to content

Kunting Silip sa LIBYA~

November 15, 2010

Break muna tayo sa Buhay Abroad series ~ masyado kasing seryoso at madrama ang storya ko at para hindi naman kayo maumay ahihihi 🙂 Igagala ko kayo at kunting silip sa Libya; ilang mga litrato ang aking pinili para magkaroon naman kayo ng ideya kung ano ang meron dito.

May nagrequest kasi sakin na magpost daw ako ng mga litrato para makita nia kung ano ang itsura ng bansang pinagtatrabahuan ko, siguro nga kailangan ko naman ipromote ang lugar dito, hindi kasi common na puntahan ng turista…

Masasabi kong isa sa magagandang lugar at tahimik ang bansang Libya… Hindi pa sila ganon ka Civilized at nagsisimula palang ito bumangaon mula sa Sanction (ilang taon din nagpahirap sa mga lokal at OFW)… simple at payak ang pamumuhay ng mga lokal na libyano dito.

Ito ang nagiisang Catholic Church sa Tripoli, dinadayo pa namin ito kada walang pasok, dalawang oras ang biyahe dito mula saming Camp, maraming mga Kabayan kang makikilala na tumagal narin at kasama ang kanilang pamilya, usually 4pm ang start ng misa sa mga Pinoy at after ng mass maraming nagbebenta ng kakanin at pagkain sa bangketa na isa rin sa mga dinadayo namin lalo na ang masarap na Siopao ni Manong Bong, at mga kakanin nia 😀

Tripoli Catholic Church

Picture picture sa Tripoli City

Isa sa mga mabisang pamatay homesick ang mag aliw aliw. Kesa magmukmok ka sa kwarto at walang gawin, gumala ka at magsaya kasama ang mga barkada…

 Ito ang Leptis Magna isang Roman Empire dito sa Libya, isang matandang sibilisasyon na nagiwan ng maganda at makabuluhang marka sa hinaharap…isang oras ang biyahe mula naman sa aming Camp site, isa sa mga tourist destination, at makikita mo ang mga Italian architectural design…

Roman Empire Civilizationthe Arena...

AmphitheaterAncient Roman amphitheater

 

inside the arenaPicture time...

Feeling namin nasa Italy kami hehehe, ang ganda ng mga roman artifact na until now na preserved nila, maganda ang lugar at hindi na kami nag hire ng Tour Guide, hindi rin namin siya maiintindi at mababaliwala rin dahil kami ay busy sa pictorial at ayaw ko ng medyo limitado ang bawat kilos mo dahil kailangan mong makinig skanya, gusto namin gumala at maghanap ng magagandang anggulo…

Pati ang walang malay na statwa na molestiya hahahaha

Ganyan lang ang buhay abroad, pasayahin at libangin mo sarili mo, isang mabisang sandata ng mga OFW…

Advertisements

From → Buhay Abroad ~ Series

26 Comments
  1. Salamat sa pag share ng magagandang places sa Libya. Tunay na make the best of everything kahit nasan tayo…enjoy & be happy Davmel. God bless!

  2. Nadadagdagan na ang mga tagasubaybay mo Davmel. I’m happy for your new found hobby.

    Iyan pala ang Libya. Para akong nag-aral ng history 101.

    Salamat sa iyong artikulo.

    🙂

  3. Ang ganda pala jan, Davmel. Panalo yung Roman Empire Civilization Arena para ngang sa Greece o Italy. At buti may Catholic Church din para sa karamihan sa mga kababayan natin.

    Thanks for sharing the photos. Para mo na din kaming pinasyal sa Libya. 🙂

    • Salamat Ms. GBP, isa sa mga request mo yan right hehehe,

      isa ako sa mapalad na makatungtong dian at parang nagflash back ang mga pangyayari nung unang panahon ahihihihi, na dati rati ko lang napapanuod sa movie or travelshow 😀

  4. Ganyan lang ang buhay abroad, pasayahin at libangin mo sarili mo, isang mabisang sandata ng mga OFW…

    … tama ka dito dahil mahigpit na kalaban ng mga tulad nating ofw ang lungkot…

  5. ang ganda pala diyan sir davmel
    i-tour mo pa kami sa susunod ha
    isama mo kaya ako diyan bakasyon lang lols
    wow na wow kung ganun kasi madami po palang kababayan diyan at least kahit papano ang feeling ng Pilipinas kapag nagkikita-kita kayo ay andiyan!
    yehey!

    • Hi Pong, musta bakasyon nio? OO ba punta ka dito i tour kita hehehe…

      Ni Request kasi Ni Ms. GBP yan mga pic daw sa libya, next time ulit 😀

      • mabuti naman bakasyon sir davmel, nagkasakit ako ng 3 days kaya 3 days lang naenjoy ko pero nakarelax naman ng maayos back to work na ako kahapon.
        sige kapag mayaman na ako pupunta ako diyan at itour mo ako ha, =)

      • uu para me insights na kami kung ano meron jan sa Libya.. malay mo next time, magtour kami jan nila Pong… di ba Pong? mukhang matagal tagal na ipunana pa to ha.. haha.. san po mga bansa pala malapit ang Libya, Davmel?

        magandang sunday sa inyo..

    • Uso talaga ngaun ang sakit dahil sa pagbabago ng weather ingat nalang po lagi…

      Malapit na un ang pagyaman natin hehehe 😀

    • Gandang sunday rin sayo Ms. GBP, ayan Pong sasamahan kapa ni Ms. GBP hehehe, i tour ko kayo dito sabihin nio lang 😀

      Katabing bansa namin is Egypt at Tunisia, at dito rin matatagpuan ang Mediterranian Sea, taas namin is Europe tapat ng libya is Italy!

      • lapit pala sa Egypt. sabi ng bayaw ko kung papasyal daw ako sa Saudi pede nila ako itour sa Egypt kasi malapit na lang daw mga 2 hours by plane. sarap sana magstopover jan at sa ibang katabing bansa. kaso.. kaso.. ang budget!! haha. at ang famous mediterranean sea.. wahh.. kelan kaya? hmmm… 🙂

    • Epal mode:

      Nagkasakit ka Pong weh? naglasing ka kaya ahihihi.

      Hi Davmel, meron na palang bagong post dito buti pala napadaan ako. Malamig na ba diyan? Maganda pala sa Tripoli at mukhang masarap mag concert dun sa theater imperness. Tangna na-bother ako dun sa pagmolestiya ninyo dun sa istatwa ahihihi.

      • Musta na Sir WP! oo medyo malamig na dian ba malamig narin?

        Hahaha napansin mo rin pala don sa statwa hehehe wala magawa eh 😀

        Sir Natuloy kaba sa Petra Jordan? medyo kamukha ng Petra ung Arena or Coliseum hehehe

  6. Waaaah hindi pa itong winter ako pupunta inshallah. Yes, may mga ganyang arena rin sa Tunisia at Syria na magaganda raw ayon sa mga officemates ko sayang nga di ako nakasama last year :=( Malamig na rin dito lalo na sa umaga kaya full blast na ulit ang water heater sa bahay ahihihi

    • Bumisita ulit ako sa iyong kuta, alam mo ba kung paano ko nabasa ung mga post mo, copy ko the whole are at paste ko sa word, hindi ko makita ang mga post mo, kahit ung comment box haizt…

      Anyway nabasa ko rin ung mga picture article mo at doon sa Petra, kaya magkamukha sila dito sa Libya ung Theater,

      Isa rin sa gusto ko mapuntahan yang Petra Jorda, isa sa mga tourist destination! goodluck sayo Sir WP!!! 😀

  7. Sa totoo lang Davmel na stress that talaga kung bakit di mo makita ang mga posts ko haiissst. Hamo hahanapan ko ng solusyon iyan. Musta ka na? Oo ang hirap maligo pag lamig lamigan na. Wish ko matuloy na kahit magulong kausap ang mga kasama ko sa ngayon ahihihi

    • Hahaha sensia kana na stress ka tuloy hehehe… baka sa akin ang may problema haizt…

      Nawa matuloy kayo, enjoy enjoy lang at magsaya! hehehe

  8. ayos po ang mga kuha nyo. oo nga parang nabigyan ako ng konting silip sa libya. sa totoo lang, minsan ko lang makita miski ang pangalan na yan sa kahit anong babasahin.

    napapatunayan din na sa pagpunta ninyo sa malayong church ang inyong pananampalataya. hindi ko pa alam kung gusto ko rin pumunta ng libya pero oo nga ang ganda ng architecture ng kanilang mg lumang simbahan.

    • oo Kapatid hindi nga ganon kakilala ang Libya, at madalas hindi maganda ang kanilang komento sa bansang ito.

      Salamat sa pagdalaw 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: