Skip to content

Dubai Part 2

November 29, 2010

Creek Side in Baniyas Road
Matapos ang mahabang biyahe at ngayon nasa dubai na ako, habang manghang mangha sa bawat lugar na madaanan ng aming sasakyan, tila hindi parin ako makapaniwala…
Nakituloy muna ako pansamanatala sa Flat ng aking ate; at bukas na bukas daw ay kailangan ko narin magsimula at maghanap ng trabaho, Toink~ hindi nga pala ako turista dito, andito ako para maghanap ng trabaho hehehe…

Madaming nagsabi samin na hindi daw magandang buwan ang pagdating ko dahil timing sa Ramadan, meaning wala masyadong Hiring 😦 akala ko ganon kadali maghanap ng trabaho dito sa abroad, hindi rin pala… salamat narin at ako’y well trained sa paghahanap ng trabaho, Kailangan maging friendly ka dito lalo na sa mga kabayan natin na pwedeng hingan ng tulong at detalye sa mga lugar.

Halos kasabayan mo rin ang mga indiano na mas kilalang tawag ng mga pinoy or Code name: Pana, Itik or Panadol na kadalasan tumatanggap ng mas mababang sahod kaya imbes na makipag negosasyon ka sa hinahangad mong magandang sahod, nagkakaroon tuloy ng hindi magandang epekto, ang daming mga kabayan din na naghahangad na makahanap ng trabaho bago ma expired ang visa nila, nung panahon na un ang validity ng visit visa is 2months at pwede pang iextend upto 3months, pero paano ka makakapag extend kung wala ka namang pambayad sa visa charges. Kaya nung panahon na iyon sobrang pressured ang paghanap ng trabaho, isipin mo nalang ang ginastos mo sa visa at ticket mga inutang pera kahit 5/6 basta lang makaalis at yung pangarap na makaahon ay bigla nalang mawawala na parang bula, at ayokong umuwing luhaan!

Sipag, tiyaga at determinasyon talaga ang dapat na kaagapay mo; lakas ng loob kahit magisa kang maglakad na parang ahente ng insurance, kailangan mo kasing ibenta ang sarili mo sa bawat Opisina na mapuntahan mo.

Nasayang ang isang buwan ko sa paghahanap dahil puro pasa lang ng CV ang aking nagawa, kadalasan wala namang reply huhuhu. Maeexpire na ang aking visa wala parin akong kasiguraduhan, ito nanaman ako sa mga pagsubok…. Sadyang mahal ako ni lord at hindi nia ako pinabayaan,

Nagbukas ang bagong pinto para sakin, tamang tama na mangangailangan daw ng empleyado ang company na pinagtatrabahuan ng aking ate, magbubukas sila ng Travel Agency. Nainterview ako ng aking employer na British, sa totoo lang hindi pa ako ganon ka confident pagdating sa pageenglisan, pero kailangan kong maimpress ang aking employer. sa una pinaghands on ako sa computer, (at sa pagkakataong ito hindi na ako kabado hahaha) buti nalang medyo bumilib sila sa Computer Skills ko at sinimulan na akong gisahin sa interview portion hehehe, First time ko mainterview ng isang Foreigner, dahil pressure sa paghahanap ng trabaho siguro yung takot at kaba napalitan ng lakas ng loob, nagustuhan ako ng employer ko at bukas na bukas daw ay magstart na ako yahoo!!!, pinapirma narin ako ng Employment Contract at Salary Offer, maganda naman ang bigay nila lalo na sa tulad kong baguhan sa ganong trabaho.

At ang kagandahan doon sinagot nila ang visa ko, na kailangan ko munang mag exit sa dubai at pumunta sa Kish Island, Iran for visa change. Laking pasalamat ko na wala akong gagastusin ni singko at sagot pa ng company namin ang hotel with food allowance, maghihintay nalang ako ng visa na ipapadala nila para makabalik ulit ng dubai at makakapag tour pa hehehe…

Panatag na ang aking kalooban at sa ngaun may trabaho na akong mapagmamalaki, may maikukuwento narin ako sa aking mga magulang, isa ako sa mapalad na nakahanap ng trabaho bago ma expire ang visa ko, may mga nakilala akong mga pinoy na tulad ko ay nakikipagsapalaran din doon, ngunit sawing palad silang makahanap ng trabaho at kadalasang umuuwi ng pinas, yung iba stranded sa Kish Island, Iran dahil sa pangako ng kanilang employer na napako, at ang iba naman ay naglalakas ng loob at kapit sa patalim…

Ngaun magsisimula na ang pakikipagsapalaran sa abroad….
Itutuloy…

Advertisements
23 Comments
  1. wow parang rollercoaster ride lang pala sir davmel ang iyong Dubai experience

    aabangan ang susunod na kabanata.

    • Hi Pong kamusta na?
      Oo nga daming experience sa pakikipagsapalaran sa buhay hehehe…

      Salamat sa pagsubaybay 😀

  2. Hi Davmel, totoo na mahirap sa Dubai dahil ikaw mismo ang maghahanap ng trabaho mo unlike here na may naghihintay ng trabaho pag alis mo sa pinas tsk. Ang mahalaga naaayos mong lahat bago nag expire ang visa mo. Naririnig ko ang Kish Island at maraming nga raw stranded na kababayan natin duon :=(

    • Musta sir WP@ oo nga kaya pasalamat ako sa panginoon, ung iba doon maraming backer at kilala, salamat at pinalad parin ako.

      Grabe doon sa Kish Island, isang maliit lang na isla around 45mins ang biyahe from dubai, madaming mga pinoy nanduon kadalasan mga kababaihan na nastranded ng ilang buwan, humihingi ng tulog, susunod ikukuwento ko, pati mga kababalaghan doon…

      • Hokei lang naman Davmel, eto di magkandaugaga :).

        Naku mahilig ako sa mga kababalaghan, nasabi ko ba sa’yo iyan Davmel? ahihihi. Hihintayin ko iyan waaaaah!

  3. Hi Davmel. Ngayon lamang muli ako napadpad sa iyong kuta.

    Para akong nagbabasa ng nobelo. Chapter by chapter at talaga namang kaabang-abang.

    Kamusta ka?

    Maligayang Pasko. 🙂

  4. combo nga ng faith at blessings yang pag-a-abroad mo. yung mga kapatid ko dumaan sa butas ng karayom bago nagtagumpay sa ibang bansa. at buti na lang din napatunayan mo ang iyong galing.

    ayon sa isang nabasa ko, may ilan na talagang magaling pero hindi naha-hire kasi hindi marunong mangumbinse. so ibig sabihin magaling kang mang-uto este i-express ang iyon sarili kahit under pressure.

    • Tama ka kapatid na hitokirihoshi, masarap din baliktanawin ang mga pinagdaanan nating hirap at sakripisyo alang alang sa ating pangarap…

      Dapat lakasan talaga ng loob sa pagbenta sa sarili pag naghahanap ng trabaho hehehe diskarteng malupit.. salamat sa pagdalaw 😀

  5. Congrats Davmel at tunay na answered prayer ang iyong trabaho sa Dubai. Salamat sa iyong very informative na kuwento sa iyong experience sa Dubai at Iran.

    Ingat lagi & God bless…Maligayang Pasko din Davmel!

    • Salamat po Slolo. sa lahat ng pinagdaanan ko napakapalad ko dahil sa mga yan naging matatag ang prinsipyo ko at naging malawak…

      Maligayang pasko rin po sir! salamat sa pagdalaw 😀

  6. nkapunta na ako sa dubai at mganda nga yung place.. kya lng di ko lng feel ang mga arabo.. hehehe

    • Nag visit visa karin ba? at naghanap ng work tulad ng maraming pinoy? or purely tour talaga?

      Salamat sa pagdalaw Ms. Athena 😀

  7. salamat nga pala sa pag dalaw sa aking hamak na espasyo ng blog.

    sorry din at ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na makitawid sa lugar mo. good luck.by this time,malamang na nakakuha ka na ng trabaho.ingat lagi!

    • Maraming salamat Mr. Duking sa pagdalaw saking nagsisimulang kuta hehehe

      Isang karangalan ang madalaw ng isang tulad nio 😀

  8. sir davmel nasaan na po ang kadugtong na kwento ng duabi (atat much hahaha)?

    ingat ka po diyan
    maligayang Pasko po!

    • Hi Pong, Maligayang Pasko rin sayo!

      Medyo naging busy lang this month, at hayaan mo sinisimulan ko na hehehe, salamat sa pagsubaybay…before that may kwento po ako sa Evangelical Church of Libya ipopost ko narin hehehe for sure Makakarelate ka Sir Pong!

  9. ngayon lang ulit ako nakadaan sa bahay mo davmel. mejo busy busyhan lang lately.

    ang ganda talaga ng dubai! mapalad ka madali ka nakahanap ng work jan. gustong gusto ko marating ang dubai pero mejo mag iipon pa ko kasi hindi kaya ng powers ko. hehe. hanggang dito lang muna ako sa tabi tabi.

    ingat lagi jan 🙂

    • Oo nga busy rin ako lately hehehe, Salamat sa pagdalaw 😀
      At napakabuti ni lord kasi hindi nia ako hinayaang matagalan maghanap ng work,

      Dalaw ka sa dubai for sure magugustuhan mo, kunting ipon lang hehehe, Advance Merry Xmas!

  10. @ Davmel..!
    musta..?
    na edit ko na..!
    check mo..!
    hahahahahaha..! 😆

    • hahaha wala akong masabi! ang bilis ng response parang walang tulugan hehehe… till now nakatutok parin sa computer…

      Salamat po!

  11. patulong naman poh sa mga pinoy na my work na sa dubai. please. visit visa lang kc ako at data encoder lang ang naging trabaho ko sa pilipinas. baka may job vacancies kayong alam kahit ano na jan, maraming salamat na malaki. dito ako internet city.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: