Skip to content

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

January 11, 2011

Matagal tagal narin pala akong nagtratrabaho sa abroad, sa anim na taong ako’y namalagi at halos magpa alipin sa mga dayuhang amo, halos makalimutan ko na ang tunay na okasyong pinoy lalo na’t kung sasapit ang Pasko at Bagong Taon (no place like home)

Pangatlong pasko at bagong taon ko na dito sa Libya, isa sa maituturing na malungkot na araw ng mga OFW. Dito sa buwang ito pumapasok ang HOMESICK na kadalasang sakit ng mga kapwa pinoy na nagtitiis mapalayo sa minamahal upang maiangat at maiahon sa buhay ang kanilang pamilya.…



Baliktanaw sa nakalipas na pasko at bagong taon ng paslit na si DAVMEL

Tandang tanda ko pa nung ako’y bata (hanggang ngayon naman mukha parin akong bata ahihihi) tuwing sasapit lamang ang pasko at bagong taon kami nakakakain ng masasarap na pagkain sa hapagkainan tulad ng: Queso de bola, Hotdog (Take note: Purefoods Tender Juicy! Sosyal diba?) Pork Barbeque at ang uso tuwing pasko HAMON de BOLA (na akala ko tuwing pasko lang available! Yun pala marami sa Supermarket hehehe) at dagdagan pa ng mga prutas tulad ng Mansanas at Grapes, (hindi common na prutas sa ordinaryong araw, sa mga okasyon lang ako nakakain nito; akala ko rin tuwing pasko lang sila napapanahon ahihihi) pasensia po ignorante ako noon 

Taos puso akong nagpapasalamat at taon taon kami nakakatanggap nito mula sa mabait na amo ng aking tatay, kung walang christmas grocery items sigurado hindi ko natikman ang mga ganito hehehehe.

Andiyan din ang simbang gabi na pahirapan gumising sa madaling araw, dahil may panata kaming magkakaibigan na kailangang mabuo. Kahit walang ligo at hilamos lang pwede na; minsan din bago ako matulog suot ko na ang damit kong pangsimba para hindi ako mahuli at sama sama kaming maglalakad patungong simbahan.

Sa ngayon hanggang pagalaala nalamang ang mga nakalipas na panahon, masarap baliktanawin 

Dahil gusto ko maranasan ng aking pamilya ang masaganang buhay hindi lamang tuwing pasko at bagong taon kundi sa araw araw… alay ko ang pagtitiyaga at pagpupursige sa buhay para sa aking minamahal na pamilya lalo na para sa aking NANAY at TATAY!!!

Medyo huli na ang post ko sa pasko at bagong taon, naging busy lang ako dahil nag-organize ako ng Christmas party para sa mga pinoy na manggagawa dito sa aming kompanya, at sa wakas nanalo rin ako for the very first time sa raffle promo hehehe…

Happy New Year to all~

Advertisements
30 Comments
  1. wow. dami handa.. heehe

  2. Mapagpalang 2011 sa iyo sr davmel!
    ang December- January ang Homesick Month ng mag kagaya nating OFWs
    hahaha
    next time kapag nagpasyal ako ng Libya (may pagpasyal talaga hahaha) bibisita ako sa iyo at sana may Reach One nun para makasama ako yehey!
    ingats ka po diyan sir!

    • wala kaming party dito dahil nga araw ng sabado ang nakaraang pasko pero nasa puso naman ang pasko sabi mo nga araw-araw pasko!

      mano po ninong davmel!

    • Sir Pongkie your most welcome! sure ako every friday may gawain dito sa lugar namin, kaya hindi ako mapapahiya sayo pag sakaling pumasyal ka dito hehehe

      Ganon ba wala kayong party nung pasko, ok lang un basta nasa puso nio ang diwa for sure napakalaking kasiyahan iyon! saka nalang ung regalo ko inaanak kong pong! hehehe
      Ingatz po!

  3. Oist Davmel Happy Balentayms na hano ka ba ahihihi.

    Na mi-miss ko rin ang mga pagkaing pinoy pag pasko pero sa tuwing iniisip ko ang mga taong mag aabang sa akin sa tuwing umuuwi ako ng pasko, parang mas ok na wag na lang ahahahaha dyok!!!

    Katulad ng sinabi mo at ni Pong, isama mo pa si Jose Mari Chan, I also believe that Christmas is truly in our hearts ahihihihi

    Happy New Year Davmel, Keyf halek? Hamo sa susunod ihanda mo ang pambayad mo sa hotel at limo. Maghintay ka Sir!

    • AlHamdudulah!
      Hahaha sir Roland! natawa naman ako talagang late na late na itong post ko, valentines na pala 😀

      Namiss kong pagkain is barbeque pork at Ham, pero wala kasi dito… eh,
      Yung offer kong hotel accomo at limo service limited offer ko yun, valid till end of this month nyahahahahaha… 😀

  4. Post-post 🙂

    ‘Yon naman ang mahalaga diyan, mga karanasang naging inspirasyon para sa positibong pag-unlad ng iyong buhay. 🙂

    I’m a fan Sir Davmel. 🙂

    • Salamat kaibigang Jkul, oo naging inspirasyon ang mga ito, na ngayon aking pinupunan

      Fan mo rin ako Jkul sa mga achievements mo. 😀

      • Wala pang bago Sir?

        Musta?

      • Wala pa hehehe, salamat sa iyong masugid na pagsubaybay sa kwentong disyerto ko, kailangan ko siguro ng magandang pagkakataon para maisulat ko ang susunod na kabanata ng aking buhay abroad… medyo busy at ngaung week is payroll kaya subsob nanaman ako sa computer hehehe

        Ingatz Jkul 😀

  5. Di ko pa naranasang mag abroad pero ramdam ko ang lungkot ng mapalayo sa pamilya lalo sa Pasko. I hope ok ka lng jan Davmel. Hapi new year sayo. 🙂

    • Ok lang ako Blotspace, sanayan lang ang pag aabroad, musta kana?

      • Ok lang ako davmel.. Eto katatapos lang sa sipon at ubo.. hehe.. pero at least ok na.. di lang siguro sanay sa panahon ngayon dito sa pinas na nagbabago.. I hope ok ka lang lagi jan. Godbless sayo.. 🙂

    • Ibayong pagiingat nalang, yan naman kadalasang sakit, ang importante is ok kana… 🙂

      Dito rin winter na kaya panay ubo ako at katatapos ko narin sa sipon hehehe

      • oo nga.. hehe.. at isa pa … tapos na ako sa sakit.. pero ang mga kaibigan ko at mahal sa buhay naman ang mga sumusunod.. 🙂

      • Hala ang sama mo, nandamay kapa at nanghawa hehehe dyok! 😀

  6. Pasko at bagong Taon? hanong petsa na!!!!

    • Hahaha Ms. Anne wala pa akong bago sa utak naging busy kasi eh hehehehe, marami akong naiisip hindi ko alam kung paano ko sisimulan hehehe

      Musta na po 😀

  7. hmmm…ito ang ikalawang blog post na nabasa ko tungkol sa pangungulila sa pagdiriwang ng Kapaskuhan dito sa Pinas. Sana soon enough, makakapiling mo rin ang pamilya mo at magkakasama kayong magpapasko. Kahit saan pa yun, ang mahalaga kasama mo ang mga mahal mo sa buhay. 🙂

    hello, davmel, dumalaw din ako. 🙂

    • Hi Ms. Kaye salamat po sa pagdalaw, sisikapin ko na sa susunod na pasko at bagong taon ay makapagbakasyon ako sa pinas hehehe tagal tagal narin kasi eh,

      Godbless 🙂

      • aba kung matagal na nga yun, umuwi ka naman at makipagkita ka sa mga ka-blog mo. hahaha!

        God bless you, too! 🙂

      • Tama! at pag nagkataon makikipag meet ako sa mga blogger’s na tulad nio 😀

  8. shea permalink

    maligayong pasko at manigong bagong taon para sa taong 2011. hehe

    padaan…

  9. Uy, may mga bago kang panauhin, siguro naman mahihiya ka na niyan. Mag-update ka na Bossing Davmel Dambel Howel. Ahahahahah

    Like ko na ‘yan.

    Kamusta?

    • Hehehe, hayaan mo makaluwag luwag lang ako medy busy this week eh… hiya na ako outdated na ung post ko 😀

      Mabuti naman ako kaibigan, ikaw musta ka naman? 🙂

  10. huli man daw pag magaling….napaglilinlangan din…tama ba yang pinagsasasabi ko heheheh…maligayang pasko at manigong bagong taon din sa iyo….medyo wierd na bumabati ako sa iyo gayong january 23…pero ang sarap nang pakiramdam….di ko alam kung bakit….dahil ata malamig sa opisina at nakajacket ako….heheheh

    • Salamat sa pagdalaw jobologist, ok pa naman bumati hehehe at nasa unang buwan pa naman ng bagong taon… Happy New Year din sayo 🙂

  11. heheheh walang anuman po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: