Skip to content

Collection

January 24, 2011

Ang sarap ng pakiramdam pag pinagmamasdan, hinahawakan, nililinisan at inaayos ang mga bagay na kinolekta mo at ginawa mong collectionโ€ฆ ๐Ÿ™‚

Share ko lang ang aking koleksyon hindi nga lang ito, mga medalya, tropeyo o plake (mahirap kaya ikolekta yan hindi kasi nabibili basta basta kailangan paghirapan mo hehehehe) Dati rati mahilig ako mangolekta ng liquor empty bottle, lalo na kung itoโ€™y mga kilalang brand, nagkainterest akong gawin na koleksyon ito simula ng pagdadala ni Tatay ng mga paubos na bote (medyo mahilig uminom ang aking ama) na nagtatrabaho sa Ayala, kada okasyon kasi sa mala palasyong bahay na pinagtatrabahuan nia laging may mga tirang alak, nakakapanghinayang namang itapon ang bote na imported lalo na kung magaganda ang design at hugis nito nakakaaliw tignan sosyal baga ahihihihiโ€ฆ. ๐Ÿ™‚

Kaya imbes na itapon nilalagyan ko ito ng tubig at hahaluan ng food coloring para magkaroon ng kulay at ididisplay ito sa cabinetโ€ฆlumipas ang ilang taon kailangan ko na siyang itapon, dahil nagkakalumot na ang bote at iba narin ang kulay heheheeโ€ฆ

Ito ngayon ang bago kong collection, wala kaming lahing intsik, (I just fascinated about Chinese lucky charms & crystal) nagsimula akong mangolekta ng mga Chinese lucky charms nung akoโ€™y nagsisimula pa lamang mag abroad, nagtatrabaho ako nuon sa Ortigas bilang ordinaryong manggagawa, Chinese New Year nuon, may napulot akong isang lucky coins malapit sa Chinese Lucky Store sa SM Megamallโ€ฆ sabi nila magwish daw ako at ilagay ito sa ampao (red envelope), lagyan din ng bulak at itago sa walletโ€ฆ

Nadagdagan ito kada Chinese new year bumibili ako ng paisa isa pandagdag sa aking koleksyon, ang iba bigay din ng aking kasamahan sa trabaho na nagbakasyon sa Hongkongโ€ฆ

Ang iba dito ay bili ko pa mula sa aking bansang napuntahan; Hongkong, Macau, Iraq, Iran, Qatar, Dubai at Bahrain. Mahilig din ako mangolekta ng mga crystal, precious stone at glass with touch of goldโ€ฆ ewan ko ba para akong nahahalina sa mga makikintab at kumikinang na bagay hehehehe.

Mas mabuti ng dito ako ma-adik kesa sa pinagbabawal ng gamot hahahaha, isa rin itong pang alis stress the moment na mkita mo silang kumikinang, nasa magandang estante ang sarap ng pakiramdam, hindi lang swerte ang hatid nito sakin, kundi kasiyahan ๐Ÿ˜€

Ikaw ano ang natatangi mong koleksyon?

Advertisements
51 Comments
  1. …nangogolekta ako dati nang jowa…joke lang…mahilig ako sa mga cards…panalo yung koleksiyon ko nang pokemon card isang karton nang sapatos…pero nasama sa baha nung bagyong pepeng…siguro magstart ulit ako…nainspire ako dito eh….ewan ko lang kung ano kokolektahin ko ngayon hehehehe

    • Naku mahirap ata ikolekta ang mga jowa, hindi mo sila pwedeng idisplay ng sama sama tiyak magaaway hahahaha…

      Panalo pala ang koleksyon mo siguradong yan ang hilig mo… ๐Ÿ˜€

  2. mangongolekta na lang ako ngayon nang mga baboy baboy….figurine,lapis,card, at kung anu ano pang baboy….hehehehehe

    • At bakit naman nahiligan mo ang mga baboy baboyan nayan! sana naman walang halong kababuyan talaga hahahaha… kung ano ang gusto mo suporthan taka! ๐Ÿ˜€

  3. pwede bang i consider na collection ang mga palpak na love story? hahaha!

    sir, add kita sa blogroll!

    • Hi Sir Duking, Salamat sa muli mong pagdalaw sa aking bloghay… pwede ring iconsider yan as koleksyon mga palpak na love story… kasi kung hindi palpak yan nagiisa lang yan so hindi na sia matatawag na koleksyon hehehe ๐Ÿ˜€

      Sir its an honor… add narin kita sa blogroll ko! ๐Ÿ˜€

      • Oo si Duking, madalas palpak ang love story niyan kasi story lang, walang love. Kupal kasi siya parang si Kuli. ๐Ÿ™‚ Sana hindi nya mabasa ‘to. ๐Ÿ™‚

      • taena mo,jkul. hahaha!

      • Jkul@ sana nga hindi nia mabasa hehehe
        Duking@ hahaha sige tirahin mo na yan si jkul ๐Ÿ˜€

      • Bwahahahahahahaha! Duking, sana naririnig mo ang malakas kong tawa kahuit ilang cities pa ang tatawirin neto. BWAHAHAHAHHAHAHAHAHA!

  4. May suspetsa ako na ampon ka Sir Dambel, kasi mahilig ka sa mga pang-Intsik…ahahhahaha. ๐Ÿ™‚

    Natanga na naman ako, iniisip ko kung may natatanging koleksiyon ako. At ang sagot..WALA PALA.

    Hmmmm, mahilig ako sa mga paintings, kaya lamang mahal kaya ‘yong nabili kong dalawa, hanggang ngayon, itinago ko lamang, hindi pa nakaframe. ๐Ÿ™‚

    • Hahaha wala akong bahid ng pagka intsik noh!
      Atleast meron kahit dalawa at darating din ang mga araw na madadagdagan din yan, malay mo maregaluhan ka ni dambel ng isang painting… gusto mo ba ang gawa ko? hahahaha dyok!

      Wag mong itago iframe mo at para ma appreciate mo ang paintings na yan haiizztttt… baka mabukbok lang at amagin sayang si pera XD

      • Pag sinipag ako. Ang ganda pa naman non pero nakakatakot.

        May history pa ‘yon, lagalag at takas yong painter, nakapatay kasi. Ahahahaha.

        Basta. Sige pag sinipag ako. XD

  5. Ako, nangongolekta ako ng lalake. Jooooke laaaang! Hahaha. Maniwala ka’t sa hinde, mahinhin ako. Hihihi.

    Teka, ang kinokolekta ko non eh Pokemon Trading Cards, pati mga action figures. Questor Magazine, Keychains, Archie Comics, andame pa. Napakaisip bata kong hinayupak. Haha.

    Hello Davmel! Napagtawanan ko ata ang pangalan mo sa bahay ni Jakul. Pasensya much. Hihihi.

    • Hi Vajarl, sigurado mahinhin ka ahihihi

      Cute naman ng mga collection mo, pangalagaan mo yan at pwedeng ipagmalaki sa anak mo or magiging anak ๐Ÿ˜€

      Ok lang un mukha namang tanga talaga ang codename ko dito eh hehehe, ng dahil dian nabisita kita at nbisita mo ako dito hehehe

      Ingat sir ๐Ÿ˜€

      • Haha. Kasalanan yan ni Jakul.

        Anyways, kung mag kaka anak man ako, teka, pano nga ba. Nalolost me much. Haha.

      • oo nga eh tadong jakul ngulat nalang ako, kasali ako sa post nia hahaha…

        Paano ka magkakaanak? hindi ka manganganak humanap ka muna ng aanakan mo hahahah dyok!

        Sir Add na kita sa circle of friend ko if you dont mind? ๐Ÿ˜€

      • hahaha!!!! ang dami kong tawa. pers taym kong nakitang na lost si vajee!!!

      • Ayan ganyan nga, babuyin mo yang si Vajee, oo napakatindi niyan sa mga tsika bebs, nag-orgy nga yan sa Sogo eh.

        Ang lupeeeeeeeeeet niyan.

        Wasakin ko mukha mo Vajee eh. May wawasakin pa ba?

      • Jkul@ natawa naman ako sayo! talaga matindi ba orgy baga sa sogo, bakit mo alam siguro kasama ka nia noh? hahaha

        Vajee@ saan ka naba sana mabasa mo ito… inaaway ka ni Jkul hahaha

      • @Davmel, hindi ako kasama sa orgy nila.

        Saka si Vajee, lumuha man ng dugo hindi ko ipapatikim ang putahe ko. Magluha siya, I dont care very very very much. ๐Ÿ™‚

      • Hello Davnel, magpapaalam lang ako bago ako magmura.

        POTANGENA MO JAKUL KAHIT IKAW LUMUHA KA NG ARATILIS HINDI MO MAPAPALITAN WASAK KO. BWAHAHAHAHHAHA.

        Duks, pakyu to the earth!

        Anyways, Davmel, go lang. Friends friends. Friendly naman ako, tanong mo pa yang dalawa. Bwahahahaha.

      • Vajee@ sobrang dami kong tawa sayo! salamat at nagpaalam ka, pero no need na… your most welcome dito sa bloghay ko kahit ano pa sabihin mo, kahit kahindik hindik pa yan no prob… ๐Ÿ˜€

        Ang sweet naman ng pagkakaibigan nio murahan talaga pwede pamura din? hahahaha dyok! XD

      • Pwedeng pwede mo murahin yang dalawang tampalasan na yan! Kahit nga sunugin mo pa sila, tatawa lang me. Tas magsasaboy ng confetti.

      • sali ka davmel.pero sa akin ka kumampi. walang kwentang kakampi yan si vajee at kulisap. depende sa’yo kung sanay ka sa grupo ng mga loser gaya nyang dalawang yan.

        pasintabi muna…

        PAKYU ka vaj!
        TAENA ka naman jkul!

        hahaha!!!

    • Hahaha sige sasali ako susunod… super tawa me much… ahihihihi
      mga loser pala sila vajee at kuli ha: hmmmmm siempre doon ako sa winner XD

      • Duking, tae mo kulot at extra large. Dambel dambel tomato, wag kang maniwala diyan. Alagad ni Sinturon ni Hudas ‘yan.

      • bwahahahahaa! naiiyak ako sa pagtawa pagbabasa sa mga ungas na nagkakalat dito sa bahay mo, davmel. ang daming abnoy sa mundo! hihihi!

        hello, Vajee, Duking at Kuli. hanggang dito ba naman e nagkakalat kayo?

  6. tsk, ts, napaisip ako kung ano koleksyon ko WALA DAMBEL! WALA! mahilig akong bumili ng mga lumang CD ung mga never heard na mga Singers ung mga 1950’s, 60’s na music ska mga complete episode ng mga series na gusto ko pwede na ba yon na koleksyon?

    • Music lover ka pala Anne! isang natatanging koleksyon na yan na maituturing, ako rin naadik ako sa mga complete series like, Prison break, Spartacus, Heroes etc… ang nakakaadik na Metero garden hahahaha ๐Ÿ˜€

      Kaya wag mong sabihing wala wala wala na MERON MERON MERON! pala hehehe XD

  7. Ako? tsk tsk puro alaala na lang ang collection ko.. Girlfriends.. joke ..hehe… ewan pero wala akong collection. Magsisimula akong mag collection pero sa huli ititigil ko rin.. pero hanga talaga ako sayo.. akalain mong nagagawa mo pang mag collection kahit busy ka..

    • Wow for sure madami at masayang alaala yan ng mga naging GF mo hehehe…

      Nakahiligan ko lang yan na nagsimula sa paisa isa hanggang naging addiction na! kulang pa nga yan, kasi lumang pic na yan may mga nadagdag at may nabasag naman hehehe ๐Ÿ˜€

      • haha.. sa totoo lang ngayon kahit isa man lang sa mga naging gf ko ay wala man lang akong picture na nakalagay sa wallet ko hehe..

    • Blotspace mga ex-gf mo dapat talaga walang nakalagay sa wallet mo hehehe, it should be present gf… ung mga ex na yan ilagay nalang sa photo album ahihihihi…

      Sigurado busy ka sa work mo kaya no time for love? tama ba ahihihihi
      Ingat kaibigan ๐Ÿ˜€

  8. Dati mahilig akong mangolekta ng mga chocolate wrappers pero potangina lang tinigilan ko na ang kahibangan ko na iyon dahil tumaba ako sa kagustuhan kong madagdagan ang koleksyon ko bwahahaha.

    • Yan ang katangahan. Depressed ako. Walang nangingialam sa koment ko.

      • WP@ Sir Roland bonggang bongga ang tawa ko sayo! sa kagusuthan mong dumami ang koleksyon mo langhiyang koleksyon yan… hindi ka lang tataba magkaka diabetes ka pa! pero isa naring siang natatanging koleksyon hahahaha…. XD
        Jkul@ Wag na u depressed! sigurado pag nabasa ni Vajee mga comment mo patay ka doon hahaha

      • Patayin ko pa siya eh. Ayos lang ‘yon, si vajee parang bubblegum lang ‘yon na idinikit sa upuan,ganun lang ang purpose non sa buhay, wala nang iba pa. ๐Ÿ™‚

        Sana huwag na siyang bumalik dito

  9. wow na wow lang ang koleksyon mo sir davmel
    ako wala akong koleksyon
    lately nagdodownload ako ng mga Christian Ebooks di ko masasabing koleksyon yun hahaha
    tinatanong ko si sir wp kung gusto niya na magsend ako ayaw daw niya hahahaha

    hmmm nung bata pa ako mag kinokolek ko lang na tanda ko yung POGS ng coca-cola yun lang,

    napadaan po ulit. wow congrats dumarami na ang mga bisita, mabuhay po kayo!

    • Hi Pong! musta kana namiss ko ang pagdalaw mo hehehe….

      Maituturing naring koleksyon ang mga christian e-books na yan, ang importante yan ang hilig mo… ๐Ÿ˜€ for sure ayaw na ayaw ni sir roland yan hahaha dyok!

      naku naaalala ko rin ang mga POGS na yan, isa rin ako nangolekta nung kabataan ko, Oo nga dumadami narin mga friendship ko at karamihan ang kukulit kaya nakakatuwa, nagbibigay buhay sa bloghay ko….XD

  10. sa iyo ba yang shabu collection? este bato pala. Astig yan. Tapos patayo ka ng bahay, ihalo mo sa semento. Joke.

    ako mga laruan ko ang collection ko. di ko pa sila maikwento nasa kahon pa di pa naaayos. ๐Ÿ˜€

    • Salamat sa pagdalaw Cheesecake,

      Tama ka sakin yang mga bato este mga mineral stones po ahihihih medyo adik lang pero hindi ako gumagamit ng batong tinutukoy mo ๐Ÿ˜€

      Siguradong marami kang laruan lalo na kung ito’y nakolekta mo simula ng iyong pagkabata, ๐Ÿ˜€

      • actually, ngayon lang na malaki na ako saka ko nabibili ang mga laruang gusto ko nung bata pa ako hahaha

      • Actually tulad mo rin ako, ung mga wala ako nung kabataan (halos lahat) ngaun ko lang nakukuha or nabibili ganyan talaga ang buhay ahihihihi ๐Ÿ˜€

  11. Amazed nman ako sa collection mo, davmel. Cgurado k bang hindi ka chekwa? Hehe. Ganda nyan, ituloy mo lang. ๐Ÿ™‚

    Koleksyon ko? Hmmm.. Dati mga angel figurines. Kaso ang dami na nila nasa 100 na hindi n kasya sa estante namin kaya tinigil ko muna. At Gaya ni duking nangolekta din ako ng mga palpak na love stories. Hehe. Itinigil ko na. Sana wala ng palpak na stories sa susunod. Haha.

    Seriously, gusto ko din magkaron ng collections ulit since nahihiligan ko din magtravel. Next time, isishare ko din pg madami na sila ๐Ÿ™‚

    Thanks for sharing, davmel. Napaisip tuloy ako:)

    • Hi Ms. Bell, ang tagal mong hindi nakadalaw, naku uso nga dati yang pangongolekta ng angel figurines ๐Ÿ˜€

      Talaga may mga palpak ka ring love stories, i doubt? hehhehe, for sure hindi na madadagdagan yan kasi andian na si manong ahihihi

      Kung ano ang maibigan mong koleksyon ishare mo soon ๐Ÿ˜€

      • uu, davmel, mag iisip nga ako ng koleksyon. parang magandang libangan yan eh.
        at isa pang uu sa madaming palpak na love stories. haha. reyna ng sablay ba. ๐Ÿ™‚

  12. Kung ano ang hilig mo yun ang msarap icollect, ate bell sa ganda mong yan may mga palpak paba? hmmmm masyado kalang atang humble ahihihihi ๐Ÿ˜€

  13. naku wala akong koleksyon kundi yung mga letters and mementos na binibigay ng aking panganay na si Ate Kara. At ang mga iyon, inilalagay ko sa bag, sa wallet, sa drawer, ikinakalat ko talaga siya para kahit saan ako tumingin, may rason ako para ngumiti at magpasalamat kay Lord. ๐Ÿ™‚ sila lang naman ang kasiyahan ko, ang mga anak ko. ๐Ÿ™‚

    • Wow Ms. Kaye napakagandang koleksyon yan, at masarap sa pakiramdam pag bigay pa ng iyong anak… ๐Ÿ˜€

      Sobrang tawa karin pala sa tatlong makukulit na bisita ko dito sa aking blog, sila nga nagbibigay kulay at buhay dito eh hehehe ๐Ÿ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: