Skip to content

HULA

February 14, 2011


Naranasan nio na bang magpahula or manghula sa kapwa?
Basta ako nung nagaaral ako, mahilig ako manghula…. Manghula ng sagot sa Test Paper, kesa lumaki ang leeg ko at magkaduling duling sa pangongopya sa katabi aba! aba! aba!, napakadali kayang manghula wala ka pang sisihin sa resulta kundi sarili mo lang nyahahahaha…

Sa totoo lang dati natatakot akong magpahula at baka kung ano ang mahulaan nila sakin, pero alam ko may mga tao sa ating paligid at kahit kaibigan o katrabaho may mga nagmamarunong na manghula… Turo daw ng kanilang Lola, or Napagaralan daw nila ang Palm Reading…(mala Budol Budol Gang ata yung iba beware!!!)

Dahil na curious ako ng bonggang bongga, sinubukan ko ito, ano naman ang mawawala sayo kung hindi mo susubukan diba? Pero dapat doon mo subukan sa Totoong Manghuhula; Sinetup ko na sa utak ko na pag hindi maganda ang hula sakin sasabihin kong hindi totoo ito mga sinungaling sila!!!, pero pag maganda aba! aba! aba!…totoo ang HULA at magbibigay pa ako ng malaking TIP at pwede kong gawing inspirasyon sa buhay. Naniniwala ako na gabay lang ang mga ito at sarili natin ang gumagawa ng kapalaran wag tayong adik para duon dumepende 😀

Buwan ng Hunyo Taong 2010 nuong ako’y huling nagbakasyon sa pinas, hindi ko nakakalimutang dumaan at magsimba sa Quiapo para sa Mahal na Nazareno, kasama ko ang aking matalik na kaibigan ng mga oras na iyon… bigla kong naalala na dito pala naglipana ang maraming manghuhula sa labas ng simbahan;

Davmel: Maeng magpahula tayo try natin!
Maeng: Ay naku hindi ako naniniwala dian kung gusto mo ikaw nalang hmmmpppp
Davmel: KJ mo naman, ako na nga magbabayad ang arte mo pa!
Maeng: Sige na ikaw nalang at hintayin nalang kita, take your time!
Davmel: Ok fine whatever!

Sinimulan ko nang kilatisin ang mga naguumpukang manghuhula sa gilid malapit sa Mercury Drugs Store. Patingin tingin ako pero sa totoo lang first time ko at natatakot ako ahihihi… para rin palang ika’y namimili sa palengke, na animoy mga tindera na sasalubong sayo at magsasabing “hoy suki dito ka na magpahula” pero hindi ako nagpapahalatang magpapahula nagtanong tanong muna ako kung mgkno mura lang pala may 50, 80, at 100 pesos etc… mga kinse minuto akong paikot ikot at naghahanap ng mapipiling manghuhula sakin… Lucky day ni Lola sia ang napili ko, pasalamat sia sa suot niang malaking sombrerong kulay pink na parang sasayaw sa Obando. kaya dali dali akong umupo sa harap nia…

Davmel: Lola magpapahula po ako
Lola: ok iho (sabay sabi ng presyo) tignan ko ang mga palad mo…
Sinimulan kong ipakita at ipatong sakanyang lamesa ang aking palad na parang hinulma…
Matapos magbalasa ng baraha… pumili ako ng mga anim nito at isa isa nia itong pinapaliwanag
Davmel: (maraming ritwal nakalimutan ko yung iba) ano po ang nakikita nio?
Lola: Naku iho magmadali ka at makakapag-abroad ka, magasikaso ka ng mga papeles mo, magkakaroon ka ng maraming kaibigang foreigner… marami kang ____ at mag aasawa ka? (Sunod sunod ang mga salitang namutawi sknya sa pagbasa ng aking mala hugis kandilang kamay ahihihi..)
Yung iba po personal na ahihihihi…

Sa totoo lang na impress ako sa unang bati nia sakin kaya, sunod sunod rin ang aking mga tanong at maganda naman ang mga sagot nia! Yun lang kailangan kong ilapit ang tenga ko sknya dahil medyo mahina ang boses ni Lola, siguro dahil sa ingay ng mga taong nagdadaan sa kalsada at huni ng mga pampublikong sasakyan. Over all maganda ang naging HULA sakin kaya antimano may TIP si Lola. Bumulong pa ito pahabol daw, baka daw may gusto akong gayumahin or mapalapit sakin. Ang sagot ko? Wala po Lola confident ako sa sarili ko… sabay apir! 😀

Naniniwala ako na bawat palad natin nakasulat ang ating kapalaran kung paano natin ito maisasakatuparan nasa ating piniling buhay ang kasagutan; ibayong pagsisikap lamang at pagpupursige sa buhay, kung sa tingin mo’y hindi maganda ang guhit ng kapalaran sayo aba! aba! aba! titigil ka nalang ba? Hindi kaba gagawa ng aksyon, simulan mo na ang pagbabagong iyon bago mahuli ang lahat, hindi ko sinabing burahin mo ang palad mo at magpa-Tattoo ka ng panibago, Kumilos ka sa gusto mong buhay, mamili ka lang….

Totoo man o Hindi nasa atin parin ang lahat ng kasagutan.
Ikaw natry mo nabang magpahula?

Advertisements
44 Comments
  1. Hello Davmel.

    Di pa ako nakapagpahula. Dahil malapit dyan sa Quiapo ang iskul ko dati…lampas lampas lang ako at natuwa rin sa isang kultura ng mga Pinoy.

    Mas pinili ko lagi ang pumasok sa loob ng simbahan at magdasal.

    God Bless!

    • Musta na po SLolo, siguradong nakabalik ka na sa amerika kaya nakakapag bloghop na po kayo hehehe

      For sure nitong huling bakasyon nio is dumalaw kayo at nagsimba sa Quiapo welcomeback po sa blogosphere 😀

  2. Tita Zeny permalink

    Dear Davmel,

    Hindi hawak ng mga bituin ang kapalaran natin, gabay lamang sila. Mayroon tayong free will, gamitin natin ito.

    xoxo,
    Tita Zeny

    • Sir Roland spam kaba? hahahaha

      Baguhin ba ang name? tama ang sinabi mo Tita Zeny 😀 makapagpahula nga sayo susunod XD

      • TNT ako kay Madam Zeny. Ang puchang may bulbul sa noo. Ewan ko lang 🙂

    • TNT? may utang ka saken? Mahilig lang ako sa kukur pero walang katotohanan ang bali-balita na may bulbol ako sa noo haywan ka bwahahaha.

  3. Baka naman may dala dala kang envelope na may tatak ng POEA o kung ano man kaya nalaman na mag aabroad ka. Hahaha.

    Meron akong pinsan non na sinamahan kong magpahula sa Quiapo. Mga year 2001 ata yon or 2002. Babae sya. Sabe sa kanya ng manghuhula, magkakaron sya ng ka live in sa 2004. Tapos ikakasal sya sa 2005.

    Kumusta sya ngayon? Ayun. May girlfriend na. Hindi lang pwede ang kasal ng dalawang babae dito, pero kung pwede baka nagpakasal sila. Aba malay.

    Basta ako, magpapahula lang ako pag gwapo ang manghuhula. Hmmkeitnxbye.

    • Vajee wala nga akong dala kahit anong dokumento nuon, dahil simba sa quipao at maggagala lang kami… marami pang mga hula na totoo naman tungkol sakin ehehhee

      So nagkatotoo ang hula sa pinsan mong babae, sigurado marami ring magpapatotoo sa ganitong gawi, talagang guwapo ba dapat ang manghula sayo ahihihihi ikaw talaga maeksena ka sir! 😀

  4. napadaan lang po dito sir davmel, OFW din po pala kayo. Isa po kayong bayani!

    Hindi po ako naniniwala sa hula pero nasubukan ko yan, pati nga po spirit of the glass, coin at pen hehehe

    pero totoo naman po na wala sa hula ang lahat lalo na ang magiging kapalaran sa buhay.

    • Atleast nasubukan mo, wala namang mawawala kung hindi mo susubukan diba.

      Kamusta Ianjudah, welcome ka dito daan ka lagi hehehe

    • Ang hula ko si Pong at Ian Judah ay iisa.

      Tama ba?

  5. wow talagang nagpahula ka sir davmel nung nagbakasyon ka!
    ako di din ako naniniwala sa hula katulad ng hindi ako naniniwala sa swerte!
    hula-hoops! hahaha

    hahaha
    epektib po ba yung pagtanggi sa gayuma sir davmel?
    XD

    • Alam ko sir Pong hindi ka naniniwala dito hehehe, na curious lang ako wala akong magawa that time eh kaya pati pagpapahula nagawa ko hehehe…

      Basta maniwala lang tayo sa sarili yakang yaka ito 😀

      • Huhulaan ko, si Pong ay may isa pang katauhan. Hula ko lang naman.

        XD na TNT pa. 🙂

      • manghuhula na si kuya kulisap ngayon.
        XD

      • Jkul@ akala ko spirit of the glass lang ang alam mo hahaha

        Pong@ kamag anakan yan at naturuan na ng mahika nila Madam Auring, Rosa isama mo pa si Mystika ahihihi

  6. hindi ako naniniwala sa hula pero nagpahula na ako dati sa isang kakilala…hmmm sabi nya sakin isa daw akong diwata ng kagubatan nong nakaraang buhay ko at pagkatapos isa din daw akong maharlika anak ng may isang dugong bughaw prinsesa sa madaling salita. ito na yung pangatlong buhay ko isa na akong alipin nagtratrabaho para kumita ng kunting salapi pangtustos sa sarili nademote ako ahahahaha

    …ang sabi pa don sa hula kung sino daw ang una kong magiging boyfrend yon daw ang mapapangasawa ko, magpapakasal kami at magkakapamilya at sa awa naman ng Diyos kasal na at may asawa na yung una kong boyfrend at hindi ako ang napangasawa nya ahahahha

    • Hocus focus ata ung pinaghulaan mo ahihihi, hinulaan ang nakaraang buhay mo hindi ang hinaharap, pero astig ang hula sayo! diwata at prinsesa panalo, baka naging cleopatra kapa dati wow!

      Ngaun nademote ka tama na ang fantaserye iblog mo nalang yun 😀
      Hindi nga dapat paniwalaan kung sino nanghula sayo baka nabudol budol gang ka, pero nakakaaliw talaga ang nakaraang buhay mo, gusto ko rin malaman kung ano ako dati ahihihi 😀

      • Buhahahahahhahahha.

        Na-demote ka nga Anne. 🙂

      • ahahahah oo nademote ako ng bonggang bongga… ano kaya ang susunod kong buhay? ahahahahaa

  7. di ko pa nasusubukan at di ko naman gusto itry heheheheh

    • Ayaw mong subukan nasa sayo ang desisyon pero kung curious ka lang baka nagkainterest kang subukan, nakakatuwa rin at ung iba maiimpress ka sa mga hula 😀

  8. Dalawa na ang nanghula sa akin, isang lola na wala nang ngipin at isang bulag na wala nang paningin. Totoo ‘yan. Wag ka muna tumawa kasi. 🙂

    Ang hula sa akin ni Nguyanguya, malibog daw ako kaya dapat daw hindi ako mag-asawa, dahil dadami lamang ang aking lahi. Parang ayaw kong maniwala dito, ang bait-bait ko kaya. XD, sabi niya, ang init ng palad mo hijo, pero pakiramdam ko si Nguyanguya, pinagnanasaan din ako. Buhahahaha

    Si Benito naman, medyo elibs ako dito, nasabi niya kung ano ang buong pangalan ng aking pamangkin pati middle name samantalang first time niya pa lamang na nahipo ang palad ng pamangkin ko. Hindi kasi ako naniniwala sa mga hulahulahoop eh, pero na-impress ako ng 2kilometers sa kaniya dahil nga accurate ang kaniyang laro tungkol sa pangalan ng aking pamangkin.

    Nong turn ko na, sabi ko ‘don tayo sa malayo, ayaw kong may makakarinig ng hula sa akin, inakay ko siya dahil nga bulag siya, nagtataka lamang ako, nahulaan kaya niya na mabubulag pala siya (?), anyway

    Ito na ang hula sa akin, masyado daw madulas ang salapi sa aking mga kamay, marami daw ang may utang na wala nang bayaran, aba-aba, medyo may tama sa utak si Benito, pwede rin daw akong makapagtravel, nangyayari naman dahil araw-araw akong sumasakay papunta sa work, check na check, at ito pa ang nakakalokong tadhana, magigising na lamang daw ako na wala na sa akin ang lahat lahat dahil sa pag-ibig. Wow na wow. Amazing Benito….aba aba abba abbba songs, ewan ko lamang.

    Pwede kong ibigay ang puri ko nang libre at may bayad huwag namang wala na ang lahat lahat. Kakatakot.

    • Mga certified manghuhula ba sila nguyanguya at benito? or hulahoops lang hehehe

      “magigising na lamang daw ako na wala na sa akin ang lahat lahat dahil sa pag-ibig”

      Nasabi sa hula mo ito? ibig sabihin grabe ka magmahal ibibigay mo ang lahat lahat para sa iniibig mo! ngaun palang payo ko sayo Jkul, paghandaan mo na ang mga bagay na ibibigay mo at mga naipundar mo hahahaha joke!

    • Andami daming sinasabi ni Jakul. Kainis.

      • Saka may isa pang hula sa akin si Benito at Nguyanguya.

        Makakapatay daw ako na ang pangalan ay Vajarlmetdracula.

        Oo, seryoso.

        Kinilabutan nga ako eh

      • Vajee@ siguro sia na ang nagdikta sa manghuhula ahihihi

        Jkul@ galing din ba sa hula yan or galit na yan ahahaha 😀

      • minsan pasama naman magpahula,. sabay sabay tayo. group hula. pwede ba yon?

  9. Hello Davmel.
    Ako di ko pa naranasang magpahula.. Di naman kasi ako ganun ka paniwala sa mga bagay na napaka ispiritwal.. or ewan ko kung tama ang pagka define ko hehe.. pero parang nakakatuwa rin minsan na isipin na may mga hula din naman na nagkakatotoo.. yun lang di pa rin kasi exact kasi hula nga lang.. mas maganda pa rin na may basehan tayo. kahit sabihin nating out of this world ang isang bagay pero dapat may basehan pa rin.. hehe.. Magandang gabi sayo!

    • Kamusta Blotspace, ako kasi pag curious sa isang bagay gusto ko itry wala namang masama diba? matutuwa ka lang sa mga hula nila at ung iba talaga kikilabutan ka dahil totooo. wala lang magawa hehehe

      • Hehe. ayoko lang na pahulaan kung kelan ako mamamatay kasi baka mamaya di na ako mapakali.. hehehe.. yun na lang ang iisip isipin ko lagi.. 😉 Ok lang ako. busy pa rin pero sige lang. pasulyap sulyap lang sa mga blogs.. 🙂 Magandang araw sayo. 🙂

      • Nyahahaha ayoko rin magpahula kung kamatayan na ang paguusapan hindi mo na maeenjoy ang sarili mo nian hehehe, pero for sure may mga katanungan tayo sa buhay siguro doon lang tayo magfocus hehehe 😀

  10. sinubukan ko na rin yan dalawang beses ata. sa dalawang yun, feeling ko sablay.
    hindi dahil sa pangit yung sinabi kundi saliwa sa mga totong nangyayari sa akin.

    sabi nung isa mapo-promote ka sa iyong trabaho at tataas ang iyong sahod.
    eh kakaalis ko lang sa work nun e at wala akong kapera-pera. hehehe

    nagpahula rin ako sa isang sikat na manghuhula sa radio program nya dati. sabi niya hindi ko raw matatapos yung course ko at magandang mag-shift ako. eh tinapos ko naman at na-apply ko naman yung pinag-aralan ko.

    although nakakaaliw magpahula, para sa akin as in sa akin. hindi ako suwerte sa tyansa. nakukuha ko yung gusto ko pag pinaghihirapan ko. siyempre dun sa kusang dumating ang tawag ko na roon ay blessing.

    sarap magliwaliw dyan sa quiapo, noh?!

    • Ang ibig sabihin niyan na tayo talaga ang gumagawa ng ating kapalaran, pwede lang natin iconsider na gabay pero kung hindi ito akma sa kagustuhan mo, mas magandang maging positibo ka sa lahat ng bagay 😀

  11. parang gusto ko na rin magpahula. pwede ko bang hulaan yung censored word na sinabi ni lola?

    wahaha

    dito sa quiapo meron daw ata. di ko pa nasusubukan.

    game na kO! haha

    • Hi Jeson, try mo wala namang mawawala diba nakakatuwa at nasa sayo kung maniniwala ka diba,

      Ano hula mo sa censored word ni lola? sa quiapo talaga naglipana ang dami mamili ka lang 😀

  12. pumasok po comment ko?

    ay si bella flores oh! sa dwarfina po ba yan?

    • Pasok sa banga hehehe…
      Mukha ngang si bella flores yan, basta humingi lang ako ng tulong kay Mr. Google, medyo kahawig ng sombrero nito ang nanghula sakin kaya ito ang napili kong litrato

      Jeson add na kita sa blogroll ko thanks 😀

  13. lexine permalink

    i love you.. ahahah..
    ayoko ko magpahula. 🙂

  14. hi po…curious din po ako sa hula pero never ko pa natry mejo takot ako baka negative ang mahula sakin at mag iisip pa ko…
    Napadaan po ako dito kasi gusto ko mag search if ano nga ba ang hula? May friend po kasi ako sa pinas mag aabroad, tinulungan ko siya para mag apply..nagyon po nagpahula siya before ang flight…ang sabi po sa hula ako daw po ang malas at hindi siya makakaalis ng bansa,tenext ako nga friend ko ng gnon ang sabi ng manghuhula sa kanya..ngayon po takot tuloy ako kasi baka pag ako ang magpahula tapos sabihin niya na hindi ako makakapasa sa NLE..pano na lang yon?
    Umaasa pa nman ako na makakapasa pag magtake ako ulit pa uwi ko ng pinas sa sunod na taon..ano po kaya gagawin ko? Mejo confused po ako sa sinabi nong manghuhula na MALAS ako…pls help po..thanx

    • ang hula pwedeng totoo pwedeng tumugma, gawin lang nating gabay ang mga ito, at kung hindi maganda ang hula saka mo isiping hindi totoo ang mga ito, nasa satin parin ang tunay na kahulugan ng buhay… 🙂

  15. janelle permalink

    hi po…curious din po ako sa hula pero never ko pa natry mejo takot ako baka negative ang mahula sakin at mag iisip pa ko…
    Napadaan po ako dito kasi gusto ko mag search if ano nga ba ang hula? May friend po kasi ako sa pinas mag aabroad, tinulungan ko siya para mag apply..nagyon po nagpahula siya before ang flight…ang sabi po sa hula ako daw po ang malas at hindi siya makakaalis ng bansa,tenext ako nga friend ko ng gnon ang sabi ng manghuhula sa kanya..ngayon po takot tuloy ako kasi baka pag ako ang magpahula tapos sabihin niya na hindi ako makakapasa sa NLE..pano na lang yon?
    Umaasa pa nman ako na makakapasa pag magtake ako ulit pa uwi ko ng pinas sa sunod na taon..ano po kaya gagawin ko? Mejo confused po ako sa sinabi nong manghuhula na MALAS ako…pls help po..thanx

    • wag kang matakot sa hula! gawin mo lang itong gabay, basta be POSITIVE lagi. at walang taong MALAS sarili natin ang gumagawa ng kapalaran 🙂 Ingatz

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: