Skip to content

Gulo sa Libya (Katir Mushkella)

February 21, 2011

Nagsimula sa Tunisia ang kaguluhan na patalsikin ang namumuno sa kanilang bansa, sumunod ang Egypt at naisakatuparan ang kanilang pinaglalabang pagbabago.      

     Ngayon ang iba’y naglakas loob para magkaroon ng pagbabago sa kanilang bayan, tulad ng Bahrain na maraming nasawi at nasugatan. Dinagdagan pa ng LIBYA na kung saan ako’y nagkakanda-kuba para magtrabaho. Tumataas na ang tensyon sa mga balitang nakakalap namin mula sa labas.

Malaking epekto ang nagaganap lalo na sa mga OFW na tulad namin na hangad lang ang magtrabaho para sa magandang buhay. Maraming mga pinoy na-delay ang kanilang paguwi sa pinas, ang kanilang trabaho na maaring mawala at mapauwi ng hindi handa.

Nagchat sakin ang asawa ng katrabaho ko sa kompanya:
OFW Wife: Sir kamusta naman po ang kalagayan nio dian at ang asawa ko, nagaalala talaga ako at hindi makatulog ng maayos pag naiisip ko ang kalagayan dian.

Davmel: Wag kayo mag alala safe kami dito sa kampo.

OFW Wife: Nagaalala ako baka mapauwi sia marami kaming utang, nagloan pa kami para pambayad sa tuition fee ng panganay namin 
(isa lang ito sa mga kwento ng buhay OFW)

Kaninang madaling araw nagising ako bandang alas tres ng umaga, private number ang nagregistered sa phone ko, kaya dalidali kong sinagot, Admin Manager ng Agency namin sa pinas, tinatanong ang kalagayan ng bawat pinoy dito sa aming kompanya, pinaliwanag ko na wala namang dapat ipagalala dahil safe ang lugar at ang kampo, mayroong deployed Police sa Main Gate, may backup din sa Military.

Halos Madaling Araw na kami natapos kagabi sa opisina, para paghahanda sa hindi inaasahang pangyayari. Pinaayos ng Managemet ang lahat ng mahahalagang files at ipinatago sa Container Van for safety purposes, dahil nakatanggap din kami ng balita sa ibang lugar kung saan nilooban ang isang Foreign Company, sinira at sinunog ang opisina at ang mahahalagang kagamitan. May sapat na Supplies narin ang aming kampo kung sakaling tumagal ang sigalot at problema dito sa aming lugar.

Nawa matapos na itong kaguluhan at mamutawi ang kapayapaan hindi lang dito sa Libya kundi sa buong mundo.

Mula sa Misurata Libya, nagpapatrol DAVMEL 😀

Pahabol: Salamat kay Pong at WP sa mga mensahe at pagalala saming kaligtasan dito 😀

Advertisements
29 Comments
  1. Maraming salamat sa ating Patroller Davmel!

    Ako man ay nakaktutok sa mga kaganapan. Round-the-clock talaga sa mga balita. Nakaklungkot lang na base sa news ay 200+ na ang namatay diyan sa Libya. Mag-ingat po kayo diyan sir. Panigurado ako may contingency plan naman ating Pasuguan diyan sa Tripoli kung umabot sa worst-case scenario talaga. Sabihin mo po dun sa OFW Wife mas magandang makauwi na kung saka-sakali kesa naman madamay pa sa gulo ang mga Kabayan natin diyan. Madaling kitain ang pera, ang buhay isa lang yan at minsan lang yan.
    Alam ko apektado tayong mga OFW sa mga ganitong cases. Kasama po kayo sa aking mga panalangin.
    Sa Yemen, Jordan at Kuwait ay may mga unrests ding nagaganap. Dito po sa aking kinalalagyan ay payapa naman.

    • Maging sa Morocco din po pala

    • Pong salamat sa panalagin, talagang mataas na ang tensyon dito sa aming lugar, pati mga pinoy nag papanic na…

      Regarding doon sa nakachat ko, natawa lang ako kasi mas inisip nia ung kikitain at utang ng pamilya nila kesa sa kaligtasan ng asawa nia 😦

      Nawa matapos na ito

  2. http://news.yahoo.com/s/ap/20110220/ap_on_re_mi_ea/ml_mideast_protests_glance

    Heto po ang nakalap kong time line ng mga uprisings sa MidEast at sa karatig na mga bansa.

    Karagdagang pag-iingat po diyan sir!

    • Sir Pong, salamat sa paguupdate sakin regardng sa latest news, simula kahapon hirap na kaming kontakin dito, hanggang ngaun totally walang signal ang network 😦

      Galing naman ako ng iraq pero iba ang tensyon dito, kasi any moment pwede daw kami lusubin ng mga protester. sa city daw marmaing nilooban na mga shop lalo na sa tindahan ng mga ginto

    • Sir keep us posted po, thru emails or blog.
      Kung makakakuha po kayo ng mga pics para maupdate po natin.
      Alam ko isu-shutdown niyan ang mga telco diyan.
      kagaya po ng email ko sa inyo kanina kaisa niyo po kaming nananalangin sa agarang kaayusan diyan at mas mapagtibay ang hindi marahas na paraan ng pakikipaglaban.
      Maging alisto po kayo ng mga kasamahan mo diyan sa kumpanya. Sa abiso ng Pasuguan at kung maari magtipun-tipon po kayo sa isang camp o company compound para sama-sama. Maganda din po na maging kalmante ang kasamahan natin diyan. Ikaw na ang maging leader at least guided po. Alam ko po may mga Contingency Plan naman ang bawat kumpanya maging ang Pasuguan.

      Keep us posted po sir!

      • tama po kayo ang mga ibang shops, police stations at iba pang mga local establishments ay nilooban na po. so stay safe po sir, kung hindi po safe ang mga daan ay wag na po munang lumabas o umuwi, stay na lang po sa company compound

      • I’ll keep you posted, really appreciated your effort para isend ang mga nakakalap mo ring impormasyon.

        Totally sarado na ang aming main gate at 24hrs kaming binabantayan ng military, may contingency plan din ang aming kompanya.. nakikipag coordinate din ako sa Phil Embassy, lahat naman ay handa, wag lang sana lumala at matapos na kung ano ang dapat

  3. sir tnx poh 4 the information..isa din poh kc q sa nag aalala..kc poh ung father q poh isa sa mga ofw poh jan sa libya..alapoh kmi kontak sknya..d nmin mkontak..d poh nmin alam qng ok lng poh xa..sana mtapos n gulo jan..sana walang anu mang msamang mangyari sa lhat ng pilipino’s o0fw..lets pray for peace..godbless us all..

  4. Hello Roselle ok naman ang mga pinoy dito pero hindi parin natin alam kung kelan matatapos ang sinimulan nilang pinaglalaban, saan ang father mo nagwowork? para maalam natin kung ano ang kalagayan sa lugar niang pinagtatrabahuan, keep on praying 😀

  5. pinost ko na din po sa FB yung link ng entry mo pong ito para madami tayong magpray at the same time may kakontakan po tayo.
    we’ll keep on praying!

  6. Sana nga Davmel matapos na ang kaguluhan diyan haist. Nakakalungkot talaga 😦

    • Sir Roland & Pong, latest news ang kalapit naming Military Camp sinusunog now haizt… sa totoo lang hindi ko akailan na ganito na kalala,

      Sobra ang usok na galing sa camp na yun mga ilang kilometro lang ang layo mula sa aming campo…

      Lord Help us

  7. Yes Davmel, sana maging ok naman kayo diyan haist. Just keep praying

  8. Ngayon ko lang nalaman na nasa Libya ka pala. At ngayon ko lang den nalaman na may kaguluhan dyan.

    Stay safe Kuya Davmel!

    • Hi Vajee, now you know hehehe
      Safe naman kami dito, nawa matapos na ang kaguluhang nagaganap

  9. sir kamusta na po lahat diyan?
    balita ko po nagappear in seconds ang presidente via national tv para iconfirm lang na nasa Tripoli siya at wala sa Venezuela. Nagkakaroon na din ng airstrike diyan base sa yahoo news at ang masama pa inutusan silang bombahin yung mga protesters buti nalang nagdecline ang mga pilot dahil ayaw nila.
    kamusta po?

    • Ok naman kami Pong, kahapon lalong nagpanic ang mga pinoy dito dahil nga sa malaking usok mula sa kalapit naming military camp, grabe para akong nanlambot nung nakita ko un, pero ok na, kontrolado na ang lahat

      Nakatutok kami sa Aljazeera kagabi, talagang papatay ng maraming tao lalo na ng magpaulan ng bala mula sa mga fighter jet.

      Kung mapapnsin nio sa mga napost ko ung Kunting Silip sa Libya, may lugar akong kinuhaan doon kung saan doon sila nag strike at maraming namatay 😦

  10. Ngayon din ay magpapadala ako ng payong na yari sa kawayan? Kawayan talaga, eh yon lang naman ang panlaban ng mga ninuno natin noong araw.

    Ay, ninam. Garapong hubad. Magulo ako.

    Alam mo na. Ingat ka diyan. Paano na si Essa? 🙂

    • Langhiya ka Jkul, payong na gawa sa kawayan? hahahaha, ano akala mo sa mga sandata nila pana na gawa rin sa kawayan? lolo ka na nga hehehe

      Matutuwa pa ako kung gagawan mo ako ng payong na gawa sa bullet proof at pakikulayan ng rainbow color ahihihihi 😀

  11. di kasi ako masyadong nakakatutok sa news at sa dyaryo namin., buti may update ka dito davmel. yey

    • Naging patroller pa ang dating ko dito hehehe, for sure balitang balita na dian sa pinas yan

  12. keep safe Dambel! 🙂

  13. Ingat Davmel. Dalangin ko ang iyong kaligtasan at mga kasama mo. Peace sa lahat ng may kaguluhan. God Bless!

  14. NAKAkalungkot naman ng mga pangyayari jan. ingat nalang po lagi.

  15. Pati pala sa Libya nagkakagulo na din. Magiingat kayo dyan. OFW din ang daddy ko kaya naiiintindihan ko kayo.

    God Bless! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: