Skip to content

Nice to be Back!

March 10, 2011

Sa wakas kami’y nakarating ng maayos at ligtas sa Pilipinas,

Salamat sa mga prayers at message ng aking kapamilya, kapuso at malalapit na kaibigan lalo na dito sa Blogosphere, thru FB, YM at Email (isama narin ang Friendster)

Sa ngaun ako’y masaya at kapiling ko na ang aking Pamilya, may halong lungkot dahil may mga kaibigan pa akong naiwan doon kung saan iniwan sila ng employer nila, wala silang kakayahang lumikas dahil delikado ang daan patungo sa Tripoli para humingi ng tulong sa Embahada.

Napakabilis ng pangyayari hindi namin inaasahang sa simpleng araw ay lalaki ang gulo at maraming nasasawi at maraming maapektuhang OFW, Nawa matapos na ang gulo sa Libya.

Susunod ko nalang ikukwento ang aming paglalakbay patungong Crete Island at sa Athens Greece, medyo my shiplog pa ako at jetlog hehehe…

Sa ngaun ang kailangan ko ay full body massage (dala ng stress physically at emotionally) mag pa footspa (dahil kumakapal na ang aking kalyo XD) mag pa DERMA (feeling ko ang dumi ng mukha ko ahihihihi) basta magrerelax muna ako…

kagagaling ko lang din pala sa OWWA at pumila para sa Financial Assistance (sa tagal kong nagaabroad at pagiging OFW ngaun ko lang na-avail ang kanilang serbisyo)

 

Advertisements
35 Comments
  1. Magkano na nga ang Financial Assistance? Eh bossing, parang kulang pa sa gagastusin mo sa footspa, derma, lipo, body massage. Ako na lang kaya, mura lang ang serbisyo ko. 20.00 per hour. XD.

    Masaya ako dahil nakabalik kayo ng matiwasay.

    πŸ™‚

    • Hahaha oo sige kokontakin kita Jakulito mura lang pala ang serbisyo mo eh, dont worry magbibigay ako ng tip lakihan ko nalang ahihihihi πŸ˜€

  2. Pwede nang makatulog si Essa. Worried na worried eh. XD

    • Kulisap sino si Essa sa buhay ni Davmel?

      • Jakulito@ ikaw talaga ang kulit mo baka magalit si essa hehehe
        Roland@ si Jakulito parang boy abunda na pinaghalong kris aquino yan maintriga hehehe

      • WP, si Essa nga.

        ahahhahahha.

        Hindi mo kilala?

      • Ahahaha nyeta ka kuli pinagkalkal mo pa ako para lang mahanap si Essa. May petsa na ba ang kasal? ahihihihi.

      • adik yang si Kuli wag kang maniwala dian kung ano2 na ang nasa kukute nian XD

  3. Huwaw! at talagang massage, footspa, at derma ang unang inatupag mo. Baka naman sa Marie France ka pa magpunta, ayan si kulisap daw mas mura ang serbisyo kasama na ang gupit πŸ™‚

    Mabuti naman at ligtas kang nakauwi sa pinas. May nag email sa akin kanina lang ang sabi niya “Buhay si Davmel?, Buhay si Davmel!”

    • Musta na Sir Roland, ito grabe ang kain ko ngaun, mga favorite ko pinaluto ko, gusto mo bang magutom ito ang listahan: Adobong baboy, Dinuguan, Rellenong Bangus hehehe maglaway ka sir hehehe…

      Sino naman ang nagemail sayo? oo buhay na buhay at ito nagboblog narin πŸ˜€

  4. Asus ok naman ako boss. ikaw na ang mang ingit sa masasarap na ulam, gusto kong kumain ng adobong baboy waaaaah!

    Alam mo naman na maraming nag alala pero nahuli ako sa balita about kay Essa ahihi

    • Ang ini-expect ko talaga, tumutulong na si Bossing Davmel sa pagpapababa kay Duffy Duck ayon kay Pongkie, pero heto’t para siyang si Magellan na naglayag sa karagatan para lamang makauwi ng Pilipinas at magpunta ng Belo at Calayan.

      Ikaw na, the best ka!

      Oo, libre gupit, pedicure at manicure bossing Davmel, pero dapat dagdagan mo ang tip ha?

      πŸ™‚

      • hahaha adik ka talaga jakulito!
        sige home service mo ako ngaun, tamad na tamad ako muna lumabas eh hehehe at sakit pa ng mga katawan ko

  5. Pong permalink

    Thank God nakauwi na po kayo!
    Yehey buhay si Sir Davmel, buhay!
    Magbunyi!
    Di bale po maayos din ang Libya. In the mean time, tama lang po na magrelaks kayo. Si Kaka kasi sabi niya peaceful naman daw dun, may peaceful bang lahat nagpupulasan palabas ng bansa nila. Eniwey po, kung hindi po kayo masatisfy ng serbisyo ni kuya kulisap, available po ako, arkilahin po natin yung camel na siyang aapak sa mga kasu-kasuan niyo hahahaha
    Home sweet home!
    Glad you’re back, bakbak, balakubak.
    xD

  6. DAMBEL!!! TAMA NGA ANG BALITA DON SA KANTO BUHAY KA!!! BUHAY NA BUHAY!!!

    MANOOD KA AMAYA NANDON SI PAPA SID LUCERO!!!

    • hahaha siempre buhay na buhay mahirap ata mamatay ang mga masasamang damo XD

      Saan ko mapapanuod si papa sid lucero? ahihihihi

  7. Pong permalink

    huhuhuhu ilabas mo ang koment ko sir davmel
    xD
    magaabang po me ng kwento ng paglalayag niyo

  8. ilabas mo ang koment ko sir davmel!

  9. sir davmel alive alive forevermore ka na!
    mabuhay
    uulitin ko na lang ang koment ko
    Thank God at least nakarating kayo sa atin
    Tama lang na magrelaks ka lang, ikaw na ang umiispa!
    Kung hindi pa sapat ang serbisyo ni kuya kulisap itext mo lang ako
    ipapaapak ko sa camel ang likod mo!
    xD
    Mabuhay ka po!

    • hahaha ang sakit naman non pongkie ang tapakan ang aking likod ng camel hehehe…

      Madalas parin ang pakiramdam ko nasa barko ako umaalon parin hehehe Salamat sa mga Prayers nio πŸ˜€

  10. kakatapos ko lang makipagusap sa tito ko kakagaling sa Libya, takot na takot daw sya dahil hindi nya inaasahan ang pagharang nga mga armadong tao, kinuha pa daw ang phone nya, pero sa wakas nakarating na sya dilo ilang araw pa lang ang nakakaraan, salamat sa pagtulong ng gobyerno, matagal man, nakakarating pa din.

    welcome ulit sa pinas

    • Talaga mabuti naman at nakauwi narin ang iyong tito na galing sa libya, salamat sayo Ajieluz πŸ˜€

  11. Praise God at nakarating ka ng Pinas nang safe and sound.

    Looking forward to your stories of your trip from Libra to Greece. For the meantime, enjoy the warmth of the sun and the loving company of your loved ones.

    God bless!

  12. Glad you’re home safe, davmel!
    nakakapag alala talaga yung gulo sa middle east ngayon. sabi nila baka sumunod daw ang saudi naman. sana wag naman. madaming pinoy na madadamay. andun din yung family ng ate ko. hay, let’s all pray for a peaceful world. magulong magulo ngayon pati natural disasters sumasabay din. let’s be safe lagi.

    • thansk ms. bell, oo nga puro gulo na ang mundo pati nga mga natural disaster, naniningil na ang mundo, nawa bigyan pa tayo ng isang pagkakataon lets offer our prayers…

  13. kamusta ang pagrerelaks sir davmel?

    • Hi pong ito medyo tamad pa kumilos panay gala panay labas din ng pera huhuhu ang gastos eh…. gusto ko na kaad umalis ahahahaha

      Ikaw musta kanaman sira?

  14. very nice to be back sir
    xD

  15. Pagkatapos ng hirap ay…bakasyon naman muna Davmel. Be thankful din lagi. Enjoy din your vacation dyan sa atin…kahit untimely pa. God Bless!

    • Hi Superlolo, ito nga medyo matagalang bakasyon hintay muna sa advice ng Company… Ingat din kayo πŸ˜€

  16. wala pang update?
    xD

    • Sa totoo lang napakatamad ko hehehe panay gala muna at pasarap, hindi ko pa nasisimulan ang aking kwentong Exodus hehehe soon…

  17. hello Davmel! Good to know you are safe. Naalala ko nung magsimula yung gulo sa Libya, napagusapan ka pa namin ni kulisap. Worried shempre dahil walang nakakaalam kung gaano ka-safe ang mga OFWs natin dun. But now that you are here, at least nakakawala din ng worries.

    Goodluck sa OWWA. Sana maging mabilis ang pagbibigay nila ng assistance sa ating mga Bayaning Pilipino tulad mo. God bless!

    • Ms. Kaye yes im safe and sound,
      Ubos na po ung OWWA financial assistance nila ahihihi

      Salamat po πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: