Skip to content

Magna Cumlaude!

March 28, 2011

Kaninang umaga nagdecide akong magwidraw para masimulang mamili para sa preparasyon Β sa aking nalalapit na kaarawan… may mga nakasabayan kami sa jeep na mga Graduates ng Elementary, kitang kita mo ang saya ng mga Magulang lalo na kung ang anak nila ay may suot suot na Medalya πŸ˜€

Maaga pa nun kaya naisipan kong magpa renew ng NBI na matatagpuan sa Alabang Market, habang binabaybay namin ang papuntang Alabang, napagkwentuhan namin ng aking Nanay na malaki nga ang pagbabago ng Muntinlupa, Dito kasi ako lumaki kaya alam ko ang malaking pagbabago mula nuon hanggang ngaun… puro puri ang maririnig mo sakin tungkol sa aking lugar na sinilangan.

Matapos ko makuha ang NBI treat ko si mother para kumain, ayaw naman nia maglakad ng malayo papunta sa Festival Mall, kaya doon nalang kami sa South Station, dahil sawa na ako sa Manok napili kong kumain sa isang Restaurant sa basement ng nasabing mall…

Super order naman ako ng mga namiss kong pagkaing pinoy… at ito ang nakakagulat na eksena, hindi pa namin masyadong nauubos ang aming inorder na pagkain, heto sa gilid ko may umupo at kinakalkal ang aking bag… nagulat ako at napasigaw ng MAGNANAKAW!!!! (napaka bilis ng pangyayari) kitang kita ko na hawak hawak na nia ang aking Wallet, lakas loob kong hinablot ito at sa sigaw na namutawi sa lugar na iyon, medyo nataranta si Magnacumlaude! kayat bigla itong tumakbo palayo… medyo nashock ako at napatigil at lalo pa akong nanlumo dahil sa itsura ng aking nanay na namutla sa pangyayari…

Hinanap ko ang Manager ng nasabing kainan at dahil meron namang CCTV medyo nakaisip akong magreport sa naturang insidente, nagpatawag din ako ng Security Guard, wala naman sila magawa dahil marami nga raw naglipanang magnanakaw sa lugar na iyon, hindi ko rin nakita ang mga babalang naka post sa Kainang iyun na “Mag-ingat sa Magnanakaw”

Ito ang kauna unahang experience ko pagdating sa mga Magnanakaw or Snatcher, Sana magawan ng aksyon ang mga ganitong pangyayari lalo na sa pamunuan ng South Station, palakasin nawa nila ang Security Force.

Nakakalungkot na mahirap puksain ang ganitong Krimen, kahit gaano kaganda at kalinis ang isang pamayanan, pero kung ang bawat lugar naman nito ay mayroong naglipanang masasamang elemento mababaliwala ang lahat…

Nakaklungkot kung saan pa ako Lumaki doon ako nabiktima!

Lubos naman akong nagpapasalamat na hindi hinadya ni Lord na Magwagi si Magna Cumlaude, at buti wala naman siang dalang pwedeng makapanakit sa kapwa… sa ngaun ibayong pagiingat at maging alisto sa lahat ng bagay.

Advertisements
30 Comments
  1. akala ko kung anong magna cum laude yan!
    ikaw na!
    di pa ako nananakawan o naiisnatch maliban sa alkansiya kong babasagin nung HS pa ako. nikuha naman yun nung kapitbahay naming nasa US na ngayon.xD

    Buti na lang hindi nagtagumpay ang magnanakaw.
    Tama dobleng pag-iingat dapat lalo na sa mga masasamang elemento.
    Bawal ang magnanakaw sa South Station!
    Bawal!
    xD
    Nag-aabang pa rin ako dun sa kwnetong exodus mo sir.

    • Ang swerte naman nung kumuha ng alkansya mo mukhang sinuwete at nasa US na XD

      Sasusunod sana mgkaroon din ng ordinansang Bawal ang Magnanakaw ahihihi mahirap puksain ito, kaya ibayong pagiingat nalang….

      Hayaan mo Sir Pongkie medyo tuliro pa utak ko ahihihi πŸ˜€

  2. Wow may handaan para sa bertdey mo Davmel? Invited ba kami ahihihi.

    Hang kapal din ng fez ng Magnacumlaude na iyon at talagang kinalkal ang bag mo na parang kanya lang ung bag! Hanampas mo sana sa kanya ung buong bag! Ikaw naman kasi sobra kang mag iskandalo tuloy nagulat ang nanay mo πŸ™‚ Pero tama ka, kahit anong ganda ng lugar kung meron namang nagkalat na mga kawatan na ganyan eh nawawalan ng saysay. Ang mahalaga hindi nakuha ang wallet mo at tuloy ang selebrasyon! Happy Birthday in advance Davmel!!!!

    • Oo malapit na ang Bday ko at siempre Invited kayo, iba kayo sakin eh hehehe

      OO kapal ng mukha kahit maraming tao, grabe mukhang adik sia siguradong gutom sa droga hindi sa pagkain, ung leche flan at halohalo ko pinamigay ko nalang sa kalapit naming table doon sa bata, kasi nawalan na ako ng ganang kumain eh,

      Buti nga nagiskandalo ako at nagulat si Magnacum at nataranta ahihihihi πŸ˜€

  3. mikkimao permalink

    Kala ko naman naging Magna Cum Laude ka nung elementary dahil sa entrada mo eh… πŸ˜€

    Buti na lang at hindi nagtagumpay ang magnacumlaude na ‘yun!

    Akshuali, kahit sa Festival kayo kumain mother mo eh maaring mabiktima ka din dun. Kasi dun nanakawan ng bag ‘yung isa kong kaibigan eh.

    Kailangan lang talaga ng ibayong pag-iingat. πŸ˜€

    Mabuti nga pala at nakarating kayo ng maluwalhati dito sa Pinas.

    Hapi berdie in advance Sir Davs!
    πŸ˜€

    • Salamat sa bati Mikkimao, oo nga kahit saan naman talaga pag ikaw ang natipuhan ikaw ang bida hehehe

  4. @ Davmel..!
    maligayang kaarawan..!
    saan ang handaan..?
    imbitado ba ko diyan..?
    magkasunod lang pala tayo…
    nang araw nang kapanganakan..!
    so..,
    aries ka din pala..!
    how nice..! πŸ˜‰

    • Salamat Daniel at buti nakabisita ka ulit, musta kana?
      OO invited ka kung pwede lang u makapunta dito sa San Pedro Laguna,
      Actually April 5 ang Bday ko tama Aries nga tayo pareho πŸ˜€

      pero gaganapin ko sa April 3 (sunday) para makapunta ung iba kong mga dating kasamahan sa trabaho πŸ˜€

      • @ Davmel..!
        mabuti na nga lamang at…
        walang masamang nangyari…
        sa iyong mahal na inay..!
        marami talagang magnanakaw sa pinas..!
        at…
        miski saang man yatang lugar..!
        masama man maituturing…
        ang kanilang gawain…
        mas mainam na…
        atin silang ipagdasal..!
        mas kailangn nila…
        ang ating awa…
        kaysa pagka muhi..! πŸ˜‰

      • Nagpapasalamat talaga ako na walang masamang nangyari samin, buti medyo natakot sia sa sigaw ko kaya nataranta at hindi alam kung ano ang ggawin ahihihi

        Tama ka Sir Daniel, mas mainam na ipagdasal natin sila nawa magbago at magkaroon ng magandang hanap buhay para hindi na nila gawin ito…

  5. dajian permalink

    Naks!
    Love it kuya.. hehehe buti ok kau ni nanay..
    Happy B-day in advance Kuya πŸ™‚
    Love u all.. ingat kau lagi πŸ™‚

  6. We’re OK naman dont worry ingat din kayo dian πŸ˜€

  7. Bakit hindi pumasok yong koment ko?

    Uulitin ko ulit?

    Ang tambok kasi ng wallet mo Sir, dapat ilagay mo sa brief mo o kaya sa medyas ang mga dollars.

    Happy birthday po.

    Ilang taon na po kayo Sir Davmel?

    πŸ™‚

    • Pasok naman ah hehehe πŸ˜€
      Wala ng dollars nasa money changer na ahihihi… ang sagwa naman siguro kung sa brief ko ilagay baka mapagkamalan pa akong may sakit at maisip nilang may catheter πŸ˜€

      Bata pa ako wag mo ng alamin ahihihi πŸ˜€

      • Si Essa daw po dadalo sa iyong kaarawan.

        May mga lobo? payaso at ispageti?

      • Ok samahan mo si Essa wag kang mawawala ok… sila pakita, eduarda hindi nagpaparamdam ahihihi

        Oo may lobo,hotdog, payaso kasi ganon ako kabata para magdiwang ng kaarawan ahihihi Adik ka!!!!

  8. e-mail alert kami ni sir wp!
    xD

    • Pongkie lakasan mo ang pag sabi ng email alert! nakatulog na yata si Davmel.

      EMAIL ALERT!! HOY! GISING!!!!!

      XXL

      • ahihii Sensia na mga Sirs!!! nabasa ko na
        Salamat sa pag efffort nio ahihihi Touch naman ako ng sobra πŸ˜€

  9. Grabe naman yang magnacumlaude na yan! kakainis. Pero wag nga kayo maglalagi sa south station pati sa metropolis. Medyo hang out kasi yan ng D and E crowd, at pag ganun, mas maraming masasamang loob ang naglipana. Sana nga nagpunta na lang kayo kahit sa Festival. Baka nakita mo pa akong pakalat kalat dun. hahahaha!

    Hope to meet you one of these days, Davmel. Dito lang din ako sa Alabang. Tapat lang yung building namin ng Festival Mall πŸ™‚

    • Hi Ms, Kaye actually dapat punta kami ng festival pero medyo mahabang lakarin galing kasi ako sa NBI nun sa taas ng alabang market, eh medyo pagod na si mother kaya doon nalang kami sa south station kumain…

      Sensia na hindi ko nagets ung D & E Crowd?
      Baka nga siguro nakita na kita kung parati ka sa Festival Mall, pero sa nangyari samin, siguro medyo lilimitahan ko na ang pagpunta sa nasabing lugar 😦

      • ay…sorry naman… yung D&E crowd, yung mga mejo jologs crowd at kasama na dun yung mga masasamang loob…na ang pakay ay magpakamagnacumlaude. hay.

        kaway kaway ka pag medyo naispatan mo ko sa festival. hihi!

      • Now i know hehehe sensia na hindi ko alam ang ibig sabihin πŸ˜€

        Tama ka ate kaye D&E crowd tlaga dian, pero nakakatuwa kasi minsan mamili doon lalo na kung may big SALE hehehe

        Hayaan mo ate kaye magugulat ka nalang pag may kumalabit salikod mo baka ako na un hehehe πŸ˜€

  10. Hay… Jan ako iwas na iwas pg nauwi ako ng pinas. Hanggat maaari di ako ngdadala ng wallet na me mhahalagang cards gaya ng ID o atm. Pati cellphone nka silent mode. Iwas din mgtext o tumawag using phone when in public. At pg me bag nman ako laging nasa me harapan ko para mas safe. Di din ako ngsusuot ng mga alahas na takaw tingin sa iba. Sabagay di nman tlga ako palasuot tlga ng alahas. At iniiwasan ko din mgpagabi sa daan. Alalang alala din ako pg gabi na tapos di p kmi kumpleto sa bhay. Para akong mpapraning kkaisip kung anu oras uuwi yung mga kasama ko. Very ironic nga kc i feel unsafe sa sarili kong bayan:( pero anung mggawa ko, this is reality. Ingat lagi, davmel..

    • Ms. Bell, korek ka dian, sa susunod nga hindi na ako magdadala ng mahahalagang ID dahil naisip ko lang kung nakuha ang wallet ko, para akong magsisimula sa umpisa 😦

      Ngaun naging alisto na ako sa lahat ng bagay lalo na kung bibiyahe ako at mamalengke sa crowded area… wala kasing pinipili ang magnanakaw kahit saan kapa pag ikaw ang na spotan hehehe ikaw ang BIDA!!

      • hehe korek ka jan, davmel.
        kahit lumang phone nga eh di sinasanto. pati pag withdraw sa ATM, alisto din ako. kasi naman hindi mo talaga alam kung sino mga nasa paligid mo eh. better safe than sorry di ba? ok lang sana kung pera kasi kikitain naman yun pero yung mga mahahalagang cards o papeles. hayyy.. ingat na lang lagi jan..

  11. myfilthyroom permalink

    happy birthday po, nakikidaan lang.. πŸ˜€
    ang kapal ng muka nung magna cumlaude na yan. haha

  12. Antagal ko palang di nakadalaw dito. Nakibalita nalang ako na nasa Pinas kana pala. Pasensya na Davmel. Busy ang fabulousness Vajarl. Haha.

    Last month lang naisnatchan ako ng iTouch. Mamatay na silang lahat na masasamang loob.

    • Oo nga ang tagal na nga sir hehehe…

      Ang kakapal talaga ng magnanakaw, grabe buti hindi naman kayo nasaktan at iTouch lang… kayang kaya namang bumili ulit ang mahalaga safe kayo sir πŸ˜€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: