Skip to content

Nakakapagod na… Tama na!!!

April 6, 2011

Nakakapagod pala ang maghintay sa wala….

Simula ng tayo’y naghiwalay mula sa bansang ating pinagtatrabahuan, araw araw akong naghihintay sa tawag o text mula sayo. OO nangulila ako sa mga unang gabi na tayo’y hindi na magkasama…OO naging bitter ako sa mga panahong wala ka sa tabi ko, at sa mga panahong nakakakita ako ng mag-asawang Masaya at naglalambingan L at Oo nakatanggap ako ng mahigit sa isang text mula sayo… at isa pang OO nagkita tayo sa isang okasyon sa Rizal na kasama ang asawa mo!…

Alam kong hindi ka magiging akin dahil may nagmamay ari na sa buhay mo, may sarili kang pamilya alam ko yun simula pa lang ng pasukin natin ang relasyong bawal….

Pero bakit mo nakalimutan, bakit mo ako pinahirapan??? Hindi naman ako manggugulo, hangad ko lang ang makausap ka at Makita kahit isang minuto, isang oras sa isang araw… kalabisan naba iyon???

Ang masakit ay ang paglimot mo sa aking kaarawan… (ikaw nalang ang hinihintay ko tumawag or magtext pero bigo ako) dumalo ang halos lahat ng tropa at dating katrabaho mula sa Libya pero asan ka? Nasan ang pangako mong pupunta ka kahit kasama mo ang iyong asawa???

Sana maisip mo ang pinagsamahan natin, kahit yung pagiging magkaibigan natin… ganon ganon nalamang ba iyon? Hindi ko na hangad ang dati nating ugnayan, ang tangi kong hangad ay maging magkaibigan muli tayo… masama ba iyon??? Kung sa tingin mo ay hindi nararapat, nirerespeto ko ang iyong desisyon…

Minsan nagiisip ako, naiisip mo rin kaya ako kahit konti lang, may puwang paba ako sa puso mo na dati rati’y yan ang namumutawi sa bibig mo… oh puro’s kasinungalingan lamang ito??? Kung ito’y paglalaro lamang pwes nanalo ka! Tandaan mo hindi ako marunong makipaglaro at hindi na ako bata para sa ganyang level…

Sa ngayon gusto ko, makalimutan ang lahat lahat sayo… napakasakit na ganon lang pala kadali ang lahat lahat para sayo, hindi mo man lang ako inunti unti… ang sama mo! Kung gaano kabilis ang pagputok ng giyera ganon din kabilis ang limutin ako…

Buburahin ko na rin ang mga pangakong binitawan mo… nagkamali ako patawad!

Note: with background music:  “I’ll Never Love this Way Again”

(senti mode)

Advertisements
39 Comments
  1. Base… napakasakit naman ng pag limot, minsan kahit ikaw na mismo ang nangiwan akala ng iba ang hiniwalayan mo ang nadehado pero ang totoo halos mapuno na ang puso mo ng band aid sa sobrang sakit. i dont wanna wait for the lives to be over…

    • Ang mabisang paraan sa ganitong pangyayari ay ang PAGLIMOT… at maka move on….ill be fine soon…

      Thanks Cinco sa pagbisita 😀

  2. Watda! at may sumesenti na pala dito at wala kaming kaalam-alam.

    Ramdam kita, impak sobrang ramdam kita na parang gusto kitang kutusan sa mga oras na ito ng bonggang bonga Davmel (dyuk lang!). Since pareho tayong OFW, hindi kita sinisisi dahil naiintindihan kita, ang lahat naman ay nauuwi sa ganyang ending, ang wish ko para sa iyo ay ang mabilis na recovery at ang patuloy na pagkandirit sa buhay.

    Note: with background music: ”I will survive”

    (full of hope mode)

    • Kayo na talaga ang may consolidation sa bawat isa. xD

    • Hahaha sinasabi ko na ngaba eh may violent reaction ka sir hehehe
      Hayaan mo na minsan lang ito eh, may kaartehan at ka emohan din ang buhay ko paminsan minsan 😀

      Pagbigyan na kaarawan ko naman eh 😀
      Wag nio nalang isipin na ako ang nasa poste in general nalang powh XD

  3. Di ko po alam kung ano iko-koment ko, Sir Davmel.
    Maligayang kaarawan po sa inyo.
    Kakantahan na lang kita katulad nung sa iba pang mga nagbirthday na bloggers.

    Once again has come your birthday
    Once again the time is here
    What a lovely gift from Jesus!
    He has given you one more year

    Happy time on your birthday
    Happy time is here
    What a lovely gift from Jesus!
    He has given you one more year

    Happy birthday to you
    Thru Jesus with you
    God bless you and keep you
    The whole world is in you.

    bow!

    Senti mode po pa la kayo sir. Di bale po baka yan na ang pagkakataon para maitama na ang lahat!

    Ikaw na! Paano na si Essa?
    xD

    • Sir Pong salamat sa iyong makabuluhang pagbati at pagkanta sa aking kaarawan hehehe XD…

      Ayaw kong itama mahal ko parin sia (aysus tigas ng ulo) hehehe dyok lang po XD

      • Di ba kapag napapagod, nagpapahinga dapat? Ok pahinga na!
        Mema lang sir.
        Me-ma sabi lang.
        xD

  4. ikampai na yan!!!

    hope you will be better soon…

    • Hi ate Kaye… salamat iinom nalang natin hehehe

      Thank you, i’ll be fine soon 😀

  5. Davmel. Ngayon lang ako nakabisita… naku pag kasama kita kakantahin ko sayo ang song na yan.. Hope ok ka na ngayon. God bless. 🙂

    • Hello Musta na, oo nga ngaun ka lang nakabisita,
      Lagi kaya ako bumibisita sa bloghay mo, everyday may bagong post ka dami kong nakakaligtaaan, nagbabasa nalang ako hindi narin ako nakakapag comment… kasi mukhang busy karin sumagot hehehe

      Salamat sige kantahan mo ako nian, siguradong singer ka Sir 😀

      • Haha.. actually nagsusulat ako almost everyday na. Kung minsan two posts a day pero hindi ako masyadong nakaka bloghop kasi busy sa work. Basta parang ginagawa ko na lang na journal ang blog ko. Kung sino ang makabisita sya na ang bahalang magbasa or mag comment. I appreciate comments sa blog ko. Nakakamiss din mag bloghop. I will go back to that routine pag di na ako busy. God bless davmel. 🙂

  6. toni permalink

    hapi bertdey po.

    natuwa ako kasi di nyo nakalimutan maglagay ng background music.

    binagtas ko lang po ung tulay kaya nakarating dito sa bloghay nyo.

    • Salamat sa pagbati Toni 😀

      Buti naman at napadpad ka dito sa bloghay ko… salamat sa pagdalaw 😀

  7. m0nbaby permalink

    ang touching naman neto .. touch na touch ako to the highest level…

  8. sphere permalink

    Mahal kong Dambel,

    Ako’y labis na natatawa sa poste mong ito, gusto kitang apihin sa napili mong larangan, gusto kitang gilitan gamit ang chinese accent, gusto kong yayain ka ng inuman jan sa kanto at pagusapan ang maraming bagay tungkol kay Bianca King at Piolo Pascual.

    pakimemorize yan Dambel…

    [Verse 1]
    Kay sakit naman isipin na sa puso mo ako’y pangalawa sa tuwing makikita kitang kasama siya pinipikit ko aking mga mata at sa gabing kasama mo siya halos hindi ako makahinga kayakap ko ang bote ng tequila nagmumukmok sa ibabaw ng lamesa naghihintay haggang sumapit ang umaga ng muli kang makasama.

    Ano ang ating lagay hindi mapalagay ako’y nasasaktan pag hawak mo kanyang kamay sa kanya ka sa tanghali akin sa gabi pagilas sa umaga wala kana sa tabi meron kahiti gusto kita na mapasaakin kung pwede lang ba sana sa kanya kita nakawin at lagi mong iisipin kung hindi ka para sa akin magmula pang salimutin na ikaw mahal ko rin.

    [Chorus]

    Sa puso koy nag-iisa kahit merong iba kahit hindi tama ang ginagawa sinta basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya. At wag ng mangamba kahit sabihin na kalimutan ka di ko to makakaya basta bay makasama lang kita kahit kapiling mo pa siya

    [Verse 2]

    I t really hurts ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili ko hindi makuha ng buo haggang ganun na lang nga kailangan ko itong taggapin sa puso mo meron na ngang iba umaangkin at alam ko na rin na mayroon nagmamayari sa pag ibig sa iyo ako itong nakikihati at ano man ang mangyari hindi ko kayang manumbat at kahit pailihin mo ako sa lahat gaano man kabigat sa puso ko itong aminin hindi dadaing wag ka lang mawawalay sa akin masakit man na isipin na ako ang naghihiramkaya pinasya mo na huwag na ngang ipaalam at hindi ko tama sumugal kahit pa nga alam kong mayiba kang mahal binigay ko ang lahat kahit ito ang natamo sa pag-ibig nang iba ako ngayon nakikisalo

    [Verse 3]
    Sa situwasyon natin ito hindi ko alam san tutungo alam ko pag mahirap pag mali pero mahirap rin isuko paano ko masusuot sing sing sayo na dala, kung sa paglalagyan nito meron na pa lang na una ng makilala mo ako di ko binalak mang-gulo gusto ko lang mapatunayan na ika’y mahal ko, yung binuo yung buhay ko sa mga na-una na saglit kahit ang tawag nga sa akin dihamak na kabit.
    Oo nga ikaw sa akin at ako ay sa iyo, at ikaw din sa kanya at siya din sa iyo, yun ay aking tinanggap para makasama ka lang pero sa ng wag sabihin pa na kasama ka lang para sa narin wag na tayong dumating diyan tiisin ko ang lahat ke sana wag lang yan at kahit alam kong mahirap tanggapin na mas na una siya sa iyo kesa sa akin

    [Repeat Chorus]

  9. sphere permalink

    HAPPY BIRTHDAY DAMBEL!!!

    • Ms. Anne salamat sa pagdalaw!!
      ang masasabi ko lang Sapol, tagus tagusan… ang sakit!!! kuhang kuha mo… hindi ko alam kung kanta ba ito o isang makatang paglalahad ng buhay KABIT!!!

      Mas mahaba pa ang comment mo sa poste ko hehehe,
      I really appreciate your effort, talagang hindi masyadong mahaba ang sinulat mo para sakin…. pero talagang nakarelate ako…

      Ang tanong naexperience mo narin ba ito? dyok hehehe
      Salamat po 😀

      • sphereq permalink

        kanta yan pakidownload sa ipod or mp3 mo bagay sayo yan ahahahha kinanta yan ng GAGONG RAPPER at KABET ang titulo ahahahaha matagal ko na yang narinig naaalala ko lng nong mabasa ko ang pinaggagawa mo sa buhay mo, pinagtatanong tanong ko pa title ng kantang yan.

        sa tanong mo kung naxperience ko ito isang MALAKING HINDI!!!

        sarap mong kutusan ahahahaha

    • Ah ganon ba… salamat naman sa paeefort at hinanap mo papala ito hehehe

      Sensia na minsan lang ako nageemote eh pagbigyan na at bumeberdei naman eh hehehe

      Ms. Anne bakit fully restricted na ang bloghay mo, im not welcome anymore doon huhuhu

      • gundamseed permalink

        yan ang susi ng bahay ko wag mo iwawala dahil isa na lng yan…

      • asan ang password wala naman baka nawala na hehehe

  10. Sabi nga ng librong “Gerilya” kapag napapagod daw isa lang ang solusyon, MAGPAHINGA. xD

    • Opo nakapag pahinga na ako, pero ang puso ko mahirap pagsabihan ahihihihi joke… ok na po ako sir XD

  11. it’s me. 🙂

    • hi blotspace este ilocanoak na pala hehehe, nabisita na kita sa bago mong bloghay 😀

  12. hellow kua paki visit naman site qoh hahahaha thankz

  13. sphere permalink

    Wala na bang iba? Wala na bang bagong post? NAKAKAPAGOD na magpabalik balik dito wala namang bagong meryenda lagi nalng banana que!!!tama na!!!

    • hehhe napagod kanaba Ms. Anne, hayaan mo may bago akong lulutuin wait lang, medyo napagod kasi ang puso at isipan ko ahahaha joke 😀

  14. myfilthyroom permalink

    awwww… forbidden love itu.. 🙂

  15. Alam mo ang nakakapagod Davmel? Ang magpabalik-balik dito sa kuta mo tapos wala naman bagong post? Asan ka na ba? Helooooo ahihihihi

  16. Sa tagal kong di nkdalaw dito, mlamang komang eh nkamove on ka na, davmel. Hehe. Kmusta ka? Nasa pinas k p ba? Hope ur doin well…

  17. kamuzta na po kau ngaun im back hehehehhe?

  18. noname permalink

    uhmmm..babae ba ang author nito? #curioslang :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: