Skip to content

Farmville ni Tatay

May 31, 2011

 

 

 

 

“Anak hindi na tayo magugutom” ~

Yan ang mga katagang namutawi sa bibig ng aking tatay~

Matagal naring nag retiro ang aking ama bilang hardinero sa mayayamang pamilya sa Ayala Alabang,

Sari sari ang mga tanim ni tatay na nagsimula bilang kanyang libangan hanggang sineryoso nia ito, dahil hindi rin sanay na nakatambay at walang ginagawa, bagkus naging kapakipakinabang pa ito…

May Upo, Talong, Patola, Kamatis, Alukbati (para mas mabilis kumanta nalang tayo ng Bahay Kubo lol…) ang kanyang mga tanim.

Dati mistulang Tanim ng Bayan ang mga bunga na tanim ni Mang Vic, dahil kahit sino na magustuhan manalbos ng kanyang tanim OK lang sknya, pero dumating ang oras na~

Mang Vic: Aba nakakapagod namang magtanim, nagkakanda kuba na ako sa kakabungkal at paglalagay ng abono at wala naman akong nahihita saknila hmmm

Davmel: Tay, masyado kasi kayong nagpapauto sa mga yan eh, simula ngaun bakuran nio ang tanim nio at ibenta ang mga gulay na ito, walang libre sa panahong ito…

Mang Vic: Baka magtampo ang mga kapitbahay natin?

Davmel: Hayaan mo sila, aba binibili nio ang abono, ang pagod nio at ang tubig na pinandidilig dian, aba itay lumaki na ang bill ng tubig natin noh… at MAHIYA naman sila hmmmmm

Simula nuon binakuran na nia ang kanyang Taniman, at pinagbebenta narin nia sa murang halaga ang mga bunga nito, at siguradong naintindihan naman ng mga dating nanghihingi ng bunga ang sitwasyon…

May mga nagpapapicture pa sa harap ng Garden ni Tatay dahil sa kakaibang hugis ng UPO na mistulang pakwan na pabilog…

Magtanim ay di biro!!!

Advertisements
30 Comments
  1. Nagbalik ka na?

    Bumalik ka ba ng ibang bansa o nandito ka pa sa Pinas?

    Yan ang totoong Farmville.

    πŸ™‚

    • Nandito pa ako JKUL, waiting pa ng visa πŸ™‚

      Tama yan ang tunay na Farmville, ung pweeng kainin hehehehe

  2. Agree ako sa desisyon ninyo na ibenta ang mga gulay . Tama naman dahil wala na talagang libre sa panahon ngayon kung saan unano na lang ang hindi tumataas, pati pala ako bwahahaha.

    At saan nman Davmel ang destinasyon mo dis taym?

    • Korek ka dian hehehe, matangkad ka naman sir roland ha?

      Ung destinasyon ko later ko nalang sabihin at dito rin nio malalaman XD

      • At talagang may suspense ka pang nalalaman πŸ™‚

    • hoy!!! bumusina ka. kasi ako rin di na lumaki. bwahahahahahhaha!

      • Ayan nagalit tuloy si Ms. Kaye. Ms. Kaye wala iyon, ito kasing si Davmel siya ang pasimuno, ang usapan gulay tapos kung ano ano ang sinasabi bwahihihi

      • Hala ka Roland… may tinamaan pa hehehe,
        Ikaw tlaaga XD

      • hahaha! nun kasing magsabog ng katangkaran sa mundo, tulog ang nanay ko habang pinagbubuntis niya ako ayun di tuloy ako naambunan. ahahahah!

  3. itatanong ko nga sana kung ano ba yung nasa picture, upo ba yun o pakwan? hehe

    ang galing naman ni tatay mo. yan kasi ang kinakainggit ko sa mga may green thumb. wala akong kwenta pagdating sa mga tanim at pets. di ko maaalagaan kaya di na ko nagtatanim, di na rin nagaalaga ng hayop. 😦

    ikaw, may green thumb ka rin?

    • ang pagiging Hardinero ang nagpalaki samin Ms, Kaye, magaling talaga magtanim si tatay…

      at yan ang hindi ko namana hehehe, wala rin ako masyadong interest magbungkal at magtanin hehehe

  4. hehe… magtanim nga naman ay di biro.. naalala ko nung nasa ilocos ako, sinubukan kong magtanim ng palay.. haha… ang sakit sa likod hehe… Musta na davmel?

    • Ok lang ako blotspace, ikaw musta naman? medyo natagalan ako magpost at nakakainspire ka kasi halos araw2 may new post ka sa bloghay mo hehehe

      Kaya siguro nag aral ako dahil hindi ko ata linya magtanim hehehe

  5. sphere permalink

    wow! kainggit naman ang gulayan parang ang presko naman jan sa lugar na yan…hang laki ng upo ilang hati kaya at ilang pamilya kaya mapapakain ng malaking upo na yan…

    musta naman Dambel?

    • Presko talaga ang lugar namin dito sa Laguna, at sobrang laki talaga ng upong yan, marami ang mapapakaing tao!

      Ok lang naman ako Ms. Anne, medyo naging busy lately at tinamad magblog hehehe, kayo musta naman?

  6. toni permalink

    dapat umpisahan na rin ng tatay nyo pagtatanim ng iba’t ibang klase ng herb para dagdag kita.

    sana naging kalabasa na lang ung upo, tas me okra, ampalaya at talong…pinakbet na.

  7. Salamat sa pagdalaw Toni!
    Actually libangan lang ni tatay hindi nia talaga ginawang negosyo, pinagbebenta nia lang sa murang halaga… pero magandang suhestiyon ang pagtatanim ng mga herbs… XD

  8. Tamang tama yang MAHIYA NAMAN SILA sa mga nangyayare ngayon! Kung bakit ay hindi ko na alam. Haha.

    Davmel! Nandito na pala you! Bwahahaha. Antagal kong di nakapag bloghop. Pasisnsya naman. Hagisan kita meteorite. Haha. πŸ˜€

    • Salamat sa muling pagbisita Vajee… oo mukhang busy ka ata kaya ngaun ka lang nakakadalaw…

      Saluhin ko yang meteorite mo hehehe πŸ˜€

  9. Welcome Back Sir Davmel!
    Kamusta ka na po? Nasa disyerto ka na po ba? Saang lupalop ka na napadpad?
    Ang bakuran/taniman po ni tatay ay tunay na fruitful. Kailangan talagang ibenta yan kahit sa mababang halaga lang.
    Kayo na ang may real life farmville.

    Be blesed po!

    • Kamusta Pong? oo medyo nagpahinga lang ako, at may inasikaso muna…
      Tama ka sa ngaun kasi wala ng libre eh hehehe, kawawa naman si father kung maghahanap buhay sa iba na wala namang mahihita!

      Naghihintay nalang ako ng visa, soon sabihin ko sainyo.. Ingat lagi at nalaman kong hindi ka papala nakakauwi Hangad ko nawa ay makauwi ka ng payapa… Enjoy mo lang Sir Godbless po XD

      • Hi davmel! natawa ako sa sagot mo kay Pongkie, ang unang basa ko akal ko ang sinabi mo ay …..hangad ko nawa ya makauwi ng papaya ahahahaha. sori na di ko kasi suot ang salamin ko πŸ™‚ Ano na dito ba gawi sa amin ang destinasyon mo?

      • Bwahahaha nagsusuot kanapala ng Salamin pasensia naman po πŸ™‚
        Usapang Upo kasi dito tapos binigyang koneksyon ang papaya hehehe, Gusto ko nga sana dian sa lugar nio pero hindi eh iba pero middle east din po πŸ˜€

  10. gusto ko rin kumain ng gulay. munggo with alugbati. ginisang up! sarap!

  11. Oh eh nasan ka naman ngayon at nakikisabay ka sa pag amag ng blog ng marame? Haha. Tao poooo. πŸ˜€

  12. hi davnel, salamat sa pagbisita sa blog ko πŸ˜€ sa pinas, ang taba ng lupa natin kaya walang dapat magutom. kahit sa paso nga pwedeng magtanim, di ba? dito sa alemanya, meron lang season ang pagtatanim, pero dahil sobra sobra nga, frozen na lang sila dahil halos lahat ng bahay merong kanya kanyang tanim. ngayong panahon ng summer hindi na kami bumibili ng prutas at ng gulay kasi pipitas na lang sa bakuran. walang gastos!

  13. ngek, wrong spelling yung pangalan mo. DAVMEL, sori po πŸ™‚

  14. wow, may kundol. gusto ko yun kapag ginawang matamis. yung parang kendi na glazed ng asukal.

    nakakatuwa, yan ang healthy living. exercise na yung pagtatanim, then organic pa yung pagkain.

    long live sa masipag mong tatay, sir davmel!

  15. napadpad ako ulit dito… at nakakatuwa na nakaka-inspire ang post mo tungkul sa iyong masipag na ama. wala pang panahon at lupang puwedeng gamitan pero nais ko rin na magkaroon kami ng ganyan sa bakuran.

    kailangan ko rin yan para ganahan ako sa pagkain ng gulay. pag tanim ko ata napapakain ako. mabuhay!

  16. katuwa naman ang garden ng erpats mo! pangarap ko ding magkaroon ng ganyan… relaxing kasi talaga ang magtanim… at umani πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: