Skip to content

Ang Tagal na…

March 7, 2012

Ang PAGBABALIK ni DAVMEL~~~!!!

Mag iisang taon na ang huling post sa aking Blog… mag iisang taon narin na siguro nakalimutan na ng mga naging kaibigan dito… at hindi na ata ako welcome sa kanila L dahil magiisang taon nang nawalan ng gana dahil sa naging busy ako sa mga bagay bagay.

Busy sa:

Paghahanap ng bagong trabaho mulat ng kami’y napauwi galing Libya…

Paghilom ng pusong sugatan (bwhahahha)

Pagaasikaso ng mga dokumento nung nasa Pilipinas, nilubos ko ang panahon na ito para magupdate dahil ang iba’y malapit ng mapaso.

Nagpakasaya ng kunti at naglibang ng marami habang nasa Pinas at nakalimutang meron pala akong BLOG.

At lalong naging busy ng pagaayos ng mga requirements dahil paalis ulit ako ng bansa…

Maraming nangyari at naging Masaya ang ilang buwan kong paglagi sa Pinas, hindi ko na Malayan ang mga oras at medyo lumayo sa nakasanayan…

Ngayon gusto ko kayo ulit makasama… pwede paba? 🙂

Advertisements
14 Comments
  1. pwede..kailan ka ba nmin tinanggihan?
    ganyan talaga ang buhay kailangan may magawa tyong bago
    pra makausad sa pait na nakaraan..waah…hehe

    welcome back!

    • Salamat sayo Mr. Ramboka, mukhang nakarelate ka sa ilang nabanggit hehehe 🙂

  2. Uyy Dambel na miss kita, true iyon kahit sabihan pa akong oroccan nung jakul na iyan hahahaha. Oe di ok na ba ikaw? sa susunod wag masyadong mainlove ahihihi. Ano pa ang kwento dali!

  3. emo oh.. ikaw nga di nagparamdam jan ng isang taon ah.. hehe.. kamusta davmel? matagal din ako nagpahinga sa pagba-blog.. busy busyhan lang.. kamusta ka naman? nasa pinas ka pa ba o isang bayani ulit gaya namin?

    glad to see you here again..

    aba teka..MissGreenBellPepper pa ata ako nung huling nagparamdam ka ah…. ngayon napansin mo ba MrsGreenBellPepper na.. hehe..

    kwento ka na lang nga mga adventures at misadventures mo. we’ll be glad to read gaya ng dati 🙂

  4. pwede poh…

    Keep safe always…:)

  5. flola permalink

    Hi.Kamusta? Kamusta mga parents mo? Bagong salta lang ako sa blog/diary mo… naghahanap ng mga advices mula sa mg ofw, kasi gagawin ko na ang matagal ko nang pangarap at balak na magtrabaho sa abroad… ka-pareho rin ng mga rason mo kung bakit ka napa alis sa bansa natin.

    Sabi mo ginawa mo yon para mabigyan mo ng konting ginhawa ang mga magulang mo….. kaya ko sila kinakamusta sa iyo. Pasensya na kung personal ang tanong ko, pero sa iyong palagay ba ay naibigay mo na sa kanila yung gusto mong maibigay na ginhawa?

    Isa sa rason ko ay ganon rin, ang mabigyan ng ginhawa ang mama ko at kapatid ko bunso, yung papa ko kasi namatay ng maaga kaya wala na sya para mapa-dama ang mas higit pang maginhawang pamumuhay sana kung sa abroad ako magtratrabaho at kumikita…. Kaso matanda na rin ang mama ko, so tinanong ko sya kung sa palagay nya ay aabutin pa ba nya ang edad na 75 (mag 69 na sya sa Sept.)…

    Ang punto ko, is it worth na lumayo o iwanan ko sya para kumita ng malaki na para naman sa kanyang lubos na ikakaginhawa? Sabi naman nya sa tingin nya aabutin pa naman sya ng ganon edad so ako naman parang naitutulak talaga na umalis kahit na may trabaho dito pero halos di na nakakasapat ang sweldo para makapagbigay ng maginhawang buhay para sa kanya at sa kapatid kong bunso na walang kakayahan suportahan ang sarili bilang isang tao na may Trisomy 21 (Down syndrome/ special person).

    Salamat sa iyong maipapayo. Mabuhay!

    • Namiss ko kayong lahat~ sobra ang tagal nga hahaha… sensia na mga kaibigang WP, JKul & Ms.Bell, masyado lang akong naging busy at medyo tinamad pero andito parin ako palagi at magbabasa ng mga comment at post nio 🙂

      • flola permalink

        davmel,

        maraming-maraming salamat ha.lalong nabubuhay ang isa sa mga masidhi kong pangarap na matagal ng panahon… mas gusto ko na ang sumubok kesa habang buhay na iisipin ko ang “what if”

        May mga rason ako bakit sumidhi ang pangarap na ito simula pa ng nakaraang taon.
        Isa akong “leon”, kaya malamang kakainin ko sa agahan ang mga hamon na nabanggit mo… mga pagsubok sa buhay ang bumubuhay sa aking dugo at nag-bibigay ng lakas sa aking pagkatao.

        muli ay maraming salamat!

      • Tama~! natuwa ako sa lakas ng determinasyon mo para subukin ang mga hamon na iyon! at nabanggit mo ang pagiging LEON dapat ganon ang pagkatao mo pagdating sa ibang bansa dahil maraming naghahari harian dito lalo na kung ikay baguhan,,,,

        Gawin mong inspirasyon ang mga aral na makukuha mo sa mga BLOG ng OFW, at sana mabasa mo ang mga lumang post ko or ung kaunaunahang post ko dito at nawa may mapulot kang aral. Goodluck sayo kaibigan 🙂

  6. flola, nangialam ako. Kung mas mapapabuti ang kalagayan mo, mas magiging mabunga ka gaya ni Davmel, umalis ka pero kung may pag-aalinlangan diyan sa puso mo, mag-isip ka muna, mahirap bumalik kapag nandon na.

    Tama, si Davmel ang makakasagot ng tanong mo kasi ako, umi-epal lang. Hahahaha

    musta na kayo?

    • flola permalink

      J.K.

      lol, kahit sino pwede naman magbigay ng advice sa akin eh, lalo na mga OFW or ex-OFW.

      OO, feeling ko magiging mas mabuti at mabunga ako kesa sa ngayon, mas mapapabuti ang kalagayan ko/ng pamilya ko. Wala akong alinlangan, yun nga lang alam ko sa umpisa ay ma mi miss ko ang buhay na nakasanayan ko at mga mahal ko sa buhay pero handa ako magbago buhay ko kung alam ko mas lalawak ang karanasan at pagunawa ko sa buhay.

      Salamat na rin sa pang-eepal, hahaha, welcome sa akin…

    • JKul salamat sa pagsagot sa ating kaibigang Flola, hindi naman kailangan maging OFW ka para mabigyan sila ng kasagutan… very well said ang paglalahad mo, Namiss ko kayo sobra hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: