Skip to content

Bulalakaw


Bulalakaw, Taeng-Bituin, Bituing-alpas, Batong pangkalawakan, sa English Meteor, Shooting Star or Falling Star.

Isa kaba sa maraming tao na madalas makakita nito? At ano naman ang una mong nasaisip pag halos bumulusok ito sa iyong dinaraanan habang ika’y naglalakad?
Naranasan mo nabang makasaksi ng meteor shower? Or mapanuod ang full episode ng Meteor Garden ng F4 (isa ako sa naging adik nuon hahahaha) 😀

Nakapulot kana rin ba ng batong pangkalawakan at naisipan mo bang lunukin at sumigaw ng Darna? (sorry guys para sknila lang yun, kaya pag nakapulot kayo ipalunok nio sa GF or Asawa nio, may instant hero ka! Pero kung nakapulot kayo ng barbel or dambel wag niong lulunukin Sumigaw ka lang ng Capt. Dambel hahahaha)

Karamihan satin pag nakakakita nito ay biglang napapahinto, pumipikit at nagwiwish, isa Karin ba sa kanila? Ako isang malaking OO ang sagot ko ahihihihihi… 😀

Ang iba nagugulat at nasasambit na “AY BULALAKAW” at nakakalimutang magwish, maiinis at magsasabing “SHIT Nakalimutan ko magwish f**k) at maganda rin daw na ang magkasintahan ay sabay na makasaksi nito mula sa kalawakan (ang sweetness naman diba)

Sino nga ba ang nagpauso nito at may naidokumento or nagpatotoo naba sa ganitong gawi??

Basta ako simula pa ng pagkabata, lagi na ako nakakasaksi nito at hindi ko nakakalimutang magwish… kahit saang bansa ako mapunta lagi rin ako nakakakita nito, ang sarap pagmasdan, kahit hindi mo inaasahan kusa itong magpapakita, sa katunayan hanggang ngayon paulit ulit lang ang aking wish, na nararamdaman kong unti unti na itong nagkakatotoo at naisasakatuparan.
Isang matandang kasabihan na hanggang ngayon ay dala dala parin natin sa bagong henerasyon.

Maniwala ka man o hindi, ang mahalaga ay masaksihan mo ang dalang liwanag na gumuguhit sa madilim na kalangitan mula sa malayong kalawakan.

Ikaw nakakita kanaba ng Bulalakaw?

Collection

Ang sarap ng pakiramdam pag pinagmamasdan, hinahawakan, nililinisan at inaayos ang mga bagay na kinolekta mo at ginawa mong collection… 🙂

Share ko lang ang aking koleksyon hindi nga lang ito, mga medalya, tropeyo o plake (mahirap kaya ikolekta yan hindi kasi nabibili basta basta kailangan paghirapan mo hehehehe) Dati rati mahilig ako mangolekta ng liquor empty bottle, lalo na kung ito’y mga kilalang brand, nagkainterest akong gawin na koleksyon ito simula ng pagdadala ni Tatay ng mga paubos na bote (medyo mahilig uminom ang aking ama) na nagtatrabaho sa Ayala, kada okasyon kasi sa mala palasyong bahay na pinagtatrabahuan nia laging may mga tirang alak, nakakapanghinayang namang itapon ang bote na imported lalo na kung magaganda ang design at hugis nito nakakaaliw tignan sosyal baga ahihihihi…. 🙂

Kaya imbes na itapon nilalagyan ko ito ng tubig at hahaluan ng food coloring para magkaroon ng kulay at ididisplay ito sa cabinet…lumipas ang ilang taon kailangan ko na siyang itapon, dahil nagkakalumot na ang bote at iba narin ang kulay hehehee…

Ito ngayon ang bago kong collection, wala kaming lahing intsik, (I just fascinated about Chinese lucky charms & crystal) nagsimula akong mangolekta ng mga Chinese lucky charms nung ako’y nagsisimula pa lamang mag abroad, nagtatrabaho ako nuon sa Ortigas bilang ordinaryong manggagawa, Chinese New Year nuon, may napulot akong isang lucky coins malapit sa Chinese Lucky Store sa SM Megamall… sabi nila magwish daw ako at ilagay ito sa ampao (red envelope), lagyan din ng bulak at itago sa wallet…

Nadagdagan ito kada Chinese new year bumibili ako ng paisa isa pandagdag sa aking koleksyon, ang iba bigay din ng aking kasamahan sa trabaho na nagbakasyon sa Hongkong…

Ang iba dito ay bili ko pa mula sa aking bansang napuntahan; Hongkong, Macau, Iraq, Iran, Qatar, Dubai at Bahrain. Mahilig din ako mangolekta ng mga crystal, precious stone at glass with touch of gold… ewan ko ba para akong nahahalina sa mga makikintab at kumikinang na bagay hehehehe.

Mas mabuti ng dito ako ma-adik kesa sa pinagbabawal ng gamot hahahaha, isa rin itong pang alis stress the moment na mkita mo silang kumikinang, nasa magandang estante ang sarap ng pakiramdam, hindi lang swerte ang hatid nito sakin, kundi kasiyahan 😀

Ikaw ano ang natatangi mong koleksyon?

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon

Matagal tagal narin pala akong nagtratrabaho sa abroad, sa anim na taong ako’y namalagi at halos magpa alipin sa mga dayuhang amo, halos makalimutan ko na ang tunay na okasyong pinoy lalo na’t kung sasapit ang Pasko at Bagong Taon (no place like home)

Pangatlong pasko at bagong taon ko na dito sa Libya, isa sa maituturing na malungkot na araw ng mga OFW. Dito sa buwang ito pumapasok ang HOMESICK na kadalasang sakit ng mga kapwa pinoy na nagtitiis mapalayo sa minamahal upang maiangat at maiahon sa buhay ang kanilang pamilya.…



Baliktanaw sa nakalipas na pasko at bagong taon ng paslit na si DAVMEL

Tandang tanda ko pa nung ako’y bata (hanggang ngayon naman mukha parin akong bata ahihihi) tuwing sasapit lamang ang pasko at bagong taon kami nakakakain ng masasarap na pagkain sa hapagkainan tulad ng: Queso de bola, Hotdog (Take note: Purefoods Tender Juicy! Sosyal diba?) Pork Barbeque at ang uso tuwing pasko HAMON de BOLA (na akala ko tuwing pasko lang available! Yun pala marami sa Supermarket hehehe) at dagdagan pa ng mga prutas tulad ng Mansanas at Grapes, (hindi common na prutas sa ordinaryong araw, sa mga okasyon lang ako nakakain nito; akala ko rin tuwing pasko lang sila napapanahon ahihihi) pasensia po ignorante ako noon 

Taos puso akong nagpapasalamat at taon taon kami nakakatanggap nito mula sa mabait na amo ng aking tatay, kung walang christmas grocery items sigurado hindi ko natikman ang mga ganito hehehehe.

Andiyan din ang simbang gabi na pahirapan gumising sa madaling araw, dahil may panata kaming magkakaibigan na kailangang mabuo. Kahit walang ligo at hilamos lang pwede na; minsan din bago ako matulog suot ko na ang damit kong pangsimba para hindi ako mahuli at sama sama kaming maglalakad patungong simbahan.

Sa ngayon hanggang pagalaala nalamang ang mga nakalipas na panahon, masarap baliktanawin 

Dahil gusto ko maranasan ng aking pamilya ang masaganang buhay hindi lamang tuwing pasko at bagong taon kundi sa araw araw… alay ko ang pagtitiyaga at pagpupursige sa buhay para sa aking minamahal na pamilya lalo na para sa aking NANAY at TATAY!!!

Medyo huli na ang post ko sa pasko at bagong taon, naging busy lang ako dahil nag-organize ako ng Christmas party para sa mga pinoy na manggagawa dito sa aming kompanya, at sa wakas nanalo rin ako for the very first time sa raffle promo hehehe…

Happy New Year to all~

“Each One Reach One”

I am so happy that one of my sisters in Christ called me last week and invited me to come and join the 1st year anniversary celebration of Evangelical Christian Church with a theme “EACH ONE REACH ONE” held in one of the Resort in Misurata City, last December 10, 2010.


Yes I am a Roman Catholic in religion, but I often join bible study / non sectarian/born again churches since 2008 (as long as we worship our one and only god with no denomination) I was able to meet different people and became friends, some of them are from other nationalities; despite of cultural and language differences, still we speak/understand in one language thru the power of GOD’s Word.

I attend the celebration together with my collegue and able to meet Pastor. Roman Guevara. 

He is a multi-media minister
A preacher, author, worship leader, and composer

He is the lead singer of RISE UP: The Global Filipino Worship Band, and he is the composer of the hit song YOU ARE AMAZING

He is the founder and spiritual director of THE JOURNEY CENTER: A Church that helps people with their journey in life

It’s an honor to have photo with him, I adore the way he speak, preach and worshiping God, I feel so blessed and cleaned after…over all the entire event was superb! I would like to congratulate all the people made this event possible.

Commentary: I was touch by an angel in disguise… two hands up head downs!, very professional with sense of humor, no dull moment with him ~ thank you Pastor. Guevara I’m so blessed to meet you…

 Till now I see HALO on top of my head (just kidding) 😀

Dubai Part 2

Creek Side in Baniyas Road
Matapos ang mahabang biyahe at ngayon nasa dubai na ako, habang manghang mangha sa bawat lugar na madaanan ng aming sasakyan, tila hindi parin ako makapaniwala…
Nakituloy muna ako pansamanatala sa Flat ng aking ate; at bukas na bukas daw ay kailangan ko narin magsimula at maghanap ng trabaho, Toink~ hindi nga pala ako turista dito, andito ako para maghanap ng trabaho hehehe…

Madaming nagsabi samin na hindi daw magandang buwan ang pagdating ko dahil timing sa Ramadan, meaning wala masyadong Hiring 😦 akala ko ganon kadali maghanap ng trabaho dito sa abroad, hindi rin pala… salamat narin at ako’y well trained sa paghahanap ng trabaho, Kailangan maging friendly ka dito lalo na sa mga kabayan natin na pwedeng hingan ng tulong at detalye sa mga lugar.

Halos kasabayan mo rin ang mga indiano na mas kilalang tawag ng mga pinoy or Code name: Pana, Itik or Panadol na kadalasan tumatanggap ng mas mababang sahod kaya imbes na makipag negosasyon ka sa hinahangad mong magandang sahod, nagkakaroon tuloy ng hindi magandang epekto, ang daming mga kabayan din na naghahangad na makahanap ng trabaho bago ma expired ang visa nila, nung panahon na un ang validity ng visit visa is 2months at pwede pang iextend upto 3months, pero paano ka makakapag extend kung wala ka namang pambayad sa visa charges. Kaya nung panahon na iyon sobrang pressured ang paghanap ng trabaho, isipin mo nalang ang ginastos mo sa visa at ticket mga inutang pera kahit 5/6 basta lang makaalis at yung pangarap na makaahon ay bigla nalang mawawala na parang bula, at ayokong umuwing luhaan!

Sipag, tiyaga at determinasyon talaga ang dapat na kaagapay mo; lakas ng loob kahit magisa kang maglakad na parang ahente ng insurance, kailangan mo kasing ibenta ang sarili mo sa bawat Opisina na mapuntahan mo.

Nasayang ang isang buwan ko sa paghahanap dahil puro pasa lang ng CV ang aking nagawa, kadalasan wala namang reply huhuhu. Maeexpire na ang aking visa wala parin akong kasiguraduhan, ito nanaman ako sa mga pagsubok…. Sadyang mahal ako ni lord at hindi nia ako pinabayaan,

Nagbukas ang bagong pinto para sakin, tamang tama na mangangailangan daw ng empleyado ang company na pinagtatrabahuan ng aking ate, magbubukas sila ng Travel Agency. Nainterview ako ng aking employer na British, sa totoo lang hindi pa ako ganon ka confident pagdating sa pageenglisan, pero kailangan kong maimpress ang aking employer. sa una pinaghands on ako sa computer, (at sa pagkakataong ito hindi na ako kabado hahaha) buti nalang medyo bumilib sila sa Computer Skills ko at sinimulan na akong gisahin sa interview portion hehehe, First time ko mainterview ng isang Foreigner, dahil pressure sa paghahanap ng trabaho siguro yung takot at kaba napalitan ng lakas ng loob, nagustuhan ako ng employer ko at bukas na bukas daw ay magstart na ako yahoo!!!, pinapirma narin ako ng Employment Contract at Salary Offer, maganda naman ang bigay nila lalo na sa tulad kong baguhan sa ganong trabaho.

At ang kagandahan doon sinagot nila ang visa ko, na kailangan ko munang mag exit sa dubai at pumunta sa Kish Island, Iran for visa change. Laking pasalamat ko na wala akong gagastusin ni singko at sagot pa ng company namin ang hotel with food allowance, maghihintay nalang ako ng visa na ipapadala nila para makabalik ulit ng dubai at makakapag tour pa hehehe…

Panatag na ang aking kalooban at sa ngaun may trabaho na akong mapagmamalaki, may maikukuwento narin ako sa aking mga magulang, isa ako sa mapalad na nakahanap ng trabaho bago ma expire ang visa ko, may mga nakilala akong mga pinoy na tulad ko ay nakikipagsapalaran din doon, ngunit sawing palad silang makahanap ng trabaho at kadalasang umuuwi ng pinas, yung iba stranded sa Kish Island, Iran dahil sa pangako ng kanilang employer na napako, at ang iba naman ay naglalakas ng loob at kapit sa patalim…

Ngaun magsisimula na ang pakikipagsapalaran sa abroad….
Itutuloy…

Kunting Silip sa LIBYA~

Break muna tayo sa Buhay Abroad series ~ masyado kasing seryoso at madrama ang storya ko at para hindi naman kayo maumay ahihihi 🙂 Igagala ko kayo at kunting silip sa Libya; ilang mga litrato ang aking pinili para magkaroon naman kayo ng ideya kung ano ang meron dito.

May nagrequest kasi sakin na magpost daw ako ng mga litrato para makita nia kung ano ang itsura ng bansang pinagtatrabahuan ko, siguro nga kailangan ko naman ipromote ang lugar dito, hindi kasi common na puntahan ng turista…

Masasabi kong isa sa magagandang lugar at tahimik ang bansang Libya… Hindi pa sila ganon ka Civilized at nagsisimula palang ito bumangaon mula sa Sanction (ilang taon din nagpahirap sa mga lokal at OFW)… simple at payak ang pamumuhay ng mga lokal na libyano dito.

Ito ang nagiisang Catholic Church sa Tripoli, dinadayo pa namin ito kada walang pasok, dalawang oras ang biyahe dito mula saming Camp, maraming mga Kabayan kang makikilala na tumagal narin at kasama ang kanilang pamilya, usually 4pm ang start ng misa sa mga Pinoy at after ng mass maraming nagbebenta ng kakanin at pagkain sa bangketa na isa rin sa mga dinadayo namin lalo na ang masarap na Siopao ni Manong Bong, at mga kakanin nia 😀

Tripoli Catholic Church

Picture picture sa Tripoli City

Isa sa mga mabisang pamatay homesick ang mag aliw aliw. Kesa magmukmok ka sa kwarto at walang gawin, gumala ka at magsaya kasama ang mga barkada…

 Ito ang Leptis Magna isang Roman Empire dito sa Libya, isang matandang sibilisasyon na nagiwan ng maganda at makabuluhang marka sa hinaharap…isang oras ang biyahe mula naman sa aming Camp site, isa sa mga tourist destination, at makikita mo ang mga Italian architectural design…

Roman Empire Civilizationthe Arena...

AmphitheaterAncient Roman amphitheater

 

inside the arenaPicture time...

Feeling namin nasa Italy kami hehehe, ang ganda ng mga roman artifact na until now na preserved nila, maganda ang lugar at hindi na kami nag hire ng Tour Guide, hindi rin namin siya maiintindi at mababaliwala rin dahil kami ay busy sa pictorial at ayaw ko ng medyo limitado ang bawat kilos mo dahil kailangan mong makinig skanya, gusto namin gumala at maghanap ng magagandang anggulo…

Pati ang walang malay na statwa na molestiya hahahaha

Ganyan lang ang buhay abroad, pasayahin at libangin mo sarili mo, isang mabisang sandata ng mga OFW…

Dubai


 Hindi ko inaakalang magiging ganon kadali ang pagpunta ko sa ibang bansa, matapos ng aking paghihirap at kung ano anong experiences sa pag aaply locally and abroad. Siguro nakita ni Lord ang mga sakripisyo ko kaya’t hindi nia ako binigo, inisip ko na inihanda lang ako sa mas malawak na pakikipagsapalaran, Thanks God!

Taong 2004 ng sinuwerteng makapag trabaho ang aming panganay na Ate sa bansang Dubai, dahil narin sa hirap ng buhay at problema sa pamilya kaya’t naisipan ni Ate na mangibang bansa, para sa kanyang dalawang anak at pangarap sa pamilya…

Malungkot kami ng sia’y lumisan dala ang kanyang pangarap sa aming pamilya at doon magtrabaho sa ibang bansa, ang aking Ate ang siang naging leader ng aming pamilya; nagtatrabaho na ako nuon sa Ortigas, minsan nagiisip; sino na ang aawat pag nalasing si Tatay, sino ang magpapangaral sa isa naming kapatid na lalaking pasaway, sino na ang aming hihingan ng tulong at sandalan sa oras ng problema…malayo man si ate hindi nia kami pinabayaan,

Ilang buwan palang sia nun, ng magpasya na kunin ako as Visit Visa sa Dubai, tanging internet email ang aming usapan at kwentuhan nung siya’y nanduon, salamat narin sa webcam at madalas ko rin sia nakikita… pinakumpleto nia ang mga papeles at dokumento, excited ako ng mga panahong iyon, kumuha narin ako ng passport at dahil tatanga tanga pa walang experience, naloko ako ng mga fixer, kainis hindi parin natatanggal ang mga fixer dian sa kanto ng DFA… after completing my documents and requirements…this is it… Excited na nga ako, pinaayos na ni ate ang visa at ticket ko sa isang agent. Dumating ang araw na kailangan ko ng magresign sa aming kumpanya, isa sa pinakamalungkot kong araw ang ako’y magpaalam sa mga kasamahan ko pati narin sa Management, at hinding hindi ko malilimutan ang regalong ginawa nila para sakin…isang picture frame na naglalaman ng mga litrato namin na ibat ibang hugis at pinagdikitdikit, at isang Card na naglalaman ng mga message nila sakin…nakakaiyak ang araw na iyon…huhuhu

Nagkaroon na ako ng confirmed booking at nareceived ko na ang original copy ng Visit Visa ko na pinadala thru DHL,…

October 05, 2004 ang aking schedule, ito na ako hindi na makatulog ng ilang araw sa kakaisip at kung ano ang naghihintay sa pupuntahan ko, nakaimpake na ako at mga padala na inutos sakin ng ate ko, hawak hawak ko na ang passport, visa at ticket ko…, Umaga kami ng umalis sa bahay lulan ng taxi patungong NAIA, sa loob ng sasakyan nagusap kami ng aking Tatay at Nanay na alagaan ang bawat isa at ang kanilang kalusugan, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para guminhawa ang pamumuhay at matupad ang pangarap ko para sa sarili at sa pamilya… habang papalapit ng papalapit kami sa Airport, halos ayaw ko na magsalita, nakadungaw nalang ako sa bintana, at ng pagbaling ng aking mata, si Nanay umiiyak at pinupunasan ang luha, OMG! Nasambit ko sa sknya: Nay ano ba yan, wag mo naman akong paiyakin, ngunit nagsimula na ang pagtulo ng luha ko, at tanging hikbi nalang ang naisagot ko… 😦

Papasok na ako sa main entrance ng Airport, nagpaalam na kami sa isat isa, at doon ko palang nasambit sa aking magulang ang mga salitang “I Love You”, dala ang maleta at handcary bag, naglakad ako patungo sa entrance, nilakasan ko ang loob ko, (sabi ng iba, wag naraw ako lumingon pag papasok na, pero hindi ko maiwasang lumingon at tignan ang kanilang kalagayan, matatanda na sila nanay at tatay, gusto ko naman bigyan sila ng ginhawa at sarap sa buhay na hindi nila naranasan noon, para sa kanila ito…) Pinunasan ko ang aking munting luha, dahil pinipilit ko itong pigilan, at huminga ng malalim, DUBAI here i come…

Matapos magbayad ng Travel Tax, nakapag Check-In narin ako sa Airline Counter, nakabayad narin ng Terminal Fee, at ang huling proseso ang makaligtas at makalusot sa Immigration, nung panahong iyon ang daming paalis, iba ibang lugar ang pupuntahan, at halos lahat nakapila sa napakalawak na Immigration, na deny ako ng isang beses, ang daming tanong alam naman nila ang sagot siempre maghahanap ng trabaho doon…pumila ulit ako sa ibang Counter doon sa malayo sa unang counter na napuntahan ko at sa wakas kahit masungit si ate, tinatakan na nia ang passport ko, at ang sabi nia….Ok maghanap ka ng magandang trabaho doon ha, hehehehe (alam naman nila talaga ang dahilan kaya madaming nag pupunta doon eh, gusto lang talagang pahirapan lalo na sa mga first timer na tulad ko..)

Tapos na ang mga proseso at ito na, ilang hakbang nalang ay papasok na ako sa malaking Tube patungo sa Eroplano, call at text kami ni ate, minomonitor nia ako kung nakasakay na ako ng eroplano, dahil marami rin ang hindi sinuswerteng makasakay dahil sa immigration officer na idedeny ka at pakakabahin ka talaga…

Nakakatakot pala ang sumakay sa eroplano lalo nat kung ito’y Take-Off mode, ang sakit sa tenga at yung kaba at excited napalitan ng takot hehehe, buti nalang mabait ang katabi ko, makwento rin sia at tulad ko visit visa rin sia sa dubai, pero pagmamalaki niang sinabi na hindi ito ang unang sakay nia sa eroplano, tinuruan nia ako ng tips, lunok lunok daw at inom ng tubig, hehehe ginawa ko naman un at nakatulong naman sia infairness, bumaba kami sa Bangkok para sa aming Connecting Flight papuntang Dubai, Eksaktong madaling araw ang lapag namin, iba na ang lugar, iba na ang mundo oo nasa ibang bansa na nga ako, at nasa DUBAI na! 😀

Kitang kita ko ang makukulay na ilaw, naglalakihang gusali sa bintana ng Eroplano, at paglabas namin sa eroplano…namangha ako sa nakita ang ganda ng kanilang Airport bagong bago malinis, mabango maliwanag (na ignorante na naman ako lol..) matapos matatakan ang aking pasaporte, at makuha ang aking bagahe sa conveyor, nakisabay lang ako sa mga pinoy palabas, ito na naghahanap na ako ng sundo ko, at nakita ko na si Ate at akoy tuwang tuwa, sinundo na nia ako kasama ng isa niang ka officemate, nagtawag narin kami ng Taxi na ang Driver ay Pakistano, pauwi na kami at doon daw muna ako tutuloy sa kanilang Flat pansamantala….

Itutuloy……..