Skip to content

Unang Hakbang ~

Taong 2002 ng ako’y magtapos sa Kolehiyo…at sa wakas goodbye sa mga hindi kanais nais at mapang lait na mga Manager at mga Titser na nagpahirap sakin lalo na sa MATH! Hahaha.  Ito ako ngayon handang sumabak sa panibagong hamon ng buhay. Handa na ba talaga ako??? Yan ang mga tanong na namutawi sa aking isipan. 

Tanging bitbit ang resume , credentials at certificate of employment galing sa mga Jollibee na napasukan ko. Sa ngaun hindi na ito simpleng test at simpleng interview hindi na ako nag aaply bilang crew. At hindi ko alam kung ang mga COE ay uubra!. Iba pala talaga ang pressure sa paghahanap ng trabaho lalo na sating bansa , nakailang kilong Manila Bulletin din ako , masipag din ako magpunta sa mga Job Fair na kadalasan naman ang available job is magtinda ka ng AVON , Water Purifier or mga Insurance ,

Grabe nakakaiyak pala talaga ang kompetisyon sa paghahanap ng trabaho, may opening job nga sa isang posisyon ngunit ilan naman kaming nakapila at umaasa na masungkit ang korona, swertehan nalang talaga,  halos skyflakes at tubig ang lagi kong baon  makapag ikot ikot lang sa Ayala Makati para magbigay ng CV. Sa mga panahong iyon nagbaka sakali rin ako sa mga Manpower Agency , nakakita ako ng Job Opening papuntang Bahrain, wow nabuo nanaman ang aking pangarap simula ng ako’y bata pa , ang magpunta at magtrabaho abroad , punta kaagad ako sa OMANFIL (agency), nagfillup ng forms at nakiupo narin sa ibang aplikante, kapansin pansin na halos lahat ng kasabayan ko ay may mga experience na abroad, isa isa silang nakikipagkilala at nagtanungan kung saan silang  bansa galing, may mga datihan na sa  saudi, oman, qatar etc… (halos middle east) at ng tinanong ako kung saan ako galing sabi ko wala pa nagbabakasakali lang….Tinawag na ang aking pangalangan para isalang , Typing Speed ang isa sa kailangang maipasa mo, dahil Computer Operator ang opening at ito ang aking inaaplayan (salamat sa computer typing subject at napakinabangan ko…) , sa sobrang bilis ko siguro may napindot ako na kung ano na biglang nagblocked out ang Computer , DOS Based Program kasi ang gamit nila , at bigla akong kinabahan tinawag ko yung nag assist sakin at ng nakita niya na pati sia hindi nia maayos ung program , pinagalitan nia ako at halos ipagtabuyan , at sinabi pang tatawagan ka nalang namin….huhuhu nakakaiyak at nakakahiyang experience waaaaaaaaaa…

Hindi parin ako pinanghinaan ng loob , bagkus nagapply din ako sa Magsaysay sa UN Ave. kahit crew nalang sa isang Luxury Ship , naalala ko kasi ang aking Tiyo na isang Cook nuon , at lalong nagpatingkad at bumuhay saking alaala ang mga lugar na napuntahan nia , double purpose para sakin may trabaho kana , turista kapa!..

Ito na po si Mr. Interviewer , after reviewing my resume along with my credentials and COE , here we go: Mr. Davmel , after reviewing your documents , we found out that you are under age for the position , and also under height (ouch!) but we’re giving other choices if you want to take one of the position in the kitchen staff , but first you must undergo training at 5 star hotel , so i suggest to gain more experiences here in the Philippines… don’t worry we are always open for qualified persons.

Matapos kong marinig kay Mr. Interviewer ang mga sinabi nia , lumabas akong malungkot at nanghihina , (oo malungkot kasi sa tagal ko kayang pumila doon mula umaga hanggang hapon, at sinong hindi manghihina kung ikaw ba naman ay hindi pa kumain ng Tanghalian tanging skyflakes at tubig lang ang laman ng tiyan mo.)

Sa aking paglalakad lakad naisip ko na tama nga , kailangan ko munang magtrabaho dito sa bayan ni Juan , pagsilbihan ko muna ang aking inang bayan at sa tamang panahon makakaipon din ako ng experiences na sinasabi ni Mr. Interviewer. Sa dami ng aking pinasang papel , interview na dinaluhan at sa wakas , nakahanap ako ng masassabing full time job , nagtrabaho ako sa isang Company sa Ortigas , naging Masaya ang mga taon ng aking pamamalagi doon , na promote din ako after few months , naging Lead Operator at nag oorient narin sa mga new Project galing sa Amerika , nakapag training din sa Main Office sa Alabang.

Pangalawang Taon ko sa aming kompanya; nagtatanong parin sa sarili sapat na kaya ang experiences ko? Tama naba ito or kulang pa? (siguro akala nio nakalimutan ko na ang pangarap kong makapagtrabaho sa abroad) mga tanong na gusto kong malaman ang mga kasagutan , dahil hindi ko parin maalis sa isip at puso ko ang magtrabaho sa abroad…

Siguro nga pag talagang ninanais mo matutupad , be positive!

Sa susunod na kwento ko , ang aking unang Abroad papuntang DUBAI ~~~

Advertisements

Pagsubok

Dumadating talaga ang panahon na susubukin ang iyong kakayanan para lagpasan ang mga problemang dumarating. Private Computer School ang napasukan ko, so ano pa eexpect natin kundi malaki ang tuition fee, at per units ang bayaran weewww….ang aking ama ay isang hardenero, sia lang ang nagtatrabaho ng mga panahong iyon, lagi akong nadedelay magbayad sa mga exams, kaya kadalasan ang aking classcards ay may remarks na: NP (no permit) puro kasi delay ako kung magbayad dahil nga minsan kailangan naming umutang or kulang ang sinahod ng aking tatay, pero napagkayanan namin iyon, kahit puno ng hindi kanais nais na remarks sa aking classcards wala akong pakialam, basta maganda naman ang aking grade hehehe…

Pero talagang tumitindi ang problemang pinansyal, mahirap talaga magaral sa isang Computer School, kasi naman hindi pa ako tinanggap ng mga unibersidad sa maynila or taguig na halos libre na ang kanilang tuition fee sa mura, tsk tsk tsk.

Naka survive ako hanggang pangalwang taon sa aking kinuhang kursong BS Computer Science, ngunit ito na si problema kumakatok, humina ang kita ng aking tatay nabawasan ang kanyang mga kliyente sa Ayala Alabang, kaya nagisip isip ako na ayaw kong humina rin ang pagtahak ko sa rurok ng tagumpay.

Uso ang mga working students sa McDonalds, Jollibee, Wendys etc. (mga fastfoods)…so naglakas loob akong mag apply at luckily natanggap ako, buti nalang tumatanggap sila at priority rin nila ang mga working students, malaking tulong ito, hindi rin pala ganon kadali ang magtrabaho sa Jollibee lalo na’t ang iyong store na pinagtatrabahuan ay matao lalo na pag may mga BIG BIG SALE, gosh pag nakakakita na ako ng SALES upto 70% hindi ako natutuwa bagkus ako’y nangangamba dahil kayod marino ang aming dadanasin lol, may pagkakataon na ako’y nakatulog sa klase dahil sa pagal kong katawan lalo pa’t ilang araw ang sales. Ang una kong trabaho at hindi ko malilimutan ay ang Jollibee Uniwide Sucat, pero ngaun wala na ito, wala narin ang Uniwide Warehouse Sales sa Sucat, kada uwi ko sa bansang pinas, at dito kami nadadaan galing airport, lagi ko tinatanaw ito at naalala ang mga lumipas na panahon at naalala na ito ang unang humubog sakin sa murang edad na 17(disesyete), natutunan ang pagtatrabaho na bawat minuto at oras ay sulit na sulit (punas sipon) huhuhu lol…

Halos lahat na siguro ng hirap sa trabaho at pagaaral sa gabi nagawa ko na, pumasok kaba sa school na amoy, hamburger ka, may spagetti sauce pala ang iyong buhok, oh dili kaya natapunan ng used oil ang sapatos mo, diyahe hehehe. hinding hindi ko pa malilimutan ang aking karanasan sa Jollibee Alabang, isang impyerno ang maging crew doon lalo na sa mga Manager na parang dragon kung magalit at gawin kang alilang parang si Sarah at sila naman ang tumatayong Ms. Minchin ng buhay mo hmp!…

Hinding hindi ko makakalimutan ang isang eksena sa aking buhay sa pagtatrabaho sa jollibee:

Manager: hoy davmel bakit itong rice cooker (malaking rice cooker) hindi mo napaputi, gusto ko bago ka umalis ay mapaputi mo ito ok, at may nakita pa akong mga kanin sa ilalim, kung hindi mo kayang pulutin, maglagay ka ng manok para tukain ang bawat isa naiintindihan mo ba?”

davmel: napalunok at napatigil at nakapag isip isip… mam, hindi na po puputi yan ganyan na talaga yan sa sobrang tagal na po nian, kung gusto nio pinturahan ko nalang ng puti hmmm: nagtaray din ang inyong lingkod,

Kasi ba naman, final exam namin sa isang major subject, at napirmahan na ang aking timecard para good to go na, ibig sabihin approved na ng isang manager na tapos na ang aking duty… tapos haharangin ka lang ng ganon!… Ngunit ako’y nagpapasalamat sa lahat ng mga karanasan ko, dahil dito naging mabuting tao ako, naging mabuting anak, kapatid at kaibigan, naging malawak ang pananaw sa buhay at natupad ko ang aking pinapangarap na makatapos sa pag aaral, ng dahil sa sikap at tiyaga…siguro ako’y handa na sumabak sa mas malawak na mundo…

Sa susunod na aking ikukwento ang pakikipagsapalaran ko makahanap ng trabaho sa ating inang bansa,

Ang pagsisimula sa hamon ng buhay….

Bata pa lamang ako nang mangarap makarating sa ibang bansa. Siguro ‘nong mga panahong iyon sikat ang may magulang o kapatid na nasa ibayong dagat nagtatrabaho…actually hanggang ngaun din naman yan ang stereotype diba?

Tandang tanda ko pa ang mga panahon na kami’y pupunta sa aming Tiyo na galing abroad , ang aking tiyo nuon ay cook sa isang Luxury ship na umiikot sa part ng Europa…ang sarap ng pakiramdam na bigyan ka ng tobleron , m&m , snickers etc.Tuwang tuwa rin ako nang ipakita niya ang mga litrato sa iba’t ibang lugar na napuntahan nila lulan ng kanilang malaking barko.Tumatak sa aking isipin ang lahat ng mga iyon , mga litrato na may snow, malalaking building at magagandang parke…WOW…ang nasambit ko ng mga panahong iyon, kaya naging interesado ako sa ibang bansa, na nuong panahon ay aking tinuturing na isang paraiso!

Dahil sa mataas na pangarap na gusto kong marating.kaya ako’y nagpursige sa pag aaral. Ako’y nagpapasalamat sa aking magulang na handang sumuporta sa ‘kin..Katatapos ko lang ng highskul nang mag-entrance exam na ako sa mga university sa Manila at kahit sa Taguig , ngunit sawing palad akong hindi nakapasa. Inisip ko tuloy na BOBO ako , kasi naman hindi ako nag aral ng mabuti eh…nanlumo ako sa mga panahong iyon nawalan ako ng tiwala at pag-asa sa sarili , pero inisip ko kailangan kong makatapos dahil yon ang aking pasaporte para makapunta sa aking pangarap na magtagumpay.Habang akoy malungkot na bumaba sa tren galing sa unibersidad sa maynila , naglakad lakad ako sa Alabang Market , at doon may nakita akong bagong pag asa. Isang computer school na pwede kong pasukan , na hindi na required ang entrance exam , na pwedeng mag-aral kahit sino kahit hindi ka matalino basta may pera ka! Nag inquire ako at sinabi ko sa aking sarili “ok….ayaw ko mabakante at ayaw kong sayangin ang panahon at araw , kailangan ko magaral at makatapos” , ayun na nga…….hindi ako nakadagdag sa mga out of school youth.

Kung paano ako nakatapos ng pag-aaral , iyan naman ang ikukuwento ko sa susunod.

ang simula….

First time ko sa mga ganitong site, at ang nauusong blog site na tulad nito…

My college friend introduce and recommend this site, matagal tagal narin sia sa ganitong gawain at magandang hobby rin talaga to express your feelings/thoughts & best for relaxation… so i told to myself i need to try this and makiuso sa iba lol…

I really love to read some blogs of well known personality and even my closest friend…so talagang nainganyo ako… lalo pat marami rin akong kwento sa mga nakakatuwa, nakakaiyak at madamdaming experience locally and abroad…so paunang tikim palang ito

Before anything else, you may call me DavMel, not my real name but this 6 letters reminds me alot…(siguro medyo matagal ko pang ikukuwento ito hehehe)

Please welcome me here in my first ever blog…and i will give and share my story to all of you